Chapter 19

8.5K 370 193
                                    

'A-Wolf'


"What game are they playing?" tanong ko kay Walter habang naglalakad kami sa likuran ng mga players na nasa laro lang ang focus nila. Some of them had red screens already, a sign that they lost.

"It's a new game. Created by Milo himself. It's not the usual five versus five games. Sa laro na 'to, lahat ng players ay nasa isang server. They can team up and kill other players to gain more points but that would be pointless since isa lang ang mananalo sa laro na 'to," sagot ni Matthew.

Umangat ang gilid ng labi ko, popping into a smirk. So, Milo successfully created a game after all that coding and software making, huh?

"You're saying that you guys are going to defeat the creator himself?" natatawang tanong ni Vernon na nasa likuran lang naming, katabi si Baxter na umiinom na ng juice at hila-hila si Hoshi.

"If that could get his attention, why not?" nakangising kong sagot at nakita kong hinawakan ni Matthew ang balikat noong dalawang player at agad na silang nagsialisan sa mga upuan nila.

Umupo kami ni Walter sa mga upuan nila pero agad na nakipagpalit si Walter ng computer. Tinaasan ko siya ng kilay. "Babae 'yong avatar. Ayoko." Umismid ako sa sinabi niya at nakipagpalit ng computer.

"Parang avatar lang. OA nito," sabay na reklamo nina Baxter atatthew at tiningnan ang gawi ni Milo.

Natigilan ako noong makita kong nakatingin pala sa amin si Mio at bahagya pang umiling tsaka binalik ang tingin niya sa pc. "Kilala niya kaya tayo?" tanong ni Hoshi na sumisipsip ng juice na halatang ninakaw niya kay Baxter pero bigla na lang may humila sa kanya.

Napaawang ang bibig ko noong hinila siya palayo ng mga guards sa event at tinuro nila ang 'no drinks allowed' sign sa event. Tiningnan ni Matthew ang mga bodyguards na 'yon at agad nilang binitawan si Hoshi.

"Idedemanda ko kayo!" sigaw ni Hoshi at nagtago sa gilid ni Seth noong nilingon siya ng mga bouncer.

Ginulo ni Seth ang buhok niya at saka na namin tinuon ang atensiyon sa laro. I don't even know how to play this game, but I think I'll get used to it. Tiningnan ko ang stash ng player ko at nakita kong fully-packed pala ito.

"I'm ravengzb00. You?" Rinig kong sambit ni Walter sa headset. Tiningnan ko ang username ng player ko. "JJ-ace," sagot ko at bahagyang natawa si Walter. I know right. They're too cheesy for usernames. Inayos ko na lang ang headset ko at nakipagtandem ako kay Walter sa laro.

"Okay, you work on the offense. I'll be the defense... also healing," sabi ko at tiningnan ng maigi ang character ni Walter sa laro. He already killed ten players in just a minute. Napabuga ako ng hangin at mahina sinuntok ang balikat niya kaya natawa siya.

"Stop playing around," sambit ko.

"I can't. We're playing, right?"

Napairap ako dahil sa sinabi niya. Walter's demonic side really rubs on him sometimes. Napabuga ako ng hangin at kahit tandem kami sa laro ay binombahan ko siya, decreasing his life meter. "What the—?! Baby sis?!" gulat na tanong ni Walter. Hinarap ko siya at nginitian pero nabigla na lang kami nang pumagitna sa amin si Seth.

"Focus on finding Alpha001 and stop being childish. You two are getting on my nerves."

Nawala kaagad ang mga ngiti sa labi namin si Walter at sabay kaming napalunok at binalik ang tingin namin sa pc. Nag-pop up ang message ni Walter sa screen ko kaya tiningnan ko ito.

From ravengzb00: bruh, scary leader is back

Hindi ko na nireplayan ang message ni Walter at hinanap na namin ang character ni Milo. We played for exactly thirty minutes tsaka namin nasira ang isang tower na kanina ko pa pilit nilalagpasan. Walter ended the destruction with just one blow at umangat ang gilid ng labi ko noong makita ko ang username ng isang character.

Lost SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon