"I'm off to school mom." I said as I come down the stairs and saw her eating in the dining area. I kissed her cheeks just like what she wants to. Dati naman kasi nagmamano lang ako sa kanya bago umalis. She just suggested na dapat kiss sa cheeks nalang daw para mas sweet.
"Di ka kakain ng breakfast baby ko?" she said as she took a sip on her coffee. "Nasasanay ka nang di nag-uumagahan ha." She scolded.
"Ma naman eh. Baby ka dyan! I'm already eighteen, treat me like a grown man." Sagot ko, halata so boses ko ang pagkairita. Asar talaga 'tong si mama. Ayoko na talagang mameet sya ng mga friends ko.
"Di mo sinagot yung tanong ko." she expressionlessly said while looking at me. Di ko alam kung galit ba sya o ano.
"And you did not respond to my case ma." Kumunot ang noo nya. May kakaiba ba sa sinabi ko? I thought to myself. Halos araw-araw na nga naming pinagtatalunan 'to.
"Fine, if you don't want to, then so be it. Di na kita baby! Just go! Iwanan mo na rin ako!" Tumayo na sya at nagligpit na ng pinagkainan nya. Here we go again. Napakamot nalang ako sa batok ko. Meron yata si mama ngayon. I thought trying to ease my guilt.
"Mama naman eh. Alam mo namang love na love kita diba? Syempre never kitang iiwanan. Diba pakners tayo?" I said as I follow her to the sink. Maghuhugas na sya ng dishes. I hugged her from the side. Pero 'di pa rin sya tumitingin sa 'kin. "Ma naman. Naiiyak na ko oh." Nagpout na 'ko this time, while pretending na umiiyak. Para 'kong timang sa ginagawa ko. Pero di pa rin nya ko pinapansin.
Ewan ko ba dito kay mama, ever since my dad left us naging mas protective and affectionate na sya sa 'kin. I can't blame her for that. Ako nalang ang meron sya. So since then, I promised to myself na never ko syang iiwanan. I'll protect her whatever it takes and love her because she deserves it. Pero clueless pa rin ako kung nasan na si papa. Every time I ask her, she ignores the topic and redirect it to another one. Lagi nyang iniiwasan yun. Iniintindi ko nalang sya at iniisip ko na baka ayaw na nyang alalahanin kasi ayaw na nyang masaktan.
My mom and I are like bestfriends, she supports me in everything I do. Lagi syang nanonood ng mga matches ko sa 'tae kwon do' and halos lahat ng games ko kapag naglalaro ako ng basketball kahit palaro lang sa subdivision namin.
'Tae kwon do' talaga ang hilig ko, kaya lang naman ako naglalaro ng basketball kasi sinasali ako ng mga kapitbahay naming kasing edad ko lang. Ewan ko ba kung bakit trip nila kong isali every year, sobrang consistent nila sa pamimilit. Kesyo kulang daw ng player, wala daw silang matangkad, di sa pagmamayabang pero I'm standing six foot one inch and I'm quick on my feet despite my size. Kaya siguro madali lang akong nakakascore kahit 'di ganun ka ganda ang playing style ko. Tatayo lang naman ako sa ilalim ng rim at maghihintay ng pasa. Easy!
"Malilate ka na Devin!" She said emphasizing my name, for me to notice the she's no longer calling me baby. Nakakatawa talaga 'tong si mama. Nangongosensya pa. I laughingly thought.
"Mama talaga. Sige na po. You could call me baby na." I'm trying to sound as sweet as possible and totally ignored her rant.
"Heh! Tunog napipilitan eh!" she shrug out of my hug so I just leaned into the counter instead. Feeling ko magtropa lang talaga kami ni mama. Parang mga batang nagkatampuhan.
"Of course not. Seryoso po ako, but not infront of my friends, okay?" I convinced and pleaded at the same time. Nakakahiya pa din no.
"Sigh.... Big boy na talaga ang baby ko." automatically, I rolled my eyes in discomfort. Nakakailang talaga.
YOU ARE READING
Rogue
FanfictionDevin Javris Castillo is a normal teenager having a simple and normal life. A life that is pretty much programmed by society's standards. But life screwed him hard. And love screwed him harder. Unfold his story as he tries to survive from the fists...