Months Ago...
"Mama?"
Napa-lingon si Aubrey kaagad sa anak niya na sobrang nalilito na sa mga nangyayari. "Y-yes, baby?"
"Where are we? Is this our new house?" Nalilitong tanong ni Aireen.
Nasa tapat na kasi sila ng bahay ni Mike. He is the father of Aireen, at hindi niya talaga maitatago 'yon. Hindi lang talaga napigilan na may mangyari sa pagitan nilang dalawa, halos anim na taon na ang nakakaraan.
Mike is a man.
Hinaplos ni Aubrey ang mukha ng anak at ngumiti ng mapait. "Baby, whatever Mama will say, you will listen... Okay?"
Tumango-tango ang bata kay Aubrey at saka ito pinindot ang doorbell ng bahay ni Mike.
DALI-DALING lumabas ng bahay si Mike upang salubungin ang kung sino 'mang tao ang nag-abala para bisitahin siya.
"Aubrey?" He stammered.
"M-Mike."
Ikinakuha naman ng kanyang atensyon ay ang isang batang nasa tabi lamang ni Aubrey na naka-hawak sa kanyang kanang kamay at napansing nag-tago kaagad sa likod ni Aubrey.
"Come in." Naka-ngiting sambit ni Mike na ikina-gulat ni Aubrey.
Sumunod nalang si Aubrey at si Aireen kay Mike papasok ng bahay. Hindi niya alam, siguro magiging magulang nalang silang dalawa para kay Aireen. Siguro ang tanging koneksyon nalang ay ang bata. Wala ng iba. Oo, tama. Para kay Aireen lang.
"Mama... Where are we?"
Umupo na sila sa sofa at ganon pa rin ang tingin ni Aireen sa lugar. Hindi naman alam ni Aubrey kung ano na ang sasabihin kay Aireen— ang anak nila Mike. Kinakabahan na rin siya sa puntong ito. Nanginginig na rin ang kanyang mga kamay.
"Who is he?" Tanong pa ulit ni Aireen kaya naman napalingon na si Aubrey.
Huminga siya ng malalim at humugot ng lakas ng loob. "Aireen... 'Wag kang magugulat sa sasabihin ni Mama, okay?" Paki-usap niya sa anak.
Tumango-tango naman ang bata at tumingin kay Mike. Matagal nang gustong mayakap ni Mike ang bata kaya hindi niya mapigilan ang sarili na umiyak sa loob niya. Matagal na niyang alam na sa kanya si Aireen. Halos anim na taon din niyang tiniis na wala sa piling ang kanyang anak.
Ngayong nasa harapan na niya ito, ay gusto na niya itong yakapin, hagkan at 'wag nang pakawalan pa.
Tiniis niya ang anim na taon, ayaw pa niyang mag-tiis ng isa pang anim na taon o 'di kaya'y mas matagal pa doon. He wants to have her daughter!
"Mike, alam na ni Xander ang totoo." Biglang sabi ni Aubrey.
Makakahinga ba siya ng maluwag doon? Mukha ba siyang magiging masaya? Pinakawalan na ni Xander si Aubrey nang dahil lang ba sa hindi niya anak si Aireen?
"Sabihin mo na sa kanya, Aubrey." Utos ni Mike.
Umiling-iling si Aubrey. "Tayong dalawa, Mike."
Napa-mura sa loob si Mike. Ngayong sila nang dalawa! "S-sige." Sagot na lamang niya.
Humarap si Aubrey sa anak at hinaplos muna ang mukha bago mag-salita. "Aireen... We hid this secret to you almost six years from now." Sabi niya at hinawakan ng maigi ang kamay ng anak.
"Ako." Panimula ni Mike. "I am your real father..."
Napapikit ng mariin si Mike at hinintay na sumigaw si Aireen. Inaasahan niya na mula sa bata na sumigaw. Tatanggapin nalang niya na hindi muna siya tanggap ng anak, basta ang gusto lang niya ay makasama ang anak. Siya nalang siguro ang aayos ng relasyon nilang dalawa bilang mag-ama.
Basta, bigyan lang siya ni Aireen ng pagkakataon na maging ama para sa kanya.
Ilang segundo ang lumipas pero, wala siyang narinig na sigaw. Idinilat niya ang kanyang mata at tinignan ang anak. Wala na pala ito sa kinauupuan niya.
Gulat siyang napa-tingin sa kanyang kanan at nandoon na pala naka-upo si Aireen. "PAPA!" Buong sigaw ni Aireen at niyakap si Mike.
Napalingon siya kay Aubrey na ngayong nakatakip na ng bibig ng dahil sa ginawa ni Aireen. "I already know the truth, it's just I'm waiting for Mama to say it!" Sigaw niya habang naka-yakap pa rin kay Mike.
Nagulat din si Aubrey sa kakasabi pa lamang ng anak. "Bakit ngayon mo lang sinabi, Aireen?!" Singhal niya.
Tumawa si Aireen at tumingala para tignan si Mike. "Mama! Look! Papa and I have the common eyes!"
Hindi pa rin makapag-salita si Mike. Hindi niya inaasahan na ganito pala ang magiging reaksyon ni Aireen, oras nang sinabi sa kanya ang totoo. He was happy; he was accepted whole-heartedly by his daughter. "'Yan din ang una kong napansin." Tugon naman ni Mike.
"Sobrang saya ko po!" Naka-ngiting tugon ni Aireen.
Niyakap naman pabalik ni Mike ang anak at huminga ng maluwag...
![](https://img.wattpad.com/cover/17829855-288-k529036.jpg)
BINABASA MO ANG
PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)
General Fiction[The Architects Series: Xander Del Valle (part two)] "Showing it to them that I am a changed man, a responsible father and a possessive husband..." --Xander Del Valle (September 2014-June 2015)