Chapter 20

11.1K 189 5
                                    

First of all, I just want to thank foreverBJDR for making the awesome covers for my stories. I really appreciate all her works and I'm glad I have given her my trust for her talent. 

---

ZAIRA

Isang buwan na rin ang nakakaraan simula noong naipanganak ko na ang ang bagong anghel ng buhay namin ni Xander. Hands-on talaga ako sa pag-aalaga ng dalawang anghel namin, tumigil muna ako sa pagmo-modelo dahil kailangan ko munang tutukan ang dalawa.

Lalo na si Lexus, gusto ko ako ang nasa tabi niya palagi. Sa ngayon pa nga e, hindi ko pa siya pinapahawak sa iba maliban lang kila Mama at Papa, pati na rin sa mga magulang ni Xander, kay Larzene at kay Manang. Aftershock pa ito siguro dahil nagiging over-protective ako.

I chuckled. "Na'ko anak, ang takaw mo naman sa gatas." Breast-feeding time kasi namin ngayon.

Ilang minuto palang ay tapos na kaagad si Lexus. Inayos ko muli ang sarili ko at kinarga ko siya para ipatong ang ulo niya sa aking balikat. Isang malambot na palo ang ibinibigay ko sa likod niya para dumighay. Ilang saglit rin at bumigay na rin ang anak ko at lumabas sa kanyang munting bibig ang saglit na dighay.

"Umagang-umaga, busog na busog ka anak." Hinele ko na siya at saka lumabas para magpa-araw.

Tinignan ko siya muli at tulog na naman siya. I smiled and patted his back to let him sleep. Mabuti nalang talaga at hindi masakit sa balat ang sikat ng araw ngayon kaya dito siguro muna kami ni Lexus—Mother and baby bonding.

Ilang sandali rin ay hinugot ko mula sa bulsa ng short ko ang cell phone ko para sagutin ang tawag. "Hub?"

"Wife, your parents told me that they will be gathering a family party for baby Lexus."

Inilagay ko muna si Lexus sa kanyang crib at lumabas muli para hindi niya marinig ang ingay. "Family party?"

"Yes. Only the Del Valle's will be there. You know, cousins, close relatives."

Tinignan ko si Lexus mula sa kanyang pinag-hihigaan. "Hindi kaya masyadong ma-expose sa maraming tao, Hub?"

He sighed. "You can refuse if you want."

I pouted my lips as I decide. "Okay, tell your parents to resume it. Siguro para makilala ko na rin ang ibang miyembro ng pamilya mo."

"I'll tell them right away. Bye, love you."

I smiled. "I love you too."

Ibinaba ko na rin ang tawag at binalikan si Lexus. Binuhay ko ang makina ng radyo niya para magpatugtog ng mga lullaby sa CD. I swayed his crib from left to right para mas maging malalim pa ang pagtulog niya. Siguro energy booster niya ito para mamaya. Dahil kapag nag-handa ng party mamaya sila Mama at paniguradong hanggang madaling araw 'yon.

Pero, sana hindi.

NANG makababa ako ay isang buntong hininga ang inilabas ko. The bodyguards were still here— all around the house. Kanina nga rin na paglabas ko ng kwarto ni Lexus ay may dalawang bodyguards ang agad na pumasok para mag-bantay.

"Ma'am..." Napalingon ako sa nag-salita—Si Manang Jen. "Ito na ho yung tanghalian ni Sir."

"Ah. Salamat ho." Kinuha ko na 'yon mula sa kanya at inilagay na sa isang bag.

Bumalik muna ako at dumiretso sa kwarto para ihanda ang isusuot ko para mamaya. Pagkatapos kong pumili ay naligo na muna ako at saka nag-relax sa bath tub. I closed my eyes and felt the bubbles that are covering my body. Itinaas ko pa ang isang kamay ko para makita ang singsing namin ni Hub.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon