Chapter 7

9.4K 309 103
                                    

'Inside the Shield'


How am I supposed to tell them kung sa tuwing susubukan kong magsalita sa kanila tungkol dito ay pinaglalaruan na naman kami ng panahon? Who is this girl that keeps on whispering in my ear? Who is this girl that I kept seeing? Why are weird things happening to Team Alpha?

Nafrufrustrate na ako kakaisip kaya sinabunutan ko na ang sarili ko at binagsak ang mukha ko sa librong nasa mesa ng study table ko.

"You know that you could tell us what's bothering you, right?"

Agad kong tiningnan si Matthew na kakapasok lang sa kwarto ko na bukas pala ang pinto at kasama niya si Duke na may dala na isang tray na may nakalagay na isang basong gatas. Inilapag ni Duke ang tray sa harap ko at binigay sa akin ang gatas na dala niya.

"Ano ba kasi 'yang iniisip mo?" kunot-noong tanong ni Duke. Napakagat ako sa aking ibabang labi at napapikit. If I mention something to them now, baka maulit na naman 'yong nangyari doon sa unang beses na sinubukan kong magkwento.

"Alright, we won't push you. Pero tawagin mo lang kami kapag handa ka nang magsalita," sabi ni Duke at umalis na.

Tinapik naman ni Matthew ang balikat ko at noong palabas na sila ay naabutan nila si Jun na papasok sa kwarto ko. Tinapik rin ni Matthew ang balikat ni Jun at saka tuluyang umalis. Tiningnan ko si Jun noong nakapasok na siya.

He smiled at me, kissed my forehead, and started cleaning the mess in my room. Ni hindi ko na nga napansin na napakakalat na pala ng kwarto ko. I've been too distracted.

Ginulo ko ang buhok ko at tumayo na para tulungan si Jun na maglinis pero kinarga niya ako sa mga braso niya, pinaupo sa single seater na sofa, binalot sa comforter, nilagay ang baso ng gatas sa kamay ko, at hinalikan ang pisngi ko.

"Rest. I can handle this."

Napangiti ako sa sinabi niya at tiningnan na lang siya na kumikilos ng mabilis sa kwarto ko habang nakabalot naman ako ng parang burrito sa comforter ko. Inubos ko na ang gatas na hinanda sa akin ni Duke. Kinuha naman ni Jun ang baso sa kamay ko at nilagay ito sa mesa tsaka ko tiningnan ang paligid na malinis na pala.

Napaawang ang bibig ko. He sure does move fast. Umupo na siya sa sofa na nasa harap ko at tiningnan ako na nakabalot pa rin sa comforter.

"You're too cute," natatawa niyang sambit at nangalumbaba tsaka tinitigan ako sa mga mata. Habang nagtititigan kami ay inalis ko ang pagkakabalot ng comforter sa akin at dahan-dahang itinaas ang kamay ko at hahawakan ko sana ang noo ko nang makita kong umiling si Jun.

"No need, baby." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. How did he know that I was gonna erase my thought block? Ngumiti lang siya sa akin at nilapitan ako.

"I think I know how to solve your problem," sabi niya dahilan para kumunot na naman ang noo ko. He was about to open his mouth pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.

What if he says it out loud? What if marinig ng babaeng 'yon? What if she'll play with us again?

Napahinto ako sa mga iniisip ko nang maramdaman ko ang malamig na kamay ni Jun sa pisngi ko kaya tumingin ako sa kanya, lalo na sa mga mata niya. He smirked at me and suddenly changed his eye colors. Right now, he's flashing me his deep, blue-colored eyes.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. How can his blue-colored eyes help me with my pro—Wait! Naibalik ko kaagad ang tingin ko sa kulay blue niyang mga mata. Blue. Something blue. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig.

That's it! The blue shield!

"You're such a genius!"

Masaya kong sambit at itinapat niya ang daliri niya sa kanyang labi at kinindatan ako. This sly vampire. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto ko.

Lost SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon