The Beast Lair

8 0 0
                                    

Chapter 8

I am packing all my things and personal staff. Wala na ata akong ibang option. Maski si Harry hindi din pabor pero wala na din syang magawa. "Cassy, ok ka lang?" Mara knew what problem I am facing right now. Ngumiti lang ako hinawakan ang kamay nya. Bukas susunduin ako. Kaya ngayon mag overnight dito si Mara. Para magkasama kami ng matagal. Baka pansamantala di ko muna sila makikita. Isa kasi yun sa mga rules ng mga taong bato este taong yelo. I remember how our conversation ended the other day.

"Can I just have one request. Please wag na lang natin i-publicize about the marriage, I don't want reporters or paparazzi following me wherever I go. Di ako sanay and I hate to be the center of attention." Tutal naman ang marriage na to ay para sa kanyang mana. He needs to have a wife to have his inheritance. I have no choice. They also discuss some of the details and we don't need a wedding either. I signed the marriage contract and it was dated a year ago. Iba na talaga pag maimpluwensya pati ahensya ng gobyerno kayang paikutin. This will really change everything in my life.

"Earth to Cassie" Mara snaps her finger infront of me.
"Anong sabi mo?" Napailing na lang si Mara.
"Sabi ko kung gusto mo samahan ko na lang si Harry baby dito baka kako kasi malungkot sya." Sabay hagikgik sa tabi ko na parang bulateng inasinan, ayun nagkikikisay.

"Not in a million years." Nagsalita si Harry na nasa pintuan na pala.

"Harry baby, ang sama mo naman. Ayaw mo ba ako makasama." Nagpapacute pa si Mara.

"Kung ikaw lang din naman ok ng mag-isa. Kesa parang laging may sunog sa lakas ng sirena ng bunganga mo." Ngumuso lalo si Mara at bubulong-bulong na lumabas ng kwarto.

"Ang hard mo sa bff ko ha." Hinelera ko na yung 2 maleta at isang gym bag sa gilid ng pinto.

Ngumiwi lang si Harry sa akin. "Sure na sure ka na ba sa desisyon mo." Seryosong tanong nya sa akin. "Pwede naman tayong tumakas, tutal naman graduate ka na, kahit di ka na nga umattend ng graduation rights. You know we are capable to live somewhere far."

Bumuntong hininga na lang ako. May punto sya. Pero pano naman si Mama. Makakaya ba ng konsensya ko yun?.

Alas otso pa lang ng umaga nag hihintay na ako ng susundo. Sabi ni Carl alas nueve andito na sya. Si Mara parang tuko kung makayakap sa akin. Halos madaling araw na kaming nakatulog. Kuwentuhan at kulitan. Mukhang matatagalan bago ulit namin to magawa.

"Harry, baka naman uwian mo ng chicks tong apartment natin ha." Sabay pa silang nagbanggit ng pangalan ko.

"Dito na talaga ako titira." Tili ni Mara. Natawa na lang ako. Mamimiss ko talaga yung gantong moment naming tatlo.

"If anything happens don't hesitate to call me ok." Seryoso si Harry ng tumingin sa akin. "I heard about that mans reputation, he was known as the beast, cold and ruthless."

"I can handle it, don't worry. It's just one year. After that balik na sa normal lahat." Tapik ko sa kanya. Nagyakapan kamin tatlo ng may marinig na katok. Baka si Carl na to.

Hinatid pa nila ako hanggang sasakyan. Si Mara maluha-luha pa. Akala mo mag aabroad ako. Pwede naman kami mag usap sa telepono kahit anong oras namin gustuhin.

Umusad na ang sasakyan. Nilingon kung muli ang bahay na mahigit 5 taon ko ding tinirhan. Tumikhim si Carl na nakaagaw ng atensyon ko.

"Miss I will drop you at RLS Tower. I will take care of your luggage for you."

"Ha? Sinipat nya ang sarili. Naka short lang sya at red t-shirt na may unicorn print sa harap. Akala nya kasi dederecho sila sa bahay ng amo nito.

"Pwede bang magpalit?" Alanganing tanong nya. Lumingon lang ito ng bahagya at nagpatuloy sa pagmamaneho bago nagsalita.

"I apologize Miss, but Mr. Smith is already waiting. You know he hates to wait and I don't want to us to be late."

Wala na naman akong magagawa. Hindi naman siguro ako kapansin-pansin, hehehe

Huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng gusali. Alangan man akong bumaba pero kailangan kong magmadali. Ayaw daw ng taong bato na naghihintay. Pagpasok ko pa lang ng entrance pinatuloy na ako ng gwardiya. Wala man lang hininging ID. Pagdating sa reception pinahinto ako ng receptionist.

"Yes, Miss, do you have an appointment?" At tinignan ako mula ulo hanggang paa. Lalo tuloy akong nailang.

"Ahhm.. to the CEO's office Miss." Kinuha ang pangalan ko at tinignan sa computer.

"Miss walang schedule appointment si Sir Smith ngaun, at wala din sa list ang pangalan mo." Nakataas ng kilay na sabi nito.

"Huh? Pano ba yan, kailangan ko na talagang umakyat Miss hinihintay nya ako dun. Kung gusto mo i-tawag mo na lang." Lalo nyang kinasimangot ito.

"Ayaw kong mapahamak Miss,. Kung.." Hindi tapos sasabihin nya nag ring na ang telepono sa desk nya. Nanlaki ang mga mata at biglang namutla. "Ahh Miss Oliviera, I apologize for my mistake, you can go to the CEO's office." Nag alok pang ihahatid ako ng elevator na tinanggihan ko. Alam ko naman san yung opisina.

Bumukas ang pinaka unahang elevator kaya dun na din ako sumakay. Nasa dulo ng pasilyo ang private elevator at naka bukod. May mangilan-ngilan ako nakasabay. At pinagtitinginan ako, malamang dahil out of place ang suot ko. Ngumingiti na lang ako para di masyadong halata nahihiya ako.

Pagtapak ko sa palapag ng opisina. Sinalubong agad ako ni Linda na parang natataranta. "Maa'm Cassie" mabilis syang lumapit sa akin. "Bakit dyan kaung elevator sumakay." Hinila na nya ako at mabilis na naglakad. Muntik-muntikan na din akong madulas. Nasabi ko ba sa inyong nakasuot din ako ng tsinelas.. hehehe

"Naku oo nga eh, mas matagal palang sumakay sa regular na elevator," madaming sumasakay sa bawat floor kaya medyo inabot din ako ng kinse minutos. Kumatok lang sya ng tatlong beses at binuksan ang pinto.

Sumalubong sa akin ang malalamig na mata. "You're late!"








The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon