"Uyy Elysse pinapasama pala tayo ni Sir Bruce sa isang party! Sasama ka ba?" Uwian na namin ni Dionne ngayon at kasalukuyan kaming nag aayos ng gamit.
"Hindi ko pa sure, ikaw ba?" Party? For what? Mas marami pa akong kailangang asikasuhin kesa sa mga party-blah-blah na yan 'no!
"Ahh..... O-oo....k-kasi ano ehh......" Natawa nalang ako sa biglaang pagiging kabado at uutal-utal ni Dionne. Alam ko na kung bakit sya aattend.
"Maraming gwapo?" Natatawa kong tanong. Bigla namang naging bomba na sasabog na yung mukha nya sa sobrang pula kaya natawa na talaga ako.
"Eeh! Kasi naman Elysse eh! Pero seryoso alam mo bang pito silang magkakapatid?" Dahil sa gulat napasigaw ako ng 'Are you serious?!' tapos bigla nya lang tinakpan yung bibig ko.
"Ssh! Ano ba Elysse! Ang ingay mo naman eh! Secret lang natin!" Bigla nyang maktol kaya tumango nalang ako. Aba! Hindi rin ako makahinga ng maayos kanina 'no!
"Grabe! Seryoso?! Pito?! As in?! Seven?! Syete?!" Seriously? Yun talaga ang tanong na kanina pa bumabagabag sa utak ko.
Seryoso? Pito? Hindi naman ata sila adik sa ano 'no? Eww. Kinaya ng mama at papa nila yun? Ghaaad! Hindi ko maimagine. Pero I think worth it naman yung pawis nila dahil mga alagad ni Adonis ang mga anak nila....... I think? Kasi tignan nyo naman si Sir Bruce, oha? Mapapagkamalan mong International Model ang peg sa sobrang gwapo kaso nga lang........ Dalaga kumilos.
:'(
Xoxad.
Pero okay lang yan, Malay nyo naman yung mga kapatid nya mga gangster? Babdoy ganern? Playboy? Yan kasi nag kadalasang characteristic ng isang gwapo? Base sa mga movies at wattpad story na nabasa ko ah?
"Alam mo Elysse halika na! Ayoko makipagsiksikan sa bus ngayon! Whoo!" Sabi ni Dionne na umarte na parang lokang-loka na sa sitwasyon sa bus terminal dahil palaging siksikan.
"Lakad nalang kaya tayo?" Suggestion ko. Pero binigyan nya lang ako ng Mag-isa-ka-look. Kaya napa irap nalang ako dahil dakilang tamad talaga ang babaeng 'to SINCE BIRTH!
"Ugh! Ano be Elysse! Magpaka lalaki ka ngayon okay? Hindi effective yang pagiging Maria Clara mo dito! Argh!" Sermon saakin ni Dionne. Pinapauna ko na kasi yung iba at ayun nagagalit si Dionne kesyo anong oras na hanggang ngayon hindi pa kami nakakaalis.
"I hate you Elysse! Let's go start lakad na!" Sabi nya pagkatapos nagmartsa na sya paalis sa mga sardinas–– este sa mga taong kumpulan sa bus terminal.
"Kitams! Aksayado ka sa oras eh!"
"Anong ako?! Eh ikaw 'tong nagpapaka bayani na inuuna ang iba kesa sa sarili nya! Letche!" Sabi nya with matching pout pa. Nakooo! Pasalamat sya at mabait talaga ako kaya sasampalin ko lang sya. Hehe, joke lang. Ganit talaga kami maglambingan. ( Eww. -____- )
***********
"Ugh! Seryoso ka Elysse? Pantalon and T-shirt sa party? Yung totoo?!" Sabi ni Dionne habang tinitignan ako from head-to-toe. Naka dark blue plain T-shirt lang kasi ako tapos maong na pantalon na tinernuhan ng sneakers.
"Okay na yan! Gora na!" Sabi ko sabay hatak sa kanya pero hinila nya ako pabalik sa pwesto ko.
"Look, hindi tayo sa kung saan lang kaya eto!" Sabay bigay nya ng isang paper bag. "Yan ang suutin mo."
No choice. Sya ang batas sa fashion kaya bagsak ang balikat kong pumasok sa banyo at nagpalit ng......
What the eff?!
Isang black na BACKLESS dress at konti nalang luluwa na ang hinaharap ko dahil sobrang kita talaga! Huhu. Nawawalan ako ng dangal dito eh! May isang black rose ang naka design sa upper left ng dress tapos puro glitters na ang design.
Pagkatapos ng kong suutin ang nakaka lulang dress na yon or should I say gown dahil hanggang sahig yung tela na hindi makikita ang paa o talampakan ko man lang.
"Yan! You look gorgeous tonight!" Sabay nya with matching palakpak pa. Inayos naman nya ang kaninang naka ponytail lang na buhok ko.
Siopao. Yun yung tinawag nya sa pagtali sa buhok ko dahil pinonitail nya tapos inikot ikot kaya nagmukhang siopao. Nagiwan naman sya ng ilang hibla ng buhok sa harapan ko at kinulot nyo. Light make-up lang ang nilagay nya at magretouch nalang daw ako every hour.
Si Dionne? Ayun ang garbo sa kulay violet nyang dress na katulad lang saakin. Iba lang ang kulay. Pero mas magandang tignan yon kay Dionne dahil malaki yung ano nya. Samantalang yung akin? Ugh––––Nevermind!
After 15 minutes siguro nakapunta na kami sa palasyo–– este sa bahay nila Sir Bruce. Yep! Doon daw ang celebration. Ewan ko nga kung bakit ako sumama eh? Shunga lang 'nuh?
"Invitation?" Hinarang kami ng dalawang naka tuxedo at pormal na pormal na nakatayo sa harapan ng dalawang gigantic door.
"Uhh––workers po kami ni Sir Bruce?" Sabi ni Dionne. Ako? Eto, naghahanap talaga ako ng pwedeng gawin para makapasok kami. Anak ng! Magiinvite pero walang invitation?! Argh!
"Hi miss?" Sabi nung lalakinh biglang sumulpot sa gilid ko sabay kindat saakin. Napataas naman ang kilay ko sa ginawa nya. And wait, naka maskara sya? Okay baka napuwing lang sya! Assumera ka talaga Elysse!
"Uhh sir Zuse, wala pong invitation ang dalawang babaeng ya–––"
"Let them in, This girl is my girlfriend so––– understood?" Nakangiting sabi nung Zuse ba yun? At bakit tinawag sya na sir? Aba! Baka bigtime ang loko!
Nagulat naman ako ng bigla nya akong akbayan at igaya sa loob. Napatingin naman ako sa likuran ko at nakasunod lang si Dionne at nung nagkatinginan kami. Binigyan naman nya ako ng May-hindi-ka-sinasabi-sa-akin-look. Napailing-iling nalang ako.
"U-uhh...... L-let go o-of me....n-now" bulong kong sabi dito sa lalaking 'to. After naming makapasok sa loob. Paano feel na feel ang umakbay saakin. Tinignan nya lang ako saka ngumiti ng nakakaloko. Napabuntong hininga nalang ako dahil talagang sinunod nya yung sinabi nya na GIRLFRIEND KUNO NYA DAW AKO.
-_______-
"Uhh.....Thank you." Bigla nalang lumabas sa bibig ko yung mga katagang yun. Hindi naman na ako makatingin sakanya dahil nahihiya na talaga ako
"Anong thank you? May kapalit yun 'no! Haha." Nakangisi nyang sabi. Nanlaki naman ang mata kong tumingin sakanya.
"What?! A-anong?!........ No way!" Aba! Akala ko naman sincere sya sa ginawa nya pero....... Ugh! Huwaaaay?!
"Simple lang naman. Meet me at the Amusement Park tommorow, 3:00 pm." Pagkatapos nyang sabihin yon ay nawala na sya na parang bula.
Ako?
Eto tulala.
Hindi ko parin ma gets ang nangyayari.
*******
Oh noooooes! Nagkita na sila ni Zuse! (Kookie) may gusto na kaya agad si Zuse kay Elysse? Or nakikipaglaro lang sya dito? Ano ba talaga si Zuse? Gentleman? O Gentledog?-–– ah este Playboy? Haha.
YOU ARE READING
Love Affair (BTS FanFic)
FanfictionSa isang napakagarbong mansyon nakatira ang pitong matitipunong magakakapatid. Isang rule ang kanilang pinapatupad. Elysse Leiah Castro. Isang hamak na anak ng dukha na papasok sa buhay ng pitong binata. Maari bang maputol ang kaisa-isang rule na gi...