Chapter 25

10K 181 7
                                    

ZAIRA 

"Kailangan mo ba talagang umalis?" hinalikan niya ang noo ko bago hinaplos ang pisngi ko.

"Ilang beses na natin itong pinag-usapan, Zai." umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Asikasuhin mo nalang ang mga bata. Five months, Wife. Maikli lang 'yon," he said, encouraging me.

Umiling ako at sumandal sa balikat niya. "Limang buwan? Ang tagal 'non, Hub."

Pinisil-pisil pa niya ang kamay ko. Paano ba naman kasi, dalawang buwan matapos ang kasal namin ay may plano na ang DVG para makipag-sabayan sa mga international companies sa iba't-ibang panig ng buong mundo. I was also happy because of its success. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pag-alis ni Hub. Simula ngayon, magiging malayo na siya sa amin, ang tanging komunikasyon namin ay ang Skype.

Nakausap na rin namin si Larzene dito at ilang araw siyang hindi tumigil kakaiyak kaya, simula noong gabi na 'yon ay natutulog na siya sa gitna namin ni Hub. Kahit na hindi masyado nakakaintindi si Lexus ay kinakausap nalang ito ni Xander. Palagi namang nakakunot ang noo ni Lexus habang kagat-kagat niya ang hintuturo niya habang kinakausap siya ni Hub.

"It's hard for me also to be away from you. Sacrifice is a big thing here."

I agreed on what he said just by nodding. Sakripisyo -- na malayo sa isa't-isa at tanging camera lamang ang tanging paraan upang makapagkita kayo. Iniisip ko pa lang ay nanghihina na ako. Sana tapos na ang limang buwan para makasama ko na ulit si Hub.

"I'll miss you, Hub."

Hinarap ko siya sa akin at hinalikan siya ng mariin. I'm going to miss every part of him -- his lips, his touch, his presence, his smile, his voice, his warmth -- everything. Sana matagal pa ang araw na ito para magkasama pa kami ng mas matagal, gusto ko pa siyang yakapin ng mas matagal at halikan pa siya ng mas matagal.

We parted softly and hold each other's face while our temples were being glued to one another. "I will miss you more, Wife." I smiled and gave him a peck on the tip of his nose. "I'll do my best to reach you if I'm not busy. I hope my schedules are not hectic." Niyakap niya ako. "Always remember that I love you so much and the kids. This is hard for the both of us dahil ngayon lang ulit tayo maghihiwalay."

The tears that I've been holding have finally poured down. Oo nga, ngayon lang ulit kami magkakahiwalay. Pero, iniisip ko palang na sa araw-araw na wala akong katabi sa tuwing umaga ay gusto ko nalang umiyak. 'Yong tipong walang babati sa'yo ng 'good-morning', kasama rin doon ang una kong makikita ang kanyang mga ngiti tuwing umaga.

"Wala na akong lalambingin sa gabi," I said then pout.

Hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Hey, don't cry." ngumiti siya at huminga ng malalim. "Parang ayaw ko na tuloy umalis."

"'Wag nalang kasi," parang bata kong sabi at yumuko.

"Hindi pwede, para sa inyo din naman itong ginagawa ko. Pagkatapos ng limang buwan ay makakasama ko na rin kayo."

Napalingon kami pareho ng may kumatok sa pinto. Tumayo si Hub at binuksan na ang pinto, nakita ko naman ang panganay namin na nakayuko at halatang pinipigil na dumaloy ang mga luha niya. I smiled weakly. "Baby," I called her.

Binuhat naman siya ni Hub at hinalikan kaagad sa pisngi ang Ate. "D-dad..." pinaupo naman namin siya sa gitna at hinaplos ko ng marahan ang likod ni Larzene. Unti-unting gumalaw si Larzene at lumapit kay Hub para yakapin siya sa braso. "Dad, promise me you'll come back."

Tumawa ng kaunti si Hub at malungkot na hinaplos ang buhok ni Larzene. "I'll come back of course, my precious one."

Nakanguso si Larzene at halatang pinipigilan ang iyak. Pero, hindi rin nakaya dahil umiyak ito mismo sa coat ni Hub. Agad namang kinandong ni Xander si Larzene at hinalikan ng mariin sa noo.

"Always c-call!"

Niyakap niya ito ng mahigpit habang pinapatahan sa pag-iyak. Tumayo naman ako at kinuha si Lexus mula sa kanyang crib at umupo muli. Kumalas sandali si Xander at pinaupo ulit si Larzene sa gitna namin. Kinuha niya sa akin si Lexus at hinalikan rin sa noo. Napahagikhik pa ako dahil kagat-kagat ni Lexus ang hintuturo niya na may saplot pa at inosenteng tinititigan si Xander.

"As months passes by, you are looking at lot more like me, son."

I smiled. "Dad, I'll promise to take care of baby Lexus while you're gone! And--and I will help Mommy!"

===

I hugged and kissed my husband goodbye, when we finally reached the private parking for the private plane that he will be using. Meron pang malaking DVG GROUP OF COMPANIES nakalagay sa gilid nito at kulay ginto pa.

"Take care of yourself, Hub. 'Wag kang masyadong magpapa-stress sa Germany," I said to him and he nodded.

Buhat-buhat ko pa si Lexus sa mga kamay ko at pinagmasdan muna siya ni Hub. "Don't stress out your Mom too much, son -- stay handsome like me." he chuckled and kissed the top of his forehead and held out his tiny hands.

"Dad..." tawag sa kanya ni Larzene kaya agad niyang binuhat ang panganay namin. "Dad, please stay for a while..." our daughter cried as she hugged Xander.

"I'll be back after five months, my precious one." pinunasan ni Xander ang luha na pumatak sa pisngi niya at niyakap ito ng mariin. "I'll miss you more."

Sinunggaban din naman ni Larzene ang yakap ni Hub at humagulhol. While looking at them, I tried myself not to cry -- as a mother, I need to be strong for our kids. I am supposing the first one to show it to them that I am strong -- for our family. "I love you so much, Dad."

Kahit si Xander ay pinipigilan ding maluha. Mariin na hinalikan ni Xander si Larzene sa noo niya at niyakap pa ito ng segundo. "Take care, my precious one. Stay beautiful like your mom, okay?" Medyo natawa pa ako sa sinabi ni Hub. Pero, tumango-tango naman si Larzene kaya 'yon rin ang ikinatuwa ni Hub.

"Sir, the airplane is ready to board." one of the sub-captains said to him.

Tumango nalang muna si Xander at lumapit sa akin at ipinagdikit niya ang noo namin. "I love you, I always do, Wife."

I kissed him. "I love you so much more, Hub." Napapikit ako ng mariin ng halikan niya ang noo ko at doon na pumatak ang luha ko. "Just...please be loyal."

He chuckled. "I am, Wife."

And there...nabitawan na niya ang kamay ko at tuluyan na siyang tumalikod at naglakad kung saan siya sinasalubong ng mga tauhan ng eroplano. My vision went blur and I couldn't help it -- I want him to stay beside me but, I can't. This is more important.

Tuluyan nang nag-sara ang pinto ng eroplano at ilang segundo pa ay lumipad na ito sa himpapawid...I smiled bitterly and my eyes followed where it was going. I am going to miss him...so damn much.

RAMDAM na ramdam ko pa rin ang mabigat na pakiramdam dito sa bandang dibdib ko. Pauwi na rin kami at hanggang ngayon ay pinipigilan ko pa rin ang pag-iyak. "Mommy..." I heard my daughter called me.

Kahit na karga-karga ko pa si Lexus ay pinilit ko pa ring hinagod ang likod niya. "Yes, Baby?"

"I already miss Dad." Aniya niya kaya malungkot akong napangiti.

"I already miss him too," I said and kissed her forehead.

"Is five months long, Mommy? I can't wait until he will be coming home..." I comforted her and hummed a song as soon as I hear the music on the radio...

Five months...I'll just think of it as a day -- and one day, I will be waking up once again that he is the one who is beside me. Sacrifice and patience is the most important ones... 

***

NOTE: NO 30 VOTES. NO UPDATE. 

Touchdown Manila. 


PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon