N. I. N. E

1K 110 46
                                    

"Pag-ayaw na, ayaw na!"

Naisipan ni Dale na magbabad sa dance studio para makapag-isip-isip. Hindi maganda ang pagkikita nila ng pamilya niya. Nandoon yung pagtataka dahil sa kakaibang inaasal nila at kung bakit nagso-sorry ang ate niya sa kanya.

"May alam na kaya siya?" tanong niya sa sarili.

Napailing si Dale saka tinaboy sa isipan ang lahat ng alalahanin. Saka naghandang sumayaw. Pinatugtug niya ang music saka umindayog at sumayaw na medyo sensual na mga steps. Pero wala pa sa kalagitnaan nang bigla siya ng napa-upo at muli may naisip.

Flashback...

"Nandito ka na?" gulat na sabi ni Trina ng makita siya nitong nakaupo sa kotse nila.

Tumango lang siya dahil wala siyang sa mood kausapin ang ate niya. Hindi rin niya alam kung tatanungin niya ba ito tungkol kay Joey at kung bakit nilihim nito na magkilala sila.

" Okay ka lang ba parang hindi maganda ang pakiramdam mo?" tanong ni Trina habang sinasalat ang leeg at noo niya.

Nagtatampo siya pero agad din nawala kasi nakita niya ang mukha ng ate niyang maalahanin.

"Okay lang ako ate medyo pagod lang siguro ako!".

"Siya nga pala kanina kinausap ako ni Joey!".

Napatingin si Dahlia sa ate niya para makita ang facial expression nito.

"Talaga, ano naman ang pinag-usapan ninyo?" pasimpleng tanong ni  Dahlia.

"May hiningi lang siyang favor, alam mo nagulat talaga ako nung sinabi mong kaklase mo siya. Doon ko lang din nalaman na nagtransfer talaga siya sa school akala ko binibiro niya lang ako noon!".

"Magkakilala na kayo noon?" tanong ni Dahlia habang pinagmamasdan niya ang maaliwalas na mukha ng ate niya.

"Diba taon-taon may one week vacation si mommy tapos lumuluwas kami sa Manila to meet her friends. Isa sa mga kaibigan ni mommy ang mommy ni Joey. Kaya kami nagkakilala simula nun lagi na kaming mag katext!" nakangiting sabi ni Trina.

"Talaga!" tanging nasabi na lang ni Dahlia.

"Pero alam mo ba kung sino ang madalas namin  pag-usapan?" tanong ni Trina.

"Sino naman?" walang ganang sagot ni Dahlia.

"Ikaw?".

"Ako? Bakit ako?" nagulat na tanong ni Dahlia.

"He got curious about you, nakwento ko kasi ang tungkol sayo. Hindi ko nga akalain na ang curiosity niya ay hahatong pagtransfer niya rito!" nakangiting sabi ni Trina.

Pero iba ang pakiramdam ni Dahlia. Iniisip niya na baka ginamit lang ni Joey topic ang tungkol sa kanya para makuha niya ang loob ng ate niya.

Pagdating nila sa bahay laking gulat niya kung sino ang nasa labas ng gate nila. Binaba ni Dahlia ang window sa gawi niya para makausap ito.

"Dahlia pwede ka bang makausap?" tanong nito sa kanya.

"Uy Joey nandito ka pala pasok ka!" aya ni Trina.

"No Trina sandali lang ako may practice pa kasi kami. Gusto ko lang kausapin si Dahlia pwede ba?" tanong nito sa kapatid niya.

"Sige Dahlia babain mo na, ako na lang magsasabi kay mommy paghinanap ka niya!".

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon