After my last class ay dumaan muna ko ng gym to check if nandun si Nianna.
Si Nianna Sandoval, ang bestfriend ko. We knew each other ever since we're born. Magbestfriends din kasi ang mga nanay namin. Kaya wala kaming choice kung 'di magkasawaan ng mukha. Madalas kasing pumupunta ang mommy ni Nianna sa bahay at ganun din si mama sa kanila kahit nung ipinagbubuntis pa lamang nila kami.
"Hey Nana". Bati ko sa kanya.
"Hey Dev." She smilingly responded habang patakbo syang pumunta sakin. "Napadaan ka ata? Miss mo na ba ko? Yieehhh!" Tinusok tusok nya pa ang tagiliran ko.
"Kadiri grabi." Nagmake face pa ko na nandidiri talaga.
"Ang OA ah hahaha." Natawa nalang din ako.
Kakatapos lang ata ng training ng taekwondo team dito sa school kasi mukhang nagliligpit na sila.
Kahit na babae sya ay di nagkakalayo ang mga trip namin sa buhay. Ang pinakahilig talaga namin ay ang taekwondo. Mas malakas yata ang impact ko sa kanya kasi ang boyish ng kilos nya. Buti nga di ako yung naimpluwensyahan, kung 'di babading bading siguro ako.
Sa aming dalawa sya lang ang naging varsity ng taekwondo dito sa school. Business management ang kinuha nyang course kaya di sya masyadong nahihirapan.
"Sabay na tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Ililibre mo ba ko?" Nagbeautiful eyes pa sya para kumbinsihin ako.
"Tignan mo 'to, pag-uwi ang usapan naipasok mo pa yung libre." Tinignan ko pa sya na parang nandidiri kaya natawa kaming dalawa.
"Ang damot mo naman Dev, minsan na nga lang tayong magkita". She exclaimed while pouting.
"Ikaw kaya laging busy kaya di tayo nagkikita." Kinurot ko yung dalawang pisngi nya kasi nanggigil ako.
"Aray naman."
"Hahaha pero sige dahil ako yung pinakapogi mong bestfriend ililibre kita." Binangga ko pa yung siko nya gamit ang siko ko ng pabiro.
"Eh ikaw lang naman ang besfriend ko eh. HAHAHA!" Natawa nalang din ako sa sinabi nya.
Naglalakad na kami ngayon papuntang main gate dito sa school.
Nakita kong palabas na din ng gate si DeAndrea.
"DeAndrea!" Pagtawag ko sa kanya at agad naman syang napalingon.
She frowned at me.
"Pauwi ka na?" Tanong ko habang palapit kami sa kanya.
"Hindi, papasok palang." She sarcastically answered.
"Sungit." Sungit talaga, kung 'di ka lang maganda nako! "Si Niana nga pala. Cool ng names nyo no, nilagyan lang ng prefix yung mga typical na pangalan. Hahaha." Pagpapakilala ko sa kasama ko habang natatawa.
Di nila pinansin yung kakornihan ng banat ko. Ang sasama, nakakatawa naman diba?
"Hi." Nakangiting bati sa kanya ni Niana. Tinaasan lang sya ni DeAndrea ng dalawang kilay to greet her back.
Sabay baling ulit sakin ng tingin.
"You're girl?"
"Besftriends." She just nodded.
"Selos ka?" Kinindatan ko pa sya.
"Yuck." Nakakatawa pa yung pagkakasabi nya kasi walang reaksyon yung mukha nya. She truly does not know how to express her feelings, o baka naman wala lang talaga syang pake.
YOU ARE READING
Rogue
FanfictionDevin Javris Castillo is a normal teenager having a simple and normal life. A life that is pretty much programmed by society's standards. But life screwed him hard. And love screwed him harder. Unfold his story as he tries to survive from the fists...