Chapter 4

22 0 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong pumunta ng kusina. Kumuha ako ng ice cubes sa freezer at hand towel sa may bandang sink. Ipinatong ko iyon sa pisngi ko para di mamaga.

"Babae ba talaga yun? Grabi, kinaya nya kong tapatan." Di makapaniwalang utas ko sa sarili ko.

Di talaga ko makapaniwala sa nangyari kanina. Unang beses kong makakita ng ganun kaliksing babae. Sa mga movies ko lang napapanood yun.

After matunaw ng mga ice cubes ay nagligpit na ko sa kusina at pumanik na ko sa kwarto ko.

Nagshower muna ko before going to bed.

Paggising ko ay naligo agad ako at diretsong bumaba papuntang kitchen para mag-breakfast.

Nakakahilo kasi talaga kapag di ka kumain ng almusal. Tatamarin ka lang sa school kasi walang energy.

Kumuha lang ako ng lettuce, tomato, cooked ham sa ref at syempre yung ceasar dressing para masarap talaga. Hindi ko na ininit maski yung tinapay baka ma-late lang ako.

Pagtapos kong kumain ay agad akong lumabas ng bahay at ni-lock na ang pinto at gate.

As usual ay nilakad ko palabas ng subdivision. I really want to have my own car! Pagdating ko sa labas ay pumara agad ako ng jeep. Luckily walang pila ngayon.

Nasa kalagitnaan ng byahe ay may napansin akong nagkakagulo sa gilid ng kalsada. May nakahintong SUV sa gilid, may dalawang kotse itong katabi at may dalawa ding police patrol motorcycle na kasama. Bakit may convoy dito?

Maraming taong nakapalibot at nagchichismisan.

I saw the plate number and I was shocked when I saw that it only have a two digit number. Two digits? Diba mga government officials kapag ganun? Kaya pala may convoy na kasama.

Malapit nang malagpasan ng jeep na sinasakyan ko nang biglang nahagip ng mga mata ko si DeAndrea na naglalakad palayo mula sa senaryo na nakita ko kanina. Bakit sya nandyan? Nakichismis din?

Prente lang syang naglalakad papunta dun sa itim na kotse na nakaparada sa di kalayuan. Nang makarating sya ay agad syang sumakay at pinaharurot na ang kotse paalis.

Pagdating ko ng campus diretso agad ako sa office ni Mr. Calleha. May assignment kasi akong di napasa kaya ayun taghabol. Buti nalang talaga mabait itong si sir kaya kahit late tinatanggap nya. Iba-iba naman kasi timpla ng mga prof sa college.

Kumatok muna ako ng pinto bago ako pumasok.

"Good morning sir, yung assignment ko nga pala na hindi ko po naipasa." Nahihiya pa ko at napapakamot sa batok habang inaabot sa kanya.

"Lapag mo lang dyan sa gilid mamaya ko na i-checheck." Di nya ko tinitignan kasi nanunuod sya ng tv. Napatingin na din ako sa pinapanood nya.

"Breaking News: Senator Pagkalinawan was found dead inside his car a few minutes ago. His convoy was supposed to accompany him to San Isidro village for a charity event. His armed bodyguards was shocked when the senator suddenly passed out. His men claimed that the senator is healthy thus he has no health issues. The NBI is already examing this case and searching for other possibilities why the senator suddenly died in just a blink of an eye---" Di ko na naintindihan pa yung mga sumunod na sinabi ng reporter.

Convoy pala ni Senator Pagkalinawan yung nadaanan ko kanina. Kaya pala nagkakagulo yung mga tao dun kasi may senador na namatay.

Nagpaalam na ko kay sir at lumabas na ng office nya. Agad naman akong pumanik ng room kasi magsisimula na yung first subject namin for today.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RogueWhere stories live. Discover now