Kabanata 3

6 0 0
                                    

What's going on?

Dumaan ako sa cd's store, bumili kasi ako ng Meteor Garden na cd eh, Korean drama sya, Chinese version which is yung bagong pinalabas ngayon. Paminsan-minsan lang ako nanonood ng Kdrama, kapag gusto ko yung mga artists na magbibida pero kapag hindi, hindi rin ako nanonood

"Thank you"

Sabi ko doon sa sales lady, naibalot na nya yung cd at dumiretso na ako sa labas, alas 7 pa naman, kailangan ko pang mag-antay ng 1 hour bago magsimula ang klase namin. Tss!

Siguro hindi naman ako mababagot kapag sa oval ako mag-aantay? Kasi kapag ganitong time, marami ng mga students doon, nagtra-trainee sa mga sports nila. Tama! Doon nalang muna ako tatambay.

Pagdating ko sa oval, marami na ngang mga studyante, pumunta ako sa bleachers at umupo doon sa pinakatuktuk na parte. Ang sarap ng hangin dito. Ang sarap ring panoorin ng mga athletes na nagsasanay ng mabuti para sa nalalapit na intrams.

Kasama pala sa pagsasanay ang ilan sa UP athletes? Yung ilan kasing athletes, UP ang nakalagay sa likod ng Jersey.

Next week na kasi ang intrams namin, this coming Thursday and Friday naman isasagawa ang semifinal kaya medyo magiging busy kami ngayon sa school.

Kailangan ko ring mag study ng mabuti dahil kailangan kong ma maintain ang average ko, ako pa naman ang top 1 sa class and also I want to make Mommy proud because in that way, masusuklian ko ang lahat ng mga pagsusumikap na ginawa nya para lang mabigyan ako ng mabuting kinabukasan. I love my Mommy so much!

Te-teka.. si Ivan ba iyon?

(Kring..kring..kring..kring..)

Kinuha ko yung phone sa bag, baka kasi si Mommy na 'to. Nang makuha ko na yung phone, di nga ako nagkamali si Mommy nga, ngumiti ako.

Binalik ko ang tingin ko sa nakita kanina, ba't nawala sya? Nilibot ko yung paningin ko sa buong paligid, tuluyan na nga syang naiwala sa paningin ko. O baka naman namalik-mata lang ako. Tss! Never mind na nga lang. Ang importante, tumawag na si Mommy!

"Hello Mommyyyy"

Masaya kong sinagot ang tawag ni Mom

"Hello my dear."

I missed her voice. How I wish araw-araw nya akong tatawagan. How I wish araw-araw syang nandito sa tabi ko.

"I missed you so much Mom!"

Sinabi ko yun sa malungkot na tono.

"Oww! I missed you more hija. Don't worry before 1 week ng birthday mo uuwi ako"

Lumiwanag ang mukha ko sa narinig, unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi, di ko maitatago ang naramdamang sobra-sobrang kasiyahan. Gusto ko na tuloyng mag October at madaliin ang oras para ng sa ganun makita ko na si Mommy

"Seriously Mom?"

Sabi ko sa kanya sa excited na tono

"Yes! Kaya hwag ka ng malungkot dyan. Gusto kong makapag-bonding tayo ng matagal bago tuluyang magiging isang ganap na dalaga ang anak ko"

Natawa ako sa sinabing iyon ni Mommy para syang batang nagmamaka-awa sa mga police na hwag ipakulong ang mga magulang nya. Hahahaha

"Ano ka ba Mom! Mage-eighteen lang ako, di naman ako mawawala eh, I'm still here for you. At hindi rin naman matatapos ang bonding moments natin kasi edad lang naman ang dumagdag sa akin"

Pinaliwanag ko iyon sa kanya. Ewan ko ba at bakit halos silang lahat ay pare-pareho ng sinasabi, ginawa pa nilang big deal ang pag-e-eighteen ko.
Ano bang meron sa 18? Edad lang naman iyon eh.

The Power of LoveWhere stories live. Discover now