BEAUTIFUL LIARS SERIES #2
MISS EAVESDROPPER
***JHOEY POV***
"YES! Break time na!" Nakangiting hiyaw ko sa pagitan ng pagtaas ng aking mga braso. Ngawit na ngawit na ang mga kamay at utak ko sa pag-o-organize at pagpa-finalize ng mga detalye. Kesyo pangit daw ang venue o kaya naman ay ang mga design ng mga fashion designer. Nakaka-bwesit na ang pabago-bago at papalit-palit na gawain.
"You are too loud Jhoey," anang kasamahan ko sa trabaho.
Ngiting aso naman ang iginanti ko matapos silang lingunin.
"Guys, masyado kayong die hard sa trabaho. Huwag ninyong pahirapan ang inyong mga sarili. Tatanda kayo nang wala sa oras niyan." Payo ko sa kanila.
Hindi ko rin naman sila masisisi, magmula nang palitan ang boss namin ng anak nitong pinaglihi sa sama ng loob. Lagi kaming napupuyat at nahihirapan. Mabuti na lang mabilis akong kumilos kaya tapos ko na ang parte ko.
"He! Kung makapayo ang bruhang ito," nakangusong wika ni Jade, ka-officemate ko. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan sa grupo namin.
Nahahati kasi kami ayon sa naataw na gawain. Nagkataon na kami ang taga-hanap ng lugar at dapat mapagkasya ang perang ibinigay sa amin. Hindi naman kuripot si Boss. Sa katunayan malaki lagi ang sobra. Ang isang grupo naman, sila ang taga-asikaso ng mga modelo. Habang ang iba, more on paper works. Hindi ko na iisa-isahin. Baka matigang lang ang utak ko sa kakaisip.
"Ganyan talaga," pilyo akong kumindat.
"Grabe ka!" ikinurus ni Jade ang mga kamay sa dibdib.
"Thank you," muli akong ngumisi.
"Hindi kita pinupuri!"
"It's still the same." I rolled my eyes. "O, ano? Let's go?" Yaya ko sa kanya. Gutom na talaga ako, kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan.
"Saan?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
"Saan pa ba? Kundi sa canteen. You know na." Hinampas-hampas ko ang nananahimik kong tiyan.
"E paano itong trabaho ko?"
"It can wait." Tumayo ako at nilapitan siya. "Me? I can no longer wait."
"It's baliktad my friend. Food can wait but not our work. Ayoko pang masabon ni boss."
"Masama ang paghintayin ang grasya." Kunot noong sabi ko.
"Jhoe Ann Adorable!" tawag niya sa buo kong pangalan.
"Wow, sarap sa ears," nakangiwing kinutingting ko ang butas ng kanan kong tainga.
"Boss Kelvin will definitely fire me if I'll go with you," hindi maipinta ang mukha na binato niya ako ng nilamukos na papel.
Pahinamad na humilig ako sa gilid ng kanyang mesa at pinatitigan siya ng husto. "First name bases ang peg? Type mo si bossing ano?"
Kita ko ang pamumuti ng kanyang mukha. Hindi ko napigilan ang mapahalakhak. I feel her. Kahit naman ako ay walang balak na magkagusto sa bago naming amo. He's so mean. A monster. Semento yata ang puso ng isang iyon. Ngunit kahit masama siya, pinagkalooban naman ang lalaking iyon ng gwapong mukha. Ayon sa mga bulong-bulungan, kung sino man ang magkakagusto sa kanya ay awtumatikong masisisante. Kaya nga walang tumatagal na secretary niya. It lasted for a day or a couple of hours.

BINABASA MO ANG
BLS#2: Miss Eavesdropper(COMPLETED)
ComédieBEAUTIFUL LIARS SERIES #2 MISS EAVESDROPPER >>Jhoe Ann (Jhoey) Adorable>>>>>>>>>>>>>>> Anthony x Jhoey Lovestory credits to cas @Iamacoy for the cover