F. O. U. R

1.1K 102 15
                                    

"Ang alam ko limot ko na lahat,
kinakaya ko na nga na wala ka.
Pero kung kailan okay na ako,
saka ka babalik at mapapansin!" .

Pinilit ni Dale na ituon ang pansin sa pag-aaral dahil ayaw niyang entertaining sa isip ang pagkikita nila muli ni Joey.

"Sa dami naman kasing pwedeng maging pinsan ni kuya Phen bakit pa yung lalaki na iyon?"  tanong niya sa sarili.

Bigla siyangnapasimangot sa naisip saka nangalumbaba habang nakatingin sa kawalan.

"Anong nanyari diyan?" tanong ni Tiff kay Mary.

"Ewan baka may sanib!" Sabi ni Mary

Nakatingin ito kay Dale na nakasimangot at nakatingin sa kaninang ice coffeee ngayon malapit ng maging hot coffee.

"Grabe ang sapi na yan nakakapangit huh!" umupo na si Tiff sa tabi ni Mary.

"Ewan ko ba diyan simula nang nag-start ngayon sem ganyan na yan!".

Napailing na lang si Tiff na sumilip sa phone nito.

"Sabi ko na nga ba Ako Muna ni Yeng ang pinakikinggan niya. Kanina pa yan ganyan noh?".

"Alin? Yung nakaheadset siya oo, hindi ko nga makausap ng matino e!" sabi ni Mary.

Kinuha ni Tiffany ang cellphone ni Dale at pinatay ang playlist nito. At presto umuusok na ilong ni Dale ang humarap sa kanilang dalawa.

"Tiffany anong problema mo?"  maagas na tanong ni Dale.

"Ikaw ang gusto na namin tanungin anong drama mo?" nakakuno't noo tanong ni Tiff.

"Ddahil ata yan sa nagngangalang Joey!" balewalang sagot ni Mary habang nakatingin ito sa librong bi nabasa.

Napatingin naman si Dale kay Mary dahil sa sinabi nito.

"Joey as in your ex!" gulat na sabi ni Tiff.

"Ex mo si Joey?!"  gulat na nabitawan ni Mary ang librong hawak nito.

Hindi ko ex si Joey at ikaw saan mo naman napulot ang mabahong pangalan na yan! " defensive na sagot ni Dale.

Nakita ko lang yun doon sa gilid ng side table mo nakaukit na FORGET JOEY! So nag-assume ako na ex boyfriend mo siya!" sagot ni Tiff.

"Pero kung iisipin sinumpong ka lang naman nang pagiging baliw mo nung nag-auditon yung pinsan ni Stephen na Joey din ang pangalan!?".

"Ikaw number one assumera hindi porket may nakasulat doon ex ko na agad, anong malay mo ex yung nung dating nakatira sa kwartong iyon!" baling ni Dale kay Tiffany at pagkatapos kay Mary naman. "Ikaw naman assumera number two, hindi ba pwedeng pagod na ako nun kaya nasungitan ko yung nag-audition. Grabe ang judgemental ex ko na agad!".

"Hindi pa rin ako naniniwala!" sabi ni Tiff.

"Tama!" sang-ayon naman ni Mary kay Tiff.

"Seriously?!" tanong ni Dale sa dalawa.

"E paano hindi ka naman nagkukuwento tungkol sa ex mo!" sagot ni Tiff.

"Paano ako magkukwento kung wala naman akong ex!".

"So kayo pa!" sabi ni Tiff.

"Hindi noh!" exaggerated na sagot ni Dale.

"Kaya ba wala kang sinasagot sa nanliligaw sayo kasi loyal ka sa kanya?!" sabi naman ni Mary.

"Hindi rin noh!".

"So siya ang loyal?" sabat ni Tiff.

"Mas lalong hindi noh!!".

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon