Special Scenarios

10.3K 424 182
                                    

· • —– ٠ ✤ ٠ —– • ·

'Welcome back, Xy'


After Xin came back from Olympus, tiningnan niya si Xy na nakahawak sa kamay niya. Ngumiti ito sa kanya. She was more excited to show the team. Pinantayan niya si Xy at hinalikan ito sa pisngi kahit tinadtad na niya ito ng halik sa pisngi kanina pa. Zeus gifted her life, and by means, the life of Xy.

"Alright, let's go," nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ni Xy.

Binuksan niya ang pinto ng bahay at si Milo lang ang unang nakapansin sa kanya.

Hindi pa alam ni Milo ang dapat niyang sabihin nang makita niyang may katabi si Xin. Binaba niya muna ang video game controller niya at kinusot pa ang mga mata dahil baka nananaginip lang siya o baka nasubrahan ang paglalaro niya na nag-iilusyon na naman siya.

"Xy?" tanong niya at dahil dito ay napalingon ang team sa kinaroroonan nina Xin. Ngumiti si Xin sa kanila at kumaway naman si Xy.

"Ilusyon lang 'yan," ani Hoshi at dumaan pa sa harap nila habang may kagat-kagat na sandwich. Napaawang ang bibig ni Xy dahil sa sinabi ng Tito Hoshi niya at natawa si Xin. Bumaba kaagad si Jun mula sa kwarto niya nang marinig niya ang pangalan ni Xy.

"Dad!" sigaw ni Xy at tumakbo papunta kay Jun tsaka niyakap ito. Naguguluhan pang nakatingin sa kanila ang iba na parang tumigil sa paggana ang utak nang makita nila si Xy. Tiningnan ni Jun si Xin na naglalakad palapit sa kanila.

"Zeus and Hades finally agreed on one thing—bringing him back," nakangiti nitong sambit at doon na kumilos ang ibang myembro ng team.

Isa-isa nilang niyakap si Xy at hinalikan ang pisngi nito habang si Hoshi naman ay nakatingin lang sa kanila at ngumunguya pa ng strawberry.

"My illusions are getting realistic," aniya habang nakatingin sa mga kaibigan niya na pinagtutulungan si Xy. They were showering him with hugs and kisses. Hoshi snapped out of his 'illusion thoughts' when Xy's shoes hit his face.

"Aren't you going to stop eating, Tito Hosh?" tanong ni Xy at nagtagal pa ng sampung minuto bago tuluyang tumayo si Hoshi sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa kinatatayuan ni Xy. Tumitingala si Xy sa kanya hanggang sa lumuhod si Hoshi sa harap niya.

Hinawakan niya ang pisngi ni Xy at ngumiti ito sa kanya. And that's when he confirmed that he was real. Niyakap niya ito habang nakatingin ang team sa kanya.

"Ang sweet niyo pa ngayon. Magpapatayan rin naman kayo bukas," sabi ni Wolfie. Siniko siya ni Duke at tiningnan 'yong dalawa na nag-aaway na sa natitirang strawberry.



---------------------- ✂

'The son of Poseidon'


As a punishment for fleeing in the middle of a war, he was granted a twenty-year punishment in the Bermuda Triangle. He shall take care of the affairs of the sea with the mission to not harm any creature passing the devil's triangle. It was a fair punishment for him, said many.

"You sure you don't want to tell anyone why you left the war?" tanong ni Luce habang nakaupo silang dalawa sa sira na pirate ship na lumulutang sa tubig. Umiling si Storm at tumingin sa paligid. "Hahayaan ko na silang isipin na duwag ako kasi tumakbo ako kesa malaman nila kung bakit ako umalis. Especially Xinny," aniya dahilan para umangat ang gilid ng labi ni Luce.

"Well, I guess imprisoning you in hell back then thought you a lesson. Very well, Deka and I will visit you next time. Have fun in this... uh... triangle?" natatawang tanong ni Luce. Binato siya ni Storm ng kahoy pero tuluyan nang naglaho si Luce.

Lost SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon