P. R. O. L. O. G. U. E

1.8K 99 14
                                    

Si Dahlia "Dale"ay anak ni Arnold sa dati niyang secretary. Bunga siya ng pagkakamali sa panahon nagkakalabuan ang mag-asawang Esguerra. Nasa pintong gulang siya nang tamaan ng malubhang sakit ang ina ni Dale dahilan  para maratay ito sa hospital. Ang tanging tumulong sa kanila ay ang ama niya at ang asawa nitong si Cristina. Matured mag-isip si Dale sa edad niyang pitong taon gulang naintindihan na niya ang sitwasyon nilang mag-inq. Isa siyang anak sa labas at walang pag-asa magkaroon ng isang masayang buong pamilya. Hindi siya galit sa ama pero hindi niya nakapalagayan ng loob ang lalaki.

Lumalala na ang sakit ng nanay niya at kahit hindi man ito sabihin direkta sa kanya ng mga doctor alam niyang  malapit na mamaalam ito sa kanya. Nung gabi na nandoon ang ang ama niya at asawa nito ay nakaramdam siya ng matinding kaba, takot at lungkot. Nakita niyang nahihirapan ang nanay niya magsalita pero hindi ito nagpapapigil. Humingi ito ng tawad sa asawa ng kanyang ama at pinakiusap na huwag siyang pababayaan. Mga ngiti lang ang naibigay sa kanya ng nanay niya bago ito tuluyang pumikit. Umiiyak siya, tumutulo ang luha pero walang tunog. Sinarili niya ang sakit, takot at pangamba. Saan na siya pupunta? Paano na siya mabubuhay? yung mga tanong na tumatakbo sa isip niya habang pinagmamasdan niya ang pagtakip ng mga doctor ng kumot sa sa buong katawan ng nanay niya.

Nang gabi iyon nagbago lahat sa buhay Dale. Kinuha siya ng daddy niya at pinatira sa mansyon nito. Hindi man kumukontra ang asawa nitong si Cristina wala siyang narinig na salita mula rito pero ramdam niya na hindi siya gusto nito. Umiiyak ng umiiyak siya ng gabi iyon. Nagdadalamahati siya dahil hindi man lang niya nayakap ang ina bago tuluyan umalis hospital. Ni hindi man lang siya nabigyan nang pagkakataon ipalamay ang pagkawala nito. Sabi ng daddy niya ilalagak ang abo nito sa isang satuwaryo kaya pwede niyang dalawin ang ina kapag kaya naniyang puntahan ito mag-isa. Nakadagdag iyon sa bigat ng dinadala niya. Ramdam niya sa boses ng ama niya na wala talagang ni kaunting pagmamahal sa kanyang ina. Sa kwarto ang tanging apat na sulok nito ang saksing sa pagdadalamhati niya.

Mayamaya nakaranig siya ng katok. Agad niyang pinunasan niya ang mga luha niya at inayos ang sarili. Sa takot na si Cristina iyon at pagagalitan siya kagaya ng napapanood niya sa TV inaalila ang kagaya niyang anak sa labas. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa madrasta.

"Hi, ako pala si Trina ate mo ako!"  bungad nito sa kanya pagbukas ng pinto ni Dale.

Pero natulala siya sa ganda nito, sinubukan niya magsalita pero walang lumabas na boses mula sa kanya. Ang ngiti nito ay parang nagbibigay ng kung anong liwanag sa kanya at ang boses nito ay naghahatid ng kapayapaan sa damdamin niya.

"Excited ako makita ka kasi sabi ni Daddy ngayon ka raw dadarating. Finally may kapatid na ako nakakatuwa naman ito same pa tayong girl. Pwede kong i-share sayo ang mga toys ko para may kalaro na ako. Ilan taon ka na ba? Kasi ako ten na malapit na raw akong magdalaga sabi ni mommy kaya yung mga dress ko na maliliit feeling ko magkakasya naman sayo! " nakangitng sabi nito.

"Seven! " tipid na sagot niya habang hindi inaalis ang tingin n Dale sa magandang mukha ni Trina.

" You can call  me ate Trina, ikaw na ang baby sister ko!" sabay yakap nito sa kanya.

" Thank you Papa Lord God kahit kinuha mo na si nanay sa akin binigyan mo naman ako ng kapatid na maganda at mukhang mabait pa!" sabi ni Dale sa sarili habang niyayakap siya ni Trina.

Starting that day halos hindi na sila mapaghiwalay lagi siyang inaalala ni Trina. Feeling ni Dale ito ang pumalit sa pwesto ng nanay niya. Hindi man siya madalas kibuin ng tita Cristina niya pero si Trina ang lagi sumasalo sa kanya. Pumasok din siya sa isang kilalang eskwelahan syempre school din ito ng ate niya. Pero madami ang nag-question ng pagiging magkapatid nila. Oposite kasi siya ni  Trina. Ang personality ng ate niya ay napaka-bright sing ganda ng mukha nito. Samantalang siya payat na parang tingting at makapal ang salamin. Walang gustong kumausap sa kanya niya kaya pinili niyang umupo sa pinakadulo at pinakasulok. Kung nandoon ang ate Trina niya sigurado magagalit ito at pauupuin siya sa harap. Hindi siya nagsasalita sa klase dahil walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Alam ng lahat na half sister lang siya ni Trina kaya ang lahat naiinis sa ate niya binubully siya. Pero hindi na niya binanggit sa ate niya ang tungkol dito. Sinubukan niya noon magsabi at nagalit ang ate niya. Sinugod nito ang mga umaway sa kanya. Nalaman ng head office at pinatawag ang tita Cristina niya. Iyak ng iyak si Trina noon dahil galit na galit ang mommy niya. Doon lang niya ito nakitang nagalit ng sobra hindi man directly pinagalitan siya nito pero puro paririnig ang ginawa nito. Okay lang ang mga salita ng tita niya pero masakit kay Dale makita ang ate niyang umiiyak nang dahil sa kanya. Ang ate Trina niyang puro kabutihan lang ang pinakita sa kanya. Pinili niyang tumahimik kahit ayaw sa kanya ang lahat, si tita Cristina, kaklase niya at ang daddy niya basta huwag lang ang ate Trina niya.  Mahal na mahal niya ang ate niya at hindi niya kayang pagpati ito ayawan siya.

UNDITED

_______________________________

Oh ito na thanks to @fallingnabi sa ideya sana magustuhan mo.

PS: hindi mabilis ang update nito kaya huwag kayong mainis hehehe

Salamat,
R. A. M

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon