Chapter 8

19 1 0
                                    

Ada's POV

Napadilat na lang ako nang may maramdaman akong may nagtakip ng coat sa harapan ko. Nagitla ako nang makitang  medyo madilim na. Nakatulog ba ako? Di man lang ako nakapag tanghalian. Tumingin ako sa wrist watch ko at 6:34 na.

"Pasensya na kung naghintay ka" napalingon ako sa gilid ko at nakita kong may inaayos sa bag si Zaf. Tumingin siya sakin at tumayo.
"Tara na" yaya niya kaya inalis ko muna ang coat niya at binalik sa kaniya saka tumayo.
Sumakay kami sa kotse niya at pinaandar niya na yon. Mabilis kaming nakarating sa mansyon nila. Naalala ko nung unang punta ko dito. Akala ko mga masyadong pormal ang nakatira dito pero normal lang din katulad naming mga nasa katamtamang estado lang.
Binati kami ng mga guard nila at iginaya ng katulong nila kami ni Zaf papunta sa mga magulang nito.

"Señora nandito na po sila" Aniya ng katulong pagkatapos kumatok sa pintuan ng medyo malaking kwarto. Pinagbuksan kami ng katulong at nakita naming naka upo ang papa nila Ella sa swivel chair at nakapatong ang dalawang siko sa mesa. Ang mama naman nila ay nakahawak ang kamay sa balikat ng kanyang asawa. "Maupo kayo" senyas sa may sofang nakaharap sa  lamesa nila. Naupo naman kami ni Zaf doon.

"Tell her now mom" ani Zaf napatingin ako sa kanya ng may pagtataka pero di siya lumingon sakin.

"Hija, you and my son are going to do some task from now and this week and next week. " Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Vancegrovene.

'Simula ngayon tapos hanggang next week eh may pasok ako?!'

"Po!? Eh may pasok papo ako,ayoko pong um-absent tsaka may practice kami for moving up" sumbat ko pero nginitian niya lang ako at saka sumagot.

"Don't worry hija, excuse ka naman at ang lalaking nasa harapan mo ngayon ang bahala sa mga teachers mo. Just do the task assigned to you"mahinahong sabi niya.

Bakit ganon? Parang wala lang sa kanila na iba ako kahit na close ko ang dalawang anak nila, hindi nila ako tinuturing na ibang tao.

"May reward naman to' kapag nagawa niyo ng tama" dugtong pa niya.

"Ano po? " medyo interesadong tanong ko.

"Sa U.S ka mag aaral sa senior hanggang makapagtapos ng college"napatayo ko sa sinabi niya!! Seryoso? Ganon kalaki Ang kapalit ng task nayun?! "Kami narin bahala sa mga needs mo"dagdag pa niya.

'seryoso!?? Pero...papayag bako? Pano yung bahay ko? Sinong mag aalaga? Tsaka...kabisado ko naman na yung kakantahin at gagawin sa moving up. Pero sayang din. Pangarap ko ring makapunta sa U.S . Maganda daw dun eh. Pangarap ko ring makapunta ng ibang bansa kaya.....'

"Deal" sagot ko at sumilay ang ngiti sa kanilang mga mukha. Pero may isa pa akong tanong."Saan po namin gagawin yung task? Tsaka ano po yung gagawin namin?"tanong ko ulit.

"Sa Palawan, doon mo nalang malalaman."sabat ni Zaf sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya."Now you know, we gotta go mom,dad"aniya tumayo at lumapit sa kanyang mga magulang at hinalikan sa pisngi.
Tumango naman ako sa kanila mag papa alam na sana ako pero hinila na ako ni Zaf.

'bastos...tsk'

Pasakay na kami ng kotse nang makita naming may nilagay na isang maleta ang maids nila sa likod ng kotse.

"Thanks Manang" ani Zaf at pinasakay na ako sa sasakyan niya at siya na ang nagsarado ng likod saka siya umupo sa driver seat at Pina andar iyon.

"Bakit dimo sinabi sakin? Akala ko kaya tayo pupunta sa inyo para umuwi na pero hindi pala...bakit kailangang sa mansyon pa sabihin?"pagbabasag ko sa katahimikan na naman.

"Because i know you won't believe me and you won't agree" simpleng sagot niya. Di ko na lang siya pinansin at mabilis kaming nakarating sa bahay.

Bumaba na kami pareho at pumasok na sa bahay. Sinalampak niya ang sarili niya sa sofa at tumitig sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Most painful PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon