Chapter 13

226 11 4
                                    

/THE RED/

Sinugod ko kaagad ang sobrang tangkad na lalaki sa pamamagitan ng pagsipa nito sa mukha niya. Nung makita ko pa siyang tatayo ay binaril ko agad ang magkabilang balikat niya.

Napayuko naman agad ako nung muntik nang masagi yung ulo ko sa binaril ni Hiro.

'Sorry' sabi niya saba peace sign.

Nginitian ko lang siya tsaka tumira ulit ng isa pang arrow doon sa lalaking susugod sana sa akin.

Sa malayo ay nakita ko si Dad na lumalaban rin at naka paligid sa kanya sila Ms. Reina at Sir Hayate. Si Sir Hiroshi naman ay kasama nila Riye na gumagamot sa mga sugatan.

Biglang luminaw ang mata ko at mabilisan itong nagzoom in na hindi ko alam kung gaano kalayo ang narating hanggang sa may nakita akong babae na nakatalikod at naninigarilyo. Hindi ko maaninag ang itsura niya kaya sinubukan kong lumapit dito. Masyado yata siyang malayo mula dito.

 Nung haharap sana siya dito ay bigla namang may sumuntok sa likod ko at nakaramdam ako ng malamig na bagay na nakatutok sa leeg ko. Walang kurapang tinusok ko yung tiyan niya gamit ang matulis na parte ng arrow ko at tsaka binaril ang ulo nito. 

Tinignan ko ulit yung babae ngunit nakatalikod na siya. Lalapitan ko na sana siya pero napatigil ulit ako nang makita yung lalaki kanina na lumapit sa kanya at walang ano-ano ay sinampal siya ng babae sa mukha. Mukhang hindi naman natinag ang lalaki at tinignan parin siya. Tinapon ng babae ang paubos na na sigarilyo at umalis na doon sa puwestong iyon. Sinundan naman siya ng lalaki. Nakita ko pa na sumakay sila sa isang kotse at pinagbuksan siya nito. Nang mga oras na nasa loob na siya ng kotse ay biglang nagtaasan ang balahibo ko nung tumingin siya sa akin at dahan-dahang ngumiti kasabay nang pagtaas ng bintana ng kotse nito at mabilis na lumayo.

Nabalik lang ako sa wisyo nang muntik na akong malula. Dahan-dahang naging normal ang paningin ko at natumba ako sa kinatatayuan ko kung gaano pala kalayo ang paningin ko kanina. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at dahan-dahang kumirot ang ulo ko. 

"UGH."

Daing ko at napahawak sa magkabila kong teinga. Parang may dumadagundong sa ulo ko at sobra lakas niyon.

"AAHH!!" Napatili ako nang malakas nang may humawak sa braso ko. Habol ang hiningang nilingon ko ang gumawa non at nag-balik sa normal ang paghinga ko at dahan-dahang nawala ang malalakas na ugong sa ulo ko.

"It's ok." Sabi niya tsaka ako tinulungang tumayo at isinakbit sa likod niya.


===


Natapos ang gulo at naubos nami ang mga kalaban. Mukhang mga baguhan iyon at kataka-takang wala manlang emosyon sa mga mukha nila kung malagutan man sila ng buhay o masaktan.

Hindi ko parin alam ung ano nag nangyari sa akin kanina. Inalala ko kung gaano kalayo ang natanaw ko kanina. Masyadong malayo kumpara sa layo ng paningin ko palagi. Sa kaiisip ay medyo kumirot nanaman ang utak ko.

Napatayo ako ng makita ko si Sir Hiroshi na papasok sa isang kuwarto.

"SIR!" Tawag pansin ko rito. Nilingon niya ako at lumapit sa akin.

"Ano yon?"

"May tatanong lang ako Sir." Sabi ko rito.

"Hmm?"

"Ah... g-gaano kalayo yung pang-limang restroom sa loob ng airport hanggang sa malaking food court sa labas ng arena sa labas?" Tanong ko dito. 

Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Sir at mabagal na umuwang ang bunganga niya.

"Sa foodcourt?" Tanong niya.

"Opo sir." Sagot ko.

"Hindi ko alam. Masyadong malayo dito para masukat ko dito. Hmm." Sagot niya tsaka naglakad palayo sa puwesto namin. Sinundan ko siya at patungo kami kung saan ang puwesto ko kanina. Hapon pa lang kaya medyo maliwanag pa. 

Isinummon niya ang isang pares ng telescope at tinignan niya ito. Kinabaahan naman ako maysado nung makita ko kung ilang beses niyang pinihit ang zoom nito na hindi bababa sa tatlumpu ang pihit niya rito hanggang sa ayaw na nitong pumihit. Ibinaba niya ang telescope at tumingala at matamang nag-iisip.

"Forty five kilometers ang kaya ng telescope na ito ngunit maysado paring malayo ang Arena Akemi. Kung iisipin ay higit 1725 na kilometro ang layo ng airport sa Foodcourt at 2002 na kilometro ang layo nito sa Arena."

"ONE THOUSAND TWENTY FIVE!!??? AT TWO THOUSAND TWO!??" Hindi ko mapigilang magulat sa layo nito dito.

"Oo, bakit?"

"Kung ganon.... nakaabot sa dalawang libo mahigit ang paningin ko...?"Manghang banggit ko.

"HA!?" Nagulat rin ako sa biglang sigaw ni Sir Hiroshi.

"SObrang layo!" Napalingon din naman ako sa sigaw ni Akane na nasa likod ko na pala. 

"Natanaw mo yon!?" Sigaw pa ulit ni Akane.

Dahan-dahan naman akong tumango at lumaki naman lalo ang mata niya.

"Subukan mongang tanawin ulit." Narinig kong sabi ni DAd na kararating lang kasama ang iba.

Napakurap kurap pa ko at nilingon nalang ulit ito. Naramdaman ko nanaman ang mabilis na pag-zoom nito at dahan-dahang umuugong nanaman ang utak ko.

"A.. AKEMI STOP!!" Napatigil ako sa pagtanaw ng biglang sumigaw si Akane at bakas sa takot ang mukha niya. Tinignan ko rin nag iba at ang mga mukha nila ay   punong-puno ng takot at Si Dad ay nakakunot lamang ang noo.

"Ba--Bakit?" Naramdaman  ko namang bumalik ang mata ko sa normal. Siguro sa Green mula sa black.

"Yung mata mo... Onii-Chan." Nangangambang sabi ni Riye at hinawakan ako sa balikat.

"Anong meron... sa mata ko.?" Nagsimula nanamang umugong ang utak ko at napahawak sa kaliwang dibdib sa lakas ng kabog ng puso ko.

"A.... Amazing." Rinig kong sabi ni Ken.

"Ano nga!?"Kinakabahang tanong ko.

"They turned... Dark Red." Sambit ni Hiro at biglang nandilim ang paninign ko at bumagsak sa sahig.








PPPATTTTAWWADDDDDDDD!!!!! HUUHHUHHHUUUHU. PASENSYA NA PO SA TAGAL KONG PAG-UPDATE..... WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH :( SA SOBRANG BUSY LANG PO TALAGA AT SOBRANG IKLI PA NG UPDATE KO -__-. BABAWI PO ULIT AKO NEXT TIME. HUWAGNA PO KAYONG MAGREKLAMO KASI BAKA IONHOLD KO ITO. OKAY SALAMAT!




SUPPORT AND VOTE FOR THIS STORY <3

Tantei High (RETURNED) ON-HOLDWhere stories live. Discover now