E. L. E. V. E. N

997 93 22
                                    

"Masakit talaga ang katotohanan
Lalo na't pinamumukha pa sayo!"

Alam ni Dale na papalapit na sa kanila  ang magpinsan kaya napako na ang tingin niya kay Joey.

"Uy Joey join us!" aya ni Tiff.

"Sorry brad. Medyo tipsy na ito!" sabi ni Jason.

"Uy hindi pa yan lasing, huwag kang madaya Tiffany inumin mo na ito!" sabi ni Mary.

"Itong isa lasing na talaga!" sabi ni Stephen.

"Masayang - masaya ka naman kasi magpapa-rape ka na!" sabi ni Dale.

Hindi akalain na makikita ni Joey ang ganitong side ni Dale. Malayong-malayo ito sa Dahlia niya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Dale.

"Wala lang medyo hindi lang ako sanay na makita kang ganyan!" sabi ni Joey sa kanya.

Nakikisakay na kasi si Dale sa mga double meaning na joke mg pinsan niya at may hawak pang isang bote ng sanmiglight.

"Well Joey lahat kayang magbago!" nakangiti sabi ni  Dale.

"Parang ikaw!" sabi ni Joey.

Tumango si Dale sabay inum ng beer.

"Alam mo Joey kung mag-stay  tayo sa pass walang manyayari sa ngayon. Ayaw ko ng ganun marami akong pangarap at kasama na doon ang makagraduate with flying colors!" nakangiti pa rin sabi ni Dale.

"Kasama yan ganyan pagbabago?".

"Minsan lang naman ito, hindi naman everyday. Ikaw bakit nandito ka? Ang balita ko nasa America na rin kagaya ng ate Trina!" biglang pumait ang mga ngiti ni Dale.

"Bumalik ako dito nang malaman ko kay Trina na mag-isa ka lang dito!".

"Parang too late naman na ang pagbabalik mo. Matagal na akong mag-isa at sanay na ako!".

"Dale please-----"

"Kung gusto mong magkasundo tayo? Huwag na natin balikan ang nakaraan. I'm okay na, kaya lang ayaw ko naman iiwasan kita nang ganito kaya siguro move on na lang tayo huwag na natin balikan ang dati!" sabi ni Dale.

Nag-isip si Joey kung susundin ba niya ni Dale. Sa huli pinili ng isip niyang sundin ang gusto nito. Mas mapapadali ang paglapit niya rito kung sakaling magkasundo sila.

"Sige payag ako sa kundisyon mo!".

Nagulat si Dale sa madaling sagot ni Joey. Kilala niya ito kung hindi pa ito nagbabago. Hindi ito  basta-basta sumasang-ayon kung alam niyang tagilid siya. He make sure na makukuha niya ang gusto niya. Hindi niya tuloy maiwasan isipin yung araw ng katotohanan na nalaman niya na sigurista ito.

Flashback..

Naglalakad siya pasilyo para sana hanapin si Joey. Hindi niya alam kung bakit iba ang nararamdaman niya sa kaibigan. Nagalit siya nang malaman niya na ang ate Trina niya ang gusto nito. Pero hindi naman niya maiwasan kiligin sa halik nito sa noo niya kahapon. Masaya siya nararamdaman niya at wala na siyang pakialam kung sino man ang gusto nito basta e-enjoyin na lang niya ang atesyon na binibigay sa kanya ni Joey. Tama si Yesha masuwerte siya dahil halos lahat ng may gusto kay Joey ay gusto mapunta sa kinalalagyan niya ngayon. Sanay naman siyang hindi napipili kaya makokontento na lang siya sa atensyon binibigay nito sa kanya.

"Nasaan na kaya siya?" tanong niya.

Alam niya na malapit lang sa classroom nila Rina ito tatambay kapag wala pa siya.  Papasok na sana siya ng maulinigan niya ang mga boses nito kaya binuksan lang niya ng maliit ang pintuan para makasiguro sila Joey nga ang mga tao doon.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon