Kabanata 7

0 0 0
                                    

Baby Girl

"Hmmm"

Nagising ako dahil sa naramdamang sakit ng ulo, teka..anong oras na ba?

"2:35 pm na?!"

Naku! Hapon na pala? kaya pala sumasakit na ang ulo ko eh, dahil pala ito sa gutom. Tsk! Kailangan ko ng kumain, baka magkakasakit pa ako nito, napapansin ko kasing palagi na lang akong nalilipasan ng gutom.

"Manang...Manang..Manang?"

Hinanap ko si Manang nang bumaba na ako sa sala, wala kasi sya sa taas eh.

"Amy..Jusko namang bata ka, buti nalang at nagising ka na, anong oras na o, hindi ka pa nakakakain"

Naabutan ko si Manang na nagsasampay na ng mga nilalabhan sa likod, mukhang katatapos lang ata nyang maglaba.

"Oo nga po eh, napasarap lang po kasi ng tulog"

Hinilot ko ang sentido ko nang makaramdam ulit ng sakit sa ulo, halong-halo ang sakit na nararamdaman ko ngayon, dagdagan pa ng sakit ng tiyan.

"Ipaghahain na kita"

Ilalagay na sana ni Manang sa balde ang mga basang damit na hinawakan nya ngunit pinigilan ko sya.

"Naku! Huwag na po, ako na lang ang maghahain, tapusin nyo na lang po yang ginagawa nyo" Sabi ko sa kanya

"Sigurado ka?"

Tumango ako sa kanya kaya naman bumalik na sya sa pagsasampay at pumasok na rin ako sa kitchen para  makakain na.

Tiningnan ko ang mga foods na nasa ref na pwedeng lutuin, kumuha ako ng isang slice ng karne ng manok para pritohin ito, prito lang kasi ang alam ko sa pagluluto eh. Kumuha na rin ako ng isang cup noodles.

At nang matapos na ako sa niluluto ko, sinimulan ko na ring kumain.

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo, yung mga kaibigan mo, napadako dito kanina, eh..nakita nilang tulog ka pa kaya ayun umuwi na lang"

Sabi ni Manang nung pumasok sya galing sa likod ng bahay. Mukhang kakatapos lang ata nyang magsampay.

"Ganun po ba Manang" pagod kong binalingan si Manang na ngayon ay may kinukuha sa ref

"Mukhang matamlay ka ata, naku Amy ha! Baka magkakasakit ka nyan, palagi ka na lang nalilipasan ng gutom!"

Hinilot kong muli ang sentido ko nang maramdaman ulit ang sakit ng ulo, I close my eyes and thinking maybe this just because of what happened last night? Baka may hang-over lang ako.

"Ang sakit lang po kasi ng ulo ko eh"

Lumapit sa akin si Manang. She tap my forehead at chineck kung may lagnat ako, wala naman akong naramdamang kahit kunting init sa aking katawan, masakit lang talaga ang ulo ko.

"Wala ka namang lagnat. Sige bilisan mong kumain dyan, at uminom ka ng gamot para mawala yang sakit ng ulo mo."

Nakita kong pumunta si Manang sa sala, tinapos ko na rin ang pang huling subo ko at uminom ng tubig. Sinundan ko si Manang sa sala at umupo sa malaking sofa.

"O ito, inumin mo yan para gumaling ka."

Binigay nya sa akin ang tablet, kinuha ko naman ito at ininom. I do hate tablets you know, nakakasuka kasi ang lasa. Pero wala akong choice, kailangan kong inumin to para ng sa ganoon ay mawala na ang sakit ng ulo ko.

Medyo naparami ata ang inom ko kagabi. Wait.. sino nga pala ang humatid sa akin?

"Kailangan mong magpahinga, pumunta ka muna sa kwarto mo"
Tiningnan ko si Manang at naisipang magtanong, baka sakaling alam nya kung sinong naghatid sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Power of LoveWhere stories live. Discover now