Chapter 6 Bitter-Sweet

2.2K 71 0
                                    

Chapter 6 Bitter-Sweet

 

 

***ANTHONY POV***

PAGKAPASOK ko pa lang sa kompanya ni Kelvin, may nagsisulputang agad na mga babae. Mga magaganda at sexy.

"Good morning baby." malanding wika ng babaeng kinapos sa damit, sabay yakap sa akin sa braso.

"Sabi ko na nga ba dito lang kita mahahanap honey." ipinulupot naman ng isa pang babae ang mga kamay sa baywang ko.

"Bakit hindi ka na pumupunta sa condo ko?" Naka-pout naman na nilaro ni babae 3 ang dibdib ko.

Ang iba? Nag-aaway na. Sa totoo lang, hindi ko matandaan ang mga pangalan nila, kahit isa sa kanila. Ang tanging naaalala ko lang ay ang mga mukha. Masamang pag-uugali? hindi ko na kasalanan kung magpapaloko man sila sa akin.

At the first place they know na hindi ako mahilig magseryoso, all I want is to play at hinayaan nilang gawin ko iyon. All of them? They are not my girlfriends. Wala akong minahal ni isa man sa kanila.

Isang tao lang ang mahal ko. And it’s my childhood friend. Kaso... iba ang tingin niya sa akin... Nakakatandang kapatid lang. At iyon ang kinaiinisan ko sa lahat.

I sighed. Tinitigan ko ang mga babaeng nakapulupot ngayon sa akin. Paano ko ba ito matatakasan? Wala pa naman ako sa mood para makipaglandian.

Nagtaka ako nang may nagsisulputang guards at hinila palayo ang mga babae. Hindi lang isang guards kundi SAMPO! Sinundan ko lang ng tingin ang mga dilag. Ang iba hindi pumapalag kasi iyong mga guards ay mga heartthrob. Kaso di hamak na mas gwapo ako sa kanila.

"Mukha kang na-rape ng mga pangit na alien na yun Mhar." wika ng misteryosong boses.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kilalang-kilala ko ang boses na yun. Ang boses na nakasanayan ko mula pa pagkabata.

It’s her... Krezyl Zane Saavedra!

 

Unti-unti akong lumingon. Nakatayo siya at nakapamaywang. Mukhang siya ang may kagagawan ng pagsulpot ng sampong lalaking iyon.

Agad akong lumapit sa kanya. I really want to hug her kaso hindi ko magawa. Natatakot akong ipagtulakan niya na naman ako kagaya ng nangyari sa lalaking una niyang minahal. Instead of hugging I only pat her head.

"On time ang pagdating mo." ^__^

"Matanda na nga ako. Itigil na na nga yan!" Tinapik niya ang kamay ko.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Okay, kumalma ka lang." ^__^

Umingos siya.

She's darn cute. "Bakit ka nga pala nandito KZ? Sa pagkakaalala ko kasi nasa kalagitnaan ka nang bakasyon mo sa America?" Pagkasabi ko nun, nanlaki ng sobra ang mga mata niya.

BLS#2: Miss Eavesdropper(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon