Chapter 16

10.6K 182 3
                                        

ZAIRA 

I looked at myself in the mirror... Hindi ko mapigilang manghinayang! Tatlong buwan na pala akong buntis. Natatakot ako baka mag-sawa na sa akin si Xander dahil tumataba na ako! At hindi na ito ang normal na hugis ng aking katawan. Nangingilid na ang mga luha ko.

"Are you crying, Wife?"

Pinunasan ko ang patak ng luha na dumaloy na sa pisngi ko at niyakap ko siya. "Don't leave me, Hub," I said, almost crying.

"Ano na naman ba ang pinagsasabi mo diyan? I will not leave you, of course. I love you."

And with what he said, I hugged him even tighter. "Talaga? Kahit ganito na ang hitsura ko?"

Bahagya naman siyang tumawa... Bakit siya tumawa?! "Why are you so concerned about your look, Wife?"

Kumalas ako at saka ngumuso. "Ang taba ko na kaya!" Asik ko. 

Hinaplos niya ang pisngi ko. "No you're not; you're still sexy and beautiful as ever, Wife." 

Ipinatong ko muli ang mukha ko sa dibdib niya. "Tumataba na ako, baka pagsawaan mo na ako." 

Bakit pa kasi kasama sa pagbubuntis ang lumalaki ang katawan?! Hindi ko tuloy maiwasang ma-insecure dahil sa hitsura ko sa darating pang mga buwan. Kung mataba na ako sa tatlong buwan pa lang, paano pa kaya sa mga susunod pa?! Gusto ko nang umiyak! 

"Hindi, a. Don't be that ridiculous, Wife. Masyado ka namang napa-paranoid." 

I scoffed. "'Y-yung secretary mo, mas sexy na ba siya kaysa sa akin, ngayon?" 

Disappointment was painted on his face. "'Wag kang mag-selos sa kahit ano pa 'man, asawa ko. Ikaw lang naman e." 

"Talaga?" My eyes lightened up a bit. 

I saw him nodded and kissed my forehead. "Of course, walang binatbat ang mga babae sa DVG at kahit saan pang mga lugar na puwedeng puntahan ko." 

I let out a soft giggle. "Kaya mahal na mahal kita e." 

"Ikaw lang naman ang nag-sasabi na tumataba ka na e," He said and hugged me. 

Buti nalang at hindi niya ako inaasar! Kung hindi, na'ko! Baka kung ano ang magawa ko! I'm still sexy! Walang makakatalo sa kaseksihan ko! 

"Hub..." I went near him. "Salamat ulit doon sa bag na binili mo last two months," Sabi ko at nilambing siya. 

I saw him smiled. "Anything for you, my Wife." 

"Pero..." Hinalikan ko siya sa pisngi at sinakop ang leeg niya. "Gusto ko pa ng isa." 

He rolled his eyes in disappointment. "Kailan ka pa na-adik sa mga bag na 'yan?" 

Kahit ako ay hindi ko alam. I have this strange craving for bags. "Sige na Hub. Para may bago akong madagdag sa koleksyon ko." 

I even kissed him in order to convince him to buy me a new bag. "Okay na yung binili ko noon." 

Umiling-iling ako. "Pero mas gusto ko ang mas maraming bag e!" 

Parang na akong bata dito. "You don't need a lot of bags, Wife." 

I pouted para mas lalo ko siyang makubinsi. "Last na 'to, promise," I said. 

He looked at me na nakakunot ang noo. "Promise?" 

I nodded with a smile. "Last na." 

"Okay. Ilan na naman ba ang gusto mo?" 

Tumingkayad ako para maabot siya. "Tatlo, Hub! Thank you so much!" 

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon