Chapter 25 Beads of Roses

4K 111 23
                                    

Chapter 25 Beads of Roses


***JHOEY POV***

"WALA akong sinabing gusto kita!" kaila ko sa bintang ni Kumag na totoo naman. Ayokong mabuko! Ayoko pa! Hindi pa ako handa!


"I heard it!" he insisted. He's darn serious.


"Nabibingi ka lang!" >///<


"If it isn't true, then why your face is so red?" =__=


Namumula? Namumula bang talaga ang mukha ko? Hindi ko makita e!


"My allergy ako sa tubig kaya ganyan!" >///<


"If you really have an allergy, dapat buong katawan mo ang namumula." =__=


"M-may... maarte kasi ang skin ko kaya ganun!" >///<


Sige Jhoey, gagawa ka na nga ng dahilan hirap pang paniwalaan!


He sighs. "You're not good in lying." May gumihit na munting ngiti sa kanyang labi.


Ang gwapo! >///<


"Shut up!" nag-iwas ako ng paningin.

Ano na ang dapat kong gawin? Sobrang buking na ako. Kahit anong gawin kong tago alam na niya. At wala na akong magagawa doon. Wala na.


>__<


Bumunot ako ng isang malalim na buntong-hininga, sabay titig sa kanyang mga mata. Total buking na ako. Aamin na lang ako. Wala na akong pakialam kung lalaitin niya ako. Pagod na ako sa kakatago.


"E ano naman sayo kung gusto nga kita! Wala ka ng pakialam do...."


"Why did you told me last time, that you don't like me?!" Putol niya sa speech ko.


Hay naku! Hindi pa nga ako tapos e! >__<


"Paki mo sa..."


"ANSWER ME!" sigaw niya. Nababakas sa mga mata ang.... ang.... tama ba ang nakikita ko? Hinanakit ba ito? Para saan iyon? Hindi naman siya masasaktan sa ginawa ko. Hindi siya masasaktan dahil wala siyang pagtingin sa akin.


"ANSWER ME!" muling sigaw niya.


"HUWAG MO AKONG SIGAWAN!" ganting sigaw ko.


"JHOEY!" banta niya. Sa paraan ng pagsasalita niya, parang ano... basta ano... na kapag hindi ako sumagot may gagawin siyang hindi maganda.


"O-oo na..." marahan kong sabi. Takot kaya ako! "Hindi iyon totoo... K-kasi..." Argh! Kapag sinusubukan kong magsalita, naluluha ako.

BLS#2: Miss Eavesdropper(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon