Chapter 19 Conclude

1.7K 66 4
                                    

Chapter 19 Conclude


***JHOEY POV***

"SAAN tayo magsisimula?" panimula ko sa usapan. Ang tahimik kasi. Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng monitor.


Bakit?Kasi sobrang tahimik dito. Kung itatanong ninyo kung nasaang butas kami ngayon, bweno sasabihin ko na. Nasa loob kami ng isang Ospital.


Tatlo kami ang naririto sa loob. Ako, si Lemuel at si... Rosie. Huwag ninyong hanapin si Kumag. He doesn't belong here. Wala siyang karapatang pumarito. Hindi pa ako nakakaget-over sa ginawa niyang pagpunit sa contract namin!


Grr!


"A-ano..." it's Rosie. Nakayuko siya habang nilalaro ang dulo ng kanyang damit.


"Walang dapat pag-usapan!" Biglang wika ni Lemuel.


Ikinapitlag iyon ni Rosie. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. The way I look at her, she feels like crying. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga sabay lapit sa nakahigang lalaki.


Whew! Akala ko ako lang ang may karapatang magdrama. Sila rin pala? Aish!


I crossed my arms."Paano kayo magkakaintindihan kungpuro na lang kayo. QUIET! QUIET! QUIET!Wala tayong mapapala sa kakatahimik ninyo!" +__+


Sa bawat salitang binibitawan ko napapapitlag ang bessy kong ito. Parang mali yata itong ginagawa ko. Baka mapaano pa ang baby niya. Magaya pa sa ina niyang panay ang pitlag.


I sighed.


"Okay!" umupo ako sa gilid ng higaan."Ano na ba talaga ang sitwasyon ninyong dalawa?" kalmanteng tanong ko.


Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Rosie at pilit akong tinitigan."Nakapagdesisyon na ako Jhoey...."


I look at her in the eyes.


Pasimple niyang sinulyapan si Lemuel."Hindi ko na siya pipilitin sa bagay na... na hindi niya gusto... P-palalakihin ko ng mag-isa..ang... ang bata."Her eyes turning to red.


"What? Are you out of your mind!" bulalas ko.


"Ayokong ipagpilitan ang baby ko sa ama niya... lalo na kung... kung hindi naman niya ito aakuing kanya." T__T


Ang lalim nun a! Pero... teka...


Tinitigan ko ng masama si Lemuel. "Bakit ba ayaw mong akuin ang bata?Ha, Lemuel!" +__+


He looks away. Sarap batukan! Promise!


"Magsalita ka!" hinampas ko ang kama. Hindi naman masakit, malambot kaya itong hinahampasan ko. Nanggigigil kasi ako sa pag-uusap ng dalawang ito. Ang daming drama! >__>

BLS#2: Miss Eavesdropper(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon