The dilemma

9 0 0
                                    

Chapter 5

Patapos na ang shift namin sa cafe. Kami din kasi ang closing dahil pang umaga ang mga klase namin. Kumukuha ako ng kursong BSHRM kung san magkaklase kami ni Mara, Engineering naman si Harry.

Kinandado na namin ang pinto ng cafe ng makita ko si mama. Maganda ang mama ko at halatang alagang-alaga pa din ang katawan. Pero napansin ko agad na bahagyang pangangalumata nito at bahagyang pamamayat.

"Ma, ano pong ginagawa nyo dito?" nagtatakang tanong ko ngunit alam kong mabigat ang pangangailangan nito para sadyain pa ako. Nakita ko din ang step-father ko na sa di kalayuan na naninigarilyo sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Nilapitan ito ni Harry at mukhang seryoso ang pag uusap. Ano ba talagang nangyayari?

"Cassidy, kailangan natin mag-usap." balisa ito habang nagsasalita.

"Pwede bang mag usap muna tayo sa bahay?" napatingin ako sa kanya. hinawakan nya ang mga kamay ko. "Isasama natin si Harry para may kasabay kang pauwi. Nakikiusap ang mga titig nito na hindi ko pa nakita sa kanya noon. Mapagmataas ang aking ina. kahit minsan hindi ko pa ito nadinig na nakiusap lalo na sa akin.

"Si-sige po" napabuntong hininga ako. Kinakabahan talaga ako sa pag-uusap na to.

Papalapit kami ng sasakyan ng madinig ko ang ang madiin na pagmumura ni Harry sa ama nito.

"That's bullshit, how could you do this?" tiim bagang na sabi nito. Paglingon nito at nakita kaming papalapit lalo itong napamura. "Halika na Cassie" hihilahin na sana ako nito pero hinawakan din ng aking ina ang mga braso ko. Saglit silang nagtagasin ng tingin.

"Enough of it Harold" awat ng ama nito at wala syang nagawa kundi bitawan ako. Sumakay na ako ng sasakyan at nakita kong sumakay ng motor at bumuntot sa amin.

May kalakihan ang bahay nila Harold. Simula ng nagsama ang mga ito at nagpakasal nung high school kami ay dito na kami tumira ni Mama. Pagdating namin walang ni isang kasambahay ang gising pa. Dahil na din siguro malapit na maghating gabi.

"Kumain na ba kayo? How about drinks? alok ni mama sa akin.

"Ok lang po ma, kumain na po kami sa cafe pagkatapos namin magsara, tungkol san po ba ang pag-uuspan natin? direkta kong tanong. Gusto ko na din magpahinga. May exam pa ako bukas. Kailangan ko ng mataas na grado para mapanatili ang scholarship ko.

"Lubog na sa utang ang pabrika" umpisa nito. Matagal ko na itong alam. Nakatitig ako sa mama ko na tila ba sinasabing diretsuhin na. Nilingon ko si Harry na nasa entrada lang ng bukas na pinto ng bahay nakasalampak sa baitang ng hagdan habang naninigarilyo.

"Nakasanla na din ang bahay na ito pati ang bakasyunan sa batanggas" tahimik lang din ang ama-amahan ko na nakaupo sa pang isahang sofa.

"Sinisingil na kami ng pinagkakautangan namin, at nagbantang iilitin lahat ng mga ari-arian ng daddy mo. At ipakukulong kami." pinipilit ng aking ina na wag tumulo ang luha nya pero bakas sa kanya ang takot.

"Pero alam namin na hindi lang pagpapakulong ang pwedeng gawin sa amin. Kaya nya kaming ipapatay Cassie" tuluyan na itong napaiyak at sumubsob sa palad nya.

"Ano po bang kinalaman ko dito mama?" nahabag din ako sa aking ina kahit kailan di ko pa ito nakitang umiyak maski ng mamatay ang lola ko na syang ina nito. Sa palagay ko wala din naman akong maitutulong. Wala din akong pera. Meron man ay maliit lang na halaga na ipinama ng lola ko. Hindi ko ito ginagalaw para pagkatapos ko ay makapagpatayo ako ng maliit kong negosyo.

"Ikaw ang pambayad utang na hiningi nya Cassie" gulat ako sa sinabi ng aking ina. Hindi ko halos lubos maisip na ginawa nya akong pambayad utang na parang isang bagay lang ako at walang sariling buhay.

"Anong ibig nyong sabihin?" Hindi ko pa din mapaniwalaan ang mga narinig ko.

"Lahat ng pagkakautang namin sa kanya mababayaran kung papayag ka lang na ikaw ang maging kapalit." Ang stepfather ko na ang nagsalita. Dahil si mama ay nakatungo lang at halos di man lang lumingom sa akin.

"Ma, naririnig nyo po ba ang mga sinasabi nyo. Hindi po ako isang bagay lang na pwedeng ipambayad utang." Unti-unti ng umaahon ang galit sa aking dibdib. "Hindi ho ako makakapayag." Pinal na desisyon ko.

Nag angat si mama ng tingin at lumingon sa gawi ko. Puno ng pag aa-lala ang kanyang mukha. Sa tingin ko ay mas naging hapis pa ito sa sobrang stress.

Marahas na tumayo ang aking ama-amahan. "Kausapin mo ng masinsinan yang anak mo Consuelo" at mabibigat ang mga paa. Na umakyat sa ikalawang palapag.

"Cassidy, pakiusap. Ikapapahamak namin kung hindi ka makikipag tulungan." Halos mangiyak-ngiyak na ang aking ina.

Napabuntong hininga na lang ako. Naawa ako sa kanya pero paano naman ang sarili kong buhay.

"Hey!" Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Harry na may dalang juice.
Kagagaling ko lang ng unibersidad para makapag exam.

Inabot ko ang juice at nagpasalamat. Simula kagabi ay di pa namin napag usapan ang problemang hinaharap.
"Makikipagkita ako kay Mr. Smith mamayang gabi." Napalingon si Harry sa akin.

"Ano! Nahihibang ka na ba?" He stares as me as if I grown another head.
"May choice ba ako? Kahit ano man mangyari di ko pa din kayang pabayaan si mama."

"Cassie, hindi naman ikaw ang may gawa ng problema nila, why would you involve yourself?"

"Hindi naman ako pupunta dun para pumayag. Makikipag usap lang ako. Baka may iba pang paraan." Umaasa pa din ako na may iba pang paraan.


The Devil's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon