N. I. N. E. T. E. E. N

1K 118 28
                                    

"Bakit parang ang dali lang ng lahat.. Isang sorry lang parang okay na ako!"

Sa sobrang gulo ng isip ni Dale hindi na niya namalayan na nakarating na siya sa harap ng bagong bahay ng daddy niya. Sobra siyang nagi-guilty siya sa nanyari kay Joey. Hindi niya akalain na sa ganun hahantong ang lahat ng pag-iwas at pagbibigay niya. Sinisisisi niya rin ang sarili bakit nanyari iyon. Tiningnan niya ang simpleng bahay ngayon ng daddy niya. Hindi niya alam ang nanyari sa mga ito simula ng umalis siya. Nang makagraduate siya secondary tinigil na rin niya ng pakikipag-comunicate sa kanila. Pinilit niyang tumayo sa sarili niyang paa.  Gusto niya sa muli nilang paghaharap masabi niya na kinaya niya kahit wala sila. Pinagmasdan niya ang bahay simple na lang ito hindi kagaya dati na sobrang garbo at malamansyon ang laki. Patay ang lahat ng ilaw dahil gabi na rin. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number ng ate niya.

"Dahlia?" gulat na sabi sa kabilang linya.

"Ate, nasa bahay ka ba?" tanong ni Dale.

Nakita niyang bumukas ang isang ilaw sa gilid ng ikalawang palapag.

"Oo, wait nasaan ka?" balik na tanong ni Trina.

"Ate nandito ako sa baba pwede ba akong makitulog?" tanong niya.

"Of course.. Of course wait baba lang ako!".

Kaba ang naramdaman ni Dale habang hinihintay niya ang ate. Muli niyang iniisip ang sasabihin niya rito.

"Dahlia bakit---------"

"Ate!!!!" agad na yumakap si Dale sa ate niya.

Nawala na lahat pinlano niya na sabihin nang makita ito. Kaya agad niyang nilapitan ito saka niyakap ng mahigpit. Sobrang namiss niya ang pakiramdam na yakap siya ng ate niya. Biglang bumalik ang lahat yung paglapit nito nung time na nalulungkot siya pagkawala ng mama niya, nung binubully siya sa school, yung genuine na concern nito sa kanya at ang pagmamahal  na hindi man lang kinuwestiyon ang pagiging bastarda niya.

"Bakit ba ako naging bulag sa lahat-lahat?" tanong niya sa sarili.

"Dahlia ano bang nanyari sayo? Kinakabahan na ako!" sabi nito habang ginagantihan ang yakap niya.

"Ate I'm sorry... I'm sorry!!!" sige pa rin ang iyak nito.

"No Dahlia, ako may kasalanan hindi ko nakita na pwede ka pa lang mawala sa akin. Sorry hindi man lang kita na ipaglaban, hindi ko kasi alam?" umiiyak na sabi ni  Trina.

Nagtuloy-tuloy ang madamdamin usapan ng mag-ate sa kwarto ni Trina.

Nagsusuklay si Dahlia sa harap ng salamin nang lapitan siya ng ate niya. Kinuha nito ang suklay at siya na ang nagtuloy sa pagsusuklay sa buhok niya.

"Sobrang laki ng pinagbago mo mula physical looks pati sa pagkakaroon ng lakas ng loob. I saw all of your fight and competition pinagmamalaki ko na kapatid kita sa mga friends ko sa America. Yung iba nga hindi makapaniwala dahil kabaliktaran mo daw ako!" sabi ni Trina.

Nagulat si Dahlia sa rebelasyon ng ate niya.

"Si ate talaga nagpapahumble pa, alam naman natin achiever ka din saka sobrang ganda pa!".

"I wish kagaya mo ako  the more nasasaktan lalong tumitibay. Gumagawa ka ng paraan to improve yourelf nang sa ganun pwede mong sabihin sa mga tao na kinaya mo. Ako....." na nahimik si Trina saka tumingin sa salamin.

Nakatingin din Dahlia nagsalubong ang tingin nila. Doon niya nakita ang pagtulo ng luha niya.

"Ate!".

"Mahina ako nung nalaman ko ang ginawa nila mommy sayo. Sobrang nagalit ako sa kanila gusto ko ng umuwi dito para samahan ka kaya lang ayaw nila. Maayos ka daw dito kaya dapat magfocus na lang daw sa pag-aaral ko. Nagrebelde, sinira ko ang sarili ko, napabarkada at nawala direksyon ang buhay! " malungkot na sabi ni Trina.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon