Cassidy

9 0 0
                                    

Chapter 3

" Naanakan kasi ng foreigner ang nanay.." bulong-bulungan habang naglalakad sila sa hallway ng Unibersidad na pinapasukan.

"Bestfriend ko ba pinag-uusapan nyo?" bulyaw ni Mara na bestfriend ko.

"Tama na yan, hayaan mo na sila.." awat ko naman dito, as much possible ayaw ko ng gulo. Kaya pag may ganitong mga issure pinababayaan ko na lang at pilit na iniiwasan.

"Ano ka ba Cassie, they are deliberately insulting you." alam ko naasar din sya akin. Pero nginitian ko lang sya. At inakbayan. Mataas ako sa edad na bente dos nasa lima at walong pulgada ang taas ko. 

Hindi ako mukhang pinay dahil ang ama ko ay isang Brazilian national. Nakuha ko ang brown na may pagkamapusyaw na luntiang mata. Ganun din ang aking maputing kutis at light brown na buhok. Nagkakilala ang aking ina ang aking ama dahil sa trabaho nito bilang isang GRO. Nabpabuntis ang akin ina sa pag-aakalang seseryosohin sya at iaahon sa putik na kinasasadlakan. Ngunit ng malaman na nagdadalang tao ang nanay ko ay iniwan na lamang ito at nawala na parang bula. Lumaki akong ganun pa din ang hanap buhay ng nanay ko at lola ko lang ang nag-aalaga sa akin. Hanggang nakapangasawa nga ang aking ina ng isang negosyante na balo at may isang anak na lalake. Kasundo  ko naman si Harold o Harry para sa akin. Ngunit ang kanyang ama ay hindi bukod sa lasenggo ito ay lulong pa sa sugal. Ilang beses ako nitong pinag tangkaan tuwing lango sa alak. Sinumbong ko sa aking ina ngunit, pagpasensyahan ko na lang daw at wala sa sarili. Simula nun bumukod na lang ako at sumunod na lang sa akin si Harry dahil di nya din masikmura ang bisyo ng kanyang papa.

 Ayoko man ng atensyon ngunit hindi ko maiwasan dahil sa panlabas ko anyo na kahit daw sa malayo ay kapansin-pansin. Ngunti bukod dun nagdudulot din ito ng gulo sa buhay ko. Madaming kababaihan na sadyang may inggit sa katawan and men is just after me for sex. 

"Hoy Cassie nakikinig ka ba?" untag ni Mara kanina pa pala to may sinasabi pero lumilipad ang utak ko. Patay na naman ako nito.

"huh? Oo naman" sagot ko kahit wala man lang ako ni isang naintindihan. Diskumpyado syang tumitig sa akin. 

"Nasan na ba si Harry baby para naman maisabay nya na ikaw sa cafe na pinapasukan nyo, malelate ka na." kunwari pa to, at wala talagang kahihiyan na ipangalandakan ang pagsintang pururot sa step-brother ko.

"Hay naku, pagnarinig ka nun makukutusan ka na naman nun sigurado." pang iinis ko sa kanya.

"Bet na bet lang ako nun kaya dinadaanan sa karinyo brutal" napatawa ako sa sinabi nya. Matagal na talaga nya tong crush simula ng makita nya nung high school kami. Lahat at ng liga na kasali si Harry pinanood namin dahil kahihila nito sa akin. At madalas sa bahay tumambay para lang makita ito.

Maganda ang bestfriend ko. Medyo maliit nga lang sa height na limang talamapakan at dalawang pulgada. Cute sabi pa ng marami ngunit napaka ingay at galawgaw. Half korean sya dahil sa ina at ang ama naman nya ay may maliit na resto cafe kung san kami nagpa-part time ni Harry. Mababait ang mga magulang nya. Gusto pa nga sana na sa kanila na kami tumuloy dahil nag iisang anak lang naman daw si Mara pero nakakahiya sapat naman na binigyan kami ng trabaho para makapag-aral. Hindi na kami umaasa sa magulang namin, dahil ang aking ina ay maluho din balita ko ay papalubog na ang maliit na negosyo ng ama-amahan dahil lubog na sa utang dulot ng sugal. 

"Hello ma." walang gana kong sagot ng marinig ang telepono ko. Hindi ito madalas tumawag, at alam ko sa pagtawag nito ay may kailangan kaya nakaalala. Napatingin naman si Mara at kunot noong nakatingin sa akin. Alam nitong pag ang ina ko ang tumawag siguradong may kailangan.

"Hindi po ako makakadaan dyan, meron po akong pasok sa cafe at gagabihin ng uwi, maaga din po ang pasok ko bukas" totoo naman ang mga dahilan ko pero I am still glad that i have valid reason to not see her personally.

" Sige na po" sabi ko ng marinig ko itong nagtatalak sa kabilang linya. Ganun naman to pag hindi nakukuha ang gusto o hindi nasusunod. Hindi ko na hinintay kung ano pa ang sasabihin, Hindi ko na din naman maintindihan dahil sumisigawa na ito. Natanaw ko na si Harry na papalapit sakay ng kanyang motor. Tumayo na kami habang ang katabi kong kaibigan ay walang tigil kakasipat sa mukha sa harap ng salamin at bahagyang inayos ang suot na damit.

"Hello Harry baby" dali-daling salubong ni Mara na kulang na lang ay yumapos sa binata.

"Tigilan mo nga ako Marie Ashley" nakabusangot na sagot nito. At binuo pa ang pangalan ng bestfriend nya na ayaw na ayaw nito. 

"Ang suplado, palibhasa wala pang syota di pa kasi ako sagutin eh" Ngumuso lang si Mara at bumusangot habang bumu-bulong bulong pa.

Inabot na sa amin ni Harry ang helmet. Palagi syang may dalang extra dahil madalas nya kaming isabay. Hindi naman kalayuan ang pinagtratrabahuhan namin. At hindi dumadaan sa main highway kundi huli kami dahil bawal ang angkas na tatlo. Dali-daling umakyat si Mara at sya ang nasa likod ni Harry at agad na yumakap, binaklas naman ng binata ang mga braso sa bewang nito pero binalik din ng dalaga at dinikit pa ang mukha sa likod nya. Natawa na lang ako sa kakulitan ng dalaw.

"Tumawag ba sayo si tita Consuelo?" tanong ni Harry habang sumasampa ako sa motor. 

"Oo tumawag din ba sayo?" tanong ko dito pabalik. Napailing lang ito at sinabing wag ng intindihin. Sinuot na ang helmet at pinatakbo ang motor. I feel that something is bugging him. I hope it has nothing to do with me.



The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon