Chapter 6

12 3 0
                                    

Ada's POV
Nagising ako ng dahil sa lakas ng patak ng ulan sa labas.Bumangon ako at sumilip sa bintana.

'di pa siguro uma-alis ang bagyo'

Bumaba ako at nagtingin kung anong pwedeng lutuin.May macaroni pasta at giniling.Naisip kong magluto ng sopas kaso kulang sa rekados kaya kumuha muna ako ng pera sa kwarto ko at jacket. Bumaba ako at lumabas.Kinuha ko ang payong ko na nakasabit sa gilid saka binuksan iyon.Susugod na sana ako sa ulan nang may makita ako sa kaliwa ko na lalaking naka handusay at nang mapagtanto ko kung sino'to agad ko siyang nilapitan.Putlang putla siya.Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi siya nagising kaya buong pwersa ko na lang siyang binuhat at ini akbay ko ang braso niya sa balikat ko at saka pinasok sa loob ng bahay.Ini upo ko muna siya sa maliit na couch at hinubad ko muna ang jacket ko at pansamantalang pinangkumot sa kanya.Nginig na nginig siya dahil sa lamig!Basang basa narin ang buo niyang katawan! Nag-aalala ako sa kanya sobra!!Kumuha ako ng maligamgam na tubig at pamunas.Binasa ko ang bimpo at sinawsaw sa maligamgam na tubig na kinuha ko.Kahit medyo nakakailang ay tinanggal ko ang damit niya pangtaas at pinunasan muna siya ng tuyong towel saka ko marahang pinunas ang bimpo sa kanya.Nginig na nginig siya sa sobrang lamig.Matapos kong gawin iyon ay umakyat ako sa kwarto ko at kumuha ng malalaki kong t-shirt sa cabinet.Bumaba agad ako at binihis sa kanya iyon.Basa parin ang Pam ibaba niya.Ginising ko siya sa saglit.

"Tara,di ka magiging komportable dito.Iaakyat muna kita sa isang kwarto."Sabi ko sa kanya at tumango lang siya.Pati ang labi niyang pulang Pula kahapon ay medyo violet na ngayon.Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa kwartong tinulugan niya at ini upo sandali sa mono block doon.Naghalungkat ako ng isusuot niya ng pamibaba pati private underwear niya ay kumuha narin ako.Mabilis kong nilabhan iyon saka ni dryer at pinalatsa.Pinahanginan ko sandali ang mga ito sa electric fan para mawala ang init.Pumunta ako kaagad sa kanya at ginising.

"Suotin mo muna 'to,lalabas lang ako saglit at hihintayin kitang matapos"utos ko at saka lumabas.Sumandal ako sa dingding saka naalala ang dapat ko nga palang gagawin kaya imbis na hintayin ko siya ay kumuha ako ng panibagong jacket at lumabas.Bumili ako sa malapit lang na palengke sa ikatlong kanto mula sa bahay ko.Bumili ako ng carrots, patatas,evap pati hotdogs.Mabilis akong nakabalik sa bahay at inasikaso ang mga iyon.Minadali kong lutuin iyon.Ilang minuto lang ay naluto ko na iyon.Kumuha ako ng dalawang tasa at pinaglagyan ko ng sopas saka inily iyon sa tray.Umakyat agad ako sa kwarto at nakita kong nakahiga na siya sa kama at balot na balot ng kumot.

Lumapit ako sa kanya at nilagay muna sa side table ang hawak ko.

"Kumain ka muna..."sabi ko sa kanya at medyo yinugyog.Hindi niya naman ako   binigo at umupo siya saglit.Kung kanina ay halos mamuti na siya dahil sa lamig ngayon ay pulang pula pati ang mata niya.Kinapa ko ang leeg niya at napaso ako sa sobrang init."Kumain ka muna para maka inom ka na ng gamot"seryosong Sabi ko sa kanya.

'Ang tigas kasi ng kukote mo eh!Di na lang dumeretso pauwi!!Tsk tsk....'

Lumingo siya sa kanan niya at kinuha ang isang tasa at kutsara.Nakabalot padin sa kanya ang kumot dahilan para muntikan nang sumayad ito sa sopas, nanginginig rin ang kamay niya.Hindi siya makakain ng maayos kaya kinuha ko na lang 'yon at sinubuan siya.Inawang niya na lang ang bibig niya.Nahihirapan siyang lumunok kaya medyo mabagal ang pagkain niya pero di naman tumagal ng sobra.

Nang natapos ko na siyang pakainin ay ako naman ang kumuha ng sopas ko na medyo malamig na.Susubo na sana ako kaso nakatitig siya sakin kaya na ilang ako.Akmang tatalikod ako sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko at buti na lang di natapon ang hawak ko.

"Give me that"paos na sabi niya pero umiling lang ako.

"Gutom ka paba?"tanong ko sa kanya.
Pero tumawa lang siya ng mahina kaya kumunot ang noo ko.

The Most painful PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon