Kabanata 2

4 0 0
                                    

Good Boy

"Oy Amy gising naaa, ano ka ba, tulog mantika ka na naman eh"

Nagising ako sa yugyug ng dalawang ito. Araaay! Ang sakit ng ulo ko, tss! Baka may hang-over lang siguro ako kagabi, teka, ano nga ulit yung nangyari kagabi? Hmmm....

"OH MY GOD!"

Napabangon ako ng wala sa oras ng maalala ko ulit yung totoong nangyari kagabi. Kaya pala sila nandito ngayon, urgh!

"Ano naaaa?"

Simula ni Jess habang niyuyugyug pa yung balikat ko!

"So ano ng nangyari sa inyong dalawa kagabi?"

Dagdag naman ni Maddy habang kinuha yung unan ko at ipinatong sa paa nya, so it seems like they'll not going to give me a time para makapag-hilamos o makapag-toothbrush man lang huh? Urrrrgh!

"Ano ba, ang aga nyo naman, pwede bang mamaya na!"

Napakamot ako sa ulo

"Anong maaga? Hey Amethyst, for your information, ala 1 na po ngayon at kung di nyo lang po maitatanong 6 hours na kaming naghihintay dito para lang magising ka"

Wait! Ala una? Whaaaat?

"Ganoon na lang ba talaga ako ka addict sa tulog, give me your watch, I wanna see it!"

Di ako naniwala sa kanila, mahilig kasing mang trip 'tong mga ito eh. Kaya lang nung pinakita ni Jess sa akin yung wrist watch nya, nasapo ko nalang yung noo ko ng napagtantong ala una na nga talaga.

"Now just tell us the whole story"

So this is it huh? Well I just want them to understand the whole thing kaya ipapaliwanag ko sa kanila ng maayos ito, ayaw kong pinagpapatansyahan nila yung mga kilos ko kagabi. Kinuwento ko sa kanila ang totoong nangyari.

"So saan mo sya dinala after noon?"

Nagkatinginan silang dalawa at napatango-tango na ewan ko kung anong ibig nilang sabihin doon

"Sa Hotel?"

Natutop ko yung bibig ko sa sinabi nila, what the hell? Ano namang gagawin namin sa hotel aber? Ganoon nalang ba talaga ako ka dumi sa mga isipan nila? How shit!

"Tapos nag stay in sila sa iisang kwarto.." Jess

"nag-uusap.. nagkasiyahan.. nakaramdam ng lamig.. napagpasyahang magyakapan.. at.."

Binatukan ko si Maddy dahil sa sobrang dumi ng mga inissip

"Arahay! Ano ba haha"

Natatawa pa talaga sya huh? Letsi sya! Ni magpahawak nga ng kamay di ko magawa, ang magpayakap pa kaya? Pero te-teka..

"Th-thank you"

Tapos niyakap nya ako, niyakap nya akooo? What? Totoo yun? Shitness! Pero nangangailangan lang sya ng tulong noon kaya ko sya hinayaang gawin yun, di ko nilagyan ng malisya o kahit anong meaning dahil alam kong nagiging desperado na sya sa mga oras na yun, that was just a friendly hug kaya iyon. That's it! Period. Pero tama nga sila, nagyakapan nga kami, yakap pa rin 'yon arrrrrggh!

"Nagpapakilala ba sayo?"

Napukaw ang pag-iisip ko sa tanong na iyon ni Jess

"Hi-hindi naman. At tsaka bat naman sya magpapakilala sa akin, for what reason?"

"Kasi sa pagpapakilala mo mababase ang ugali ng isang tao, kung totoong mabait nga ba talaga sya? O baka nagbabait-baitan lang"

Na speechless ako sa ideyang iyon ni Jess, may ganoon ba?

The Power of LoveWhere stories live. Discover now