Kabanata 1

10 0 0
                                    

Stranger

"Ohmegeeeeed kyaaaaaaaa"

Napalingon kami kay Jess sa biglaang pag hiyaw nya, nandito sila ngayon sa bahay ko para sunduin ako, gagala sana kami ngayon kaso nga lang, biglang umulan ng malakas kaya napagdesisyonan naming mag team bahay nalang muna, besides they're not going to be get bored here dahil may unli foods naman, nagmovie marathon na rin kami para mas masaya.

"What's going on?"

Tanong ko sa dalawa ng napagtantong nakisali na rin si Maddy sa pag hiyaw.

"Seriously? Doon din sila nag-aaral? Kyaaaaaaaaa, punta naman tayo sa college department minsan maygaaaaaad!" Si Maddy

"I'm so excited kyaaaaaaaa" Jess

And then I found myself out of the place because of their topic na ewan ko ba kung anong ibig sabihin doon. Hinayaan ko nalang silang mag hiyawan anytime tss wala akong paki kung mapaos man sila sa kakasigaw dyan, ganyan sila ka desperada pag poging lalaki na ang pinag-uusapan hay! girls nowadays, so desperate. Napalingo nalang ako habang tinitingnan silang parang mababaliw sa kakasigaw.

"O baba muna kayo, nakahanda na iyong pagkain"

Naputol yung pinagagawa ng dalawa nang inimbita kami ni Manang Fe para kumain na.

"O narinig nyo? Kain na daw, mamaya na yang mga boys nyo, kakaloka kayo"

May gigil yung boses ko sa pagkasabi kong iyon, tss they're so annoying!

"Ay sige sige po hahaha I like foods"

Parang bata kung makaasta tong si Maddy. Bumaba na kami at pumunta sa dining table para kumain na, may 3 dishes na hinanda si Manang Fe, tinulang manok, pritong isda, at grilled chicken. Lumiwanag kaagad ang mukha nila nang matikman nila ang tinulang manok na niluto ni Manang, nagustuhan nila yun for sure.

"Ang sarap naman talaga ng tinulang manok mo Manang Fe"

Sabi ni Maddy habang dinamihan pa ang paglagay ng kanin sa plato nya.

"Pero mas masarap pa rin si Fafa Dixon"

Nabuga ko yung ininom kong tubig sa sinabing iyon ni Jess, nilapitan kaagad ako ni Manang at nakita ko ang pag-alala sa mukha nya

"Nakuuu! Ayos ka lang hija? Bat di ka kasi nag-iingat tss nabasa ka tuloy, teka lang kukuha ako ng towel sa taas"

Binigyan ko ng matalim na tingin ang dalawa na ngayon ay nagpipigil na ng tawa, jusko naman! Pati ba naman sa harap ni Manang Fe sasabihin nila ang ganung mga bagay? Di na ba sila nahiya?

"Ano ba kayo?"

Iritadong sabi ko sa kanila

"What?"

Sabi pa ni Maddy habang tatawa-tawa pa

"What's the matter Amy?"

Isa pa tong si Jess. Nakuuu! Jusko! Bakit sila pinanganak na malandi? Hays! Buti na nga lang I'm not like them.

"Narinig ni Manang Fe ang lahat ng iyon"

Pinaliwanag ko sa kanila iyon

"So what?"

Aba! So what was that? Parang wala lang sa kanila iyon?

"Anong so what? Maygaaad! You guys must stop talking like that in front of Manang Fe, di na kayo nahiya!"

Nagmukha akong ina sa harapan nila ngayon habang sinasaway sila.

"Amy, don't be so negga, eh ano naman kung sinabi namin ang mga iyon? Nag react ba si Manang? Wala diba? Ikaw lang naman tong overreacting dyan eh"

The Power of LoveWhere stories live. Discover now