Chapter 7

14 2 0
                                    

Ada's POV

Naghanap ako ng bimpo sa closet ko at nakakuha naman ako agad.Nagkaron ako bigla ng pagkailang sa kanya pero diko alam kung bakit.Pumasok na ako sa kwarto kung nasan siya.

Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon!Naka topless siya at makikita mong basa ang katawan niya at nagtutuluan ang mga pawis niya.Amputi ng likod niya at pa-V Ang kurba nito.Simula balikat hanggang bewang.Alam kong nakita ko narin ang katawan niya kanina pero hindi ako natulala doon,ngayon,ngayon iba ang pakiramdam.Bakit.... bakit.....Aaaishhh!!Di ko na pinansin iyon at tinawag ko na lang siya.

"E-Eto na y-yung b-b-bimpo"nangangatog na inabot ng kamay ko iyon sa kanya.

'Bakit ka nauutal Ada!?Umayos ka nga'

>>_<<

Tumawa siya at ngumiti sakin!Ayan na naman yung ngiti niya!!!Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Thanks"Sabi niya at kinuha sakin ang bimpo at binalik sakin.Nagtaka ako dahil sa ginawa niya.

"Bakit?"takang tanong ko.

"Diba sabi ko ikaw ang gagawa?"nakangiting tanong niya pabalik sakin.Kaya medyo nairita ako sa sinabi niya.

'anong tingin niya sakin!? Caretaker!?'

"Wow ah!wow lang....ako na nga nag alaga sayo kanina,hanggang ngayon pa ba naman ako parin!?Malaki kana!Kaya mo na yan!"sigaw ko sa kanya at patulak kong binalik sa kanya Yung bimpo at aastang tatalikod pero hinawakan niya ang kamay at hinila papunta sa kanyang bisig.Pero agad ko ding nabawi ang kamay ko at natulak ko siya pero hindi naman malakas.Naiinis ako sa ginagawa niya!Lalo na't pawisan siya!

"Ano ba!?Pinanganak ka ba talaga mang Hokage!?Nakaka irita kana ah!"diko na maiwasang pagsabihan siya ng ganun!!Nakita kong nagitla siya sa sinabi ko at medyo tumungo.

"Sorry"usal niya at saka tumalikod.
Nakaramdam ako ng bahagyang guilt.
Nakakainis Kasi eh! Napaka pervert!Nauurat ako!

Tumalikod na lang din ako at umalis sa kwarto.Diko na namalaya ang oras at napansin kong mag gabi na.Sumilip ako sa orasan at nakita kong...

'19:39 na!?'(7:30pm)

Mabilis akong kumilos at nag asikaso ng panggabihan.Nagluto na lang ako ng madaling lutuin at nagsaing ng Tama lang para saming dalawa.
Habang nagluluto ako ay may naririnig akong kalabog sa hagdan at nakita kong pababa siya at dala niya ang mga maleta niya na inakyat ko kanina sa kwarto na tinulugan niya.Nagtaka ako kaya hininaan ko muna ang apoy sa niluluto ko.

"S-San ka pupunta?"nagaalangang tanong ko.

"I'm going home,masyado na kitang naabala"sabi niya at aalis na pero pinigilan ko siya.

"Diba Sabi mo..... kailangan mokong bantayan?Look.... sorry sa nasabi ko kanina..di ko sinasadya."napapatungo kong usal.Nakita kong binitawan niya ang maleta niya at hinawakan Ang kamay ko.

"No it's okay,ako dapat nagsosorry sayo"sagot niya at napatingala ako sa sinabi niya.Inalis ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak niya at natinag naman siya.

"Umm...nakakahiya man....pero sa tingin ko, kailangan nga kita."seryoso at medyo napapahiyang usal ko.

"Alright"Sabi niya na lang at umakyat naman siya sa taas para ibalik Ang mga iyon.

Aaminin kong medyo guminhawa ang pakiramdam ko.Bumalik na ako sa ginagawa ko at ipinagoatuloy Ang ginagawa ko.Nang matapos na akong magluto ay naghain na ako.Hinihintay ko na lang siya pero hindi rin naman nagtagal ay bumaba na siya.Tinawag ko narin siya at sinimulan naming kumain.Wala kaming kibuan,parehas lang kaming tahimik.Hindi ko kayang ganito na tahimik.Kahit halos mamuhay akong mag isa ay ayoko ng sobrang tahimik.Hindi ako komportable sa ganitong sitwasyon na 'awkward' kaya nag isip ng pwedeng pag usapan.

The Most painful PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon