7 (Kim Namjoon's Chapter)

1 0 0
                                    

'Be my slave.'

'Be my slave.'

'Be my slave.'

'Be my slave.'

Ugh! I hate you impaktong asungot na epal ka! Bakit ba ang epal epal mo?! Argh!

Hanggang ngayon parang sirang plaka na yung word na 'Be my slave.'  sa utak ko kaya eto ako, parang tangang paikot-ikot sa kama.

Eh kasi naman eh! Sa dinami dami ng hihingiing kapalit SLAVE?! Seryoso?! Ahhh! At ako namang gaga! Nag pauto tumango! Juskoooooo! Ewan ko nalang ang mangyayari saakin sa loob ng ilang araw na pinagsisilbihan ang kutong lupa na yon. Huhu

:'(

"Ano ba Elysse! Ang likot mo naman!" Narinig kong reklamo ni Amber. Dito kasi sya matutulog sa kwarto ko ngayon kasi ginagamit ni Tito Albert, kapatid ni Tita Ember sa kwarto nya.

"Ahh..... S-sorry." Yun nalang ang sinabi ko saka sapilitang pinatulog ang nagwawala kong kaluluwa.

*****

8:00 am na nung magising ako. Oh well, wala naman kaming pasok ngayon dahil 1 week na isasara yung cafe dahil hindi daw mahahandle ni  Sir yun lalo na't may International Meeting sya dun sa company nila blah-blah-blah.

"Ahh Ma, mamaya pala pupunta dito yung katrabaho ko. Dito na namin itutuloy yung project namin." Napatingin naman kami ni Tita Ember kay Ate Amber. Of course, sa pagkakaalam ko ay sobrang cold nya at never pa syang nagdala ng KAHIT SINO even close friends nya?

"Oo naman! Anong oras ba iyan? Para naman makapagluto na ako at mapaghandaan ko ang pagdating ng maswerteng batang iyan!" Masiglang sabi ni Tiya Ember. Napangiti nalang din ako dahil eto nga ang First time na magpapapunta sya sa bahay.

*****

6:00 pm daw uuwi sila Ate Amber. Kaya tumulong na ako kay Tiya Ember na magluto at maglinis ng bahay.

Eksaktong 6:00 pm ay may narinig na kaming kumatok sa pintuan. Nagkatinginan naman kami ni Tiya Ember at nakangiti kami ng nakakaloko ngayon. Buahaha!

Ako na ang nagpresintang magbukas ng pinto at natatawa pa nga ako ng magpumilit si Tiya Ember na sya na daw. Haha!

"Hellooooo p–––––"

Mali sa akala namin ni Tiya Ember ang bisita. Maling-mali.

Ang buong akala namin ay babae.



Pero bakit?








LALAKI?!



At dahil dakilang malisyosa ako ay napangiti ako ng todo. Yung abot hanggang langit. Oha? I smell something running heart-heart hereeeee! Woot woot!

"Baka papasok na kami?" Iritadong sabi ni Ate Amber. Binigyan ko naman sila ng way ng hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. Sa pagkakita ni Tiya Ember sa bisita alam kong parehas kaming nagulat pero di kalaunan ay mga baliw na kaming nakangiti dito.

"First time 'no?" Bulong nung lalaki kay Ate Amber. Umirap muna bago tumango si Ate at ako naman sinundot sya sa tagiliran since magkatabi kami. Haha!

Binigyan naman nya ako ng Stop-it-lagot-ka-saakin-mamaya-look. At dahil sa tingin na yun napatahimik ako. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nung lalaki kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang sya saakin at masasabi kong may itsura sya.

"Wait me. Wala pa palang folders and bond papers. Bibili lang ako." Biglang sabi ni Ate at dali-daling lumabas ng bahay. So naiwan kami nung bisita nya dito sa sala dahil si Tiya ayun nakikipag chismisan sa kapitbahay.

"Ahh.... Ako nga pala si Warren. Kapatid ka ba ni Berry?" Natawa naman ako bigla sa tawag nya kay Ate. Isipin mo yun? Ang cold na babaeng si Ate Amber ay tatawiging berry ng isang lalaking 'to? Aba matinde!

"Ahh.... Yes na no? Haha. Basta magulo. By the way I'm Elysse." Tapos nagshake hands kaming dalawa. Medyo akward dahil antagal nyang bitawan yung kamay ko kaya ako na ang unang bumitaw. Loka.

"Pwede bang Elly nalang ang itawag ko sayo?" Nakangiti nyang suggestion. Naalala ko bigla yung batang kasama ni Zach na si Elly. Tumango nalang ako saka ngumiti.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Actually, naging komportable na nga ako sakanya eh. Madali lang syang pakisamahan at talaga mahahalata mong ang mature mature na nya mag-isip dahil lahat nalang ng nababanggit nya ay about acads. Business. Towns. Projects. Etc. Kaya ako? Eto tango lang ng tango saka ngumingiti. Yung ngiting natatae.

Graduate daw sya sa Civil Engineer, tapos cum laude daw sya non. Mahilig syang tumugtog ng flute. Mahilig syang mag-rap at nung nag pa sample ako ay kasing bilis nya ang makina kung mag rap! Whoo! Grabehan lang! Ang galing?

Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan namin biglang bumukas yung pinto. Niluwa nun si ate na pawis na pawis. Sumenyas sya kay Kuya Warren na sumunod sa taas kaya nagpaaalam ito saakin at tumango lang ako. Oh well, Kuya na talaga ang tawag ko sakanya. Pake nyo? Ha? Eh sa trip ko eh! Walang basagan!

Naghugas nalang ako ng mga pinggan at pagtapos umakyat na ako sa kwarto. Humiga agad ako sa kama pagkadating ko sa kwarto at nagpalamon sa antok.






ZzzzzZZzzZ.......zzzZzzZZzzZZZz......zzZ




********

Oh sino nalang hindi nya nakaka salamuha? Sinoooooo? Lapit naaaaa! Huwaaaa! At huwaw lang 'no? Kuya ang tawag nya kay Warren (Rapmon) haha!



ABANGAN.......







Love Affair (BTS FanFic)Where stories live. Discover now