T. E. N

1K 102 26
                                    

"Minsan daming mong hinahanap na sagot pero hindi ka naman nagtatanong!"

Initiation night's, tuwing mag-uumpisa ang school year at bilang pagwelcome sa bagong students na mapapabilang sa bawat clubs, groups or orgs.. Binibgay ang gabi ito ng university para makapagsaya ang lahat ng students bago maging seryoso sa lahat ng gawain ng university sa buong sems. May mga rides, booths at kanya-kanya pakana para ma-enjoy ang buong araw na iyon. Ang dance group pinili magkaroon close party sa studio kung saan gagawin ang pakikipagkilala ng mga bagong members  sa member na.

"Akala ko hindi ka a-attend tonight? Halos wala kang maghapon sa labas!" nakangiting sabi ni Mary kay Dale.

"Tinapos ko lang yung online job ko bago ako pumunta rito!" nakangiting sabi ni Dale.

"Good mood ka baby ah!" lumapit si Stephen sa kanya.

"Oo naman bagong sahod e!" sagot niya.

"Muka ka talagang pera!" biro ni Stephen.

"Ganun talaga kuya Phen malaki ang pangangailangan e!".

"Let's start na, go Mary do the honor!" sabi Stephen.

Tumayo naman si Mary at isa-isa kinuha ang atensyon ng lahat. Nag-umpisa na ang pagpakilala ng original members at ngayon naman nakatayo na ang limang bagong myembro ng dance group. Lahat  ay may chance magtanong para makilala nila ang bagong members. Katatapos lang ni Roanne at si Joey ang tatayo para magpakilala sa lahat. Marami sa girls ang naghihintay na pagkakataon makapagtanong sa kanya. Habang si Dale ay nakaupo sa tabi ng lamesa na puro pagkain ang nasa harap. Nakatingin siya kay Joey na seryosong nakatayo sa gitna.

"Hi I'm Joey, engineering student!" tipid na sabi nito.

"Tipid naman!" sabi ni Solah.

"More.. More!!!!" hiyaw ni Ava.

"You can ask question sasagutin ko na lang!".

"Okay ako muna!!!" apila ni Ava. "Single ka ba?".

"Uy grabe naman atat na atat!" sabi ni Kyle.

"Sagot  na!" sigaw ng ibang girls na halatang naghihintay ng sagot ni Joey.

"Yes, I'm single!" nahiyawan ang lahat ng babae. " but!" biglang nanahimik lahat. " But I  waiting for someone to accept me!".

"May nililigawan ka na?" gulat na sabi ni Ava.

"Ligaw  is not appropriate term sa amin. Siguro nasa stage kami na cathch up and  clear things between us!".

"So may girlfriend ka na nga?"  malungkot na sabi Solah.

"She's not my girlfriend!".

"Yun naman pala may pag-asa pa pala!" sabi ni Ava.

"Waaahh ke aarte! Pag-asa!? sige umasa kayo, paasa naman yan!" hindi maintindihan ni Dale bakit asar na asar siya sa mga babae kagrupo niya.

"Sorry pero siya lang ang gusto ko kasi she's different. Wala na iba pang babaeng hihigit pa sa kanya!".

"Hooowooohhh basted na kayo girls very loyal at faithful ata itong pinsan ko!" hirit ni Stephen.

Habang si Mary nakatingin kay Dale napapangiti at napapailing. Kitang-kita niya napapalakas ng kain. Ganoon ang kaibigan niya kapag frustrated at may problema  ito. Ang nakakatawa lang subo  ito ng subo pero hindi naman inaalis ang tingin kay Joey.

"Uy tama na yan puro kire question. Pre, ano ang pinaka memorable na dance na sinayaw mo?" tanog ni Kyle.

Normal question yun sa lahat dahil lahat natanong ng ganun.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon