Chapter 28

12.1K 146 43
                                    

ZAIRA 

"Good-evening, Wife." I smiled at him and waved at the screen.

"Kamusta na? Sinabi sa akin ng sekretarya mo na halos himatayin ka noong isang araw..." I rolled my eyes. "...who told you to overwork?"

He smiled -- na hindi umabot sa tenga niya. "I really have a hectic schedule, Wife. Besides, it's for the company." he weakly smiled again.

"I know you're doing it for the company. Pero, hindi ba pwedeng ipahinga mo ang katawan mo? Masyado mong itinutuon ang sarili mo sa trabaho," I said to him, concerned.

"I still can, my body still can. That's why I called you to have my energy regained for this day." na-obserbahan ko nga na naka-ayos na si Hub sa kanyang business suit.

"Still, you need to rest. Ayokong napapagod ka ng sobra." hinaplos ko ang screen ng laptop ko kung saan nakatapat ang mukha niya. I miss him so much... "Please, take care of yourself, Hub," I pleaded to him. Ayokong pinag-aalala niya ako ng ganito.

"Okay, okay, sorry for being careless about my personal health, Wife. I'll assure you that I will manage myself from now on." He smiled and it lighted me up.

"Basta, 'wag mong pagurin ang sarili mo ng sobra, a! Ayokong pinag-aalala mo 'ko!"

He chuckled. "Yes, Wife, I love you."

"I love you too." I smiled.

"Larzene said that you went with my brother the other day?"

I cleared my throat. "Y-yes, pero...sa paghatid-sundo lang naman kay Larzene," I lied. I face palm myself in my mind.

"How come he is with you again? He's such an a-sshole!" He growled.

Tumawa ako ng alanganin. "Siya na kasi ang nagpumilit na ihatid-sundo si Larzene, Hub. Kaya hinayaan ko nalang," I lied again!

"The worst of all, why is my daughter calling him 'Daddy' again, uh?!" He growled, once again.

"Kumalma ka nga, Xander. 'Yon lang naman ang nakasanayan ni Larzene na tawag sa kanya, e."

He tiredly sighed. "Tell me, do you still love him?"

Malinaw ang kuha ng mukha ni Hub dito kaya kitang-kita ko ang lungkot at kaba sa mga mata niya, napakagat ako ng labi ko. "Of course not! Ano ba ang nasa isip mo, Xander?" I lied -- wait, is it a lie?

"I trust you Wife the same way you trust me," he said in a calm voice and I could see him smiling.

Biglang sumikip ang dibdib ko, he trusts me -- but the other day, I already broke it -- I'm already hurting him by being unfaithful to him. "No matter what happens, I love you so much Hub," I said to him.

"I always remember that, Wife. I love you too,"

We bid our goodbyes and ended the video call. I shut down my laptop and prepared my bed. Lumabas muna ako ng kuwarto at pinuntahan si Larzene. Dahan-dahan kong ipinihit ang seradura at sumilip -- she was already sleeping soundly. I smiled at pumasok sa kuwarto niya.

Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama niya at ibinulong na, "Good-night my angel." I caressed her face and kissed her forehead.

Inayos ko ang kumot na bumabalot sa kanya at tumayo na para lumabas na ng kuwarto niya. Bumalik ulit ako sa kuwarto namin ni Hub at inasikaso naman si Lexus na gising pa rin hanggang ngayon at kagat-kagat ang kanyang mga daliri.

Napahagikhik ako. "Hindi pagkain ang mga daliri mo, Lexus Brylle." inalis ko sa bibig niya ang daliri niya pero, ibinalik niya lang ito. "Alam mo, ang kulit mo, hindi nga pagkain 'yan, e." I chuckled.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon