>>________<<
Nagising ako sa sinag ng araw na kumakalabit sa balat ko.
'Aaaaaahhhhh!'
Napatingin ako sa alarm clock ko na hindi pa pumuputak. Aba! Mas maaga akong nagising sa kanya. Hahaha! Oh yeah!
Pagtingin ko sa wall clock ko ay 6:30 am pa lang. Wala naman akong pasok kaya wala rin akong gagawin buong maghapon tapos maaga pa akong nagising? Huwaaaaw lang eh.
-______-
Hindi naman na ako inaantok kaya naligo na ako saka bumaba.
Wala pang gising maski si Tita Ember kaya nagluto na ako ng almusal. Oha? Ang bait bait ko talaga, haha!
After 30 minutes ay tapos na akong magluto. Narinig ko rin na may bumababa na sa hagdan kaya alam kong may nagising sa mabangong almusal na niluto ko. Haha! I'm so proud of myself.
"Aba! Anong nakain ng maganda kong hija at maagang nagising?" Pambungad saakin ni Tita Ember. Napanguso naman ako bigla. Hindi ba pwedeng 'Goodmorning napakabait kong hija! Ang bango ng niluto mo ah!'
:'(
"Ahh......h-hehe..... Goodmorning Tita!" Bati ko saka nakipag besuhan.
"Ayy.... Hindi ba't walang pasok ikaw ngayon? Nako! Samahan mo naman akong ihatid 'tong tinapa dun sa Wilford Family. Sila ang suki ko dito at nagpapa deliver sila ngayon.
"Sure po! Ahh–– anong oras po ba yon?" Malay nyo mamaya na pala hindi ako nakapag ready nuka!?
"Ahh.... Mamaya pa namang alas-dos–– ay jusmeee! Hindi pala kita masasamahan pwede bang ikaw nalang mag-isa? Wag kang mag-alala ibibigay ko sa iyo ang address." Napatango nalang ako. Well, wala rin namam akong gagawin eh.
*******
"Mag-iingat ka doon ha?" Natawa naman ako bigla sa sinabi ni Tita. Iba kase ang dating nung sinabi nya saakin. Para bang may nangangain ng tao sa loob ng bahay na 'yon. Haha.
"A-ahh..... Hehe..... Yes po!" Sabi ko nalang saka nagwave kay Tita. Sumakay na ako ng jeep at in all fairness. Mabango ang katabi ko. Haha!
"Bayad po." Sabi ko saka pinapaabot yung bayad ko dun sa katabi ko pero ang loko walang pake? Arff! Buset sya ah!
"Bayad po." This time mas malakas na yung pagkakasabi ko pero wala parin. Nganga pa rin. Ugh! Nabu-bwisit na ako!
"Ale oh, bayad nga!" Padabog ko ng binigay yung bayad ko dun sa babaeng katabi ng katabi ko. Epal kasi, akala mo kung sinong gwapo! Mabango lang naman. Che!
Mga ilang minuto lang akong nag-stay sa jeep na 'yon together with that pangit impostor baklang epal na lalaking walang modo na 'yun! Ughhhh! He's so annoying!
Sabay kaming bumaba at ha! Hindi man lang nya ako pinauna. Bwisit! Napaka gentleman nya EVER!
Pareho kami ng street na daang tinatahak ngayon. Pero nasa unahan ko sya at of course nasa likod nya ako. Kung tutuusin ay maganda ang pangangatawan nya. Matangkad din sya. Maputi. At magulo yung buhok. Feeling ko nga gwapo sya––– feeling kang okeh? Hindi ko naman nakikita yung mukha nya kanina dahil naka tingin sya sa opposite side saakin. Tapos nung pababa naman sua side view lang yung nakita ko ay medyo blurry pa dahil ang bilis nyang bumaba.
"Tsk." Narinig kong singhal nya. Napakunot noo naman ako ng bigla syang huminto bigla kaya nauntog ako sa likuran nya. Ang tigas ah!
"Sinusundan mo ba ako?" Halatang naiirita nyang sabi. Abaaa! Feelingero'ng frog rin pala ang isang 'to eh! Matinde ka bruh!
"Excuse me?" Naka taas kilay kong tanong. Inhale! Exhale!Good vibes lang lagi Elysee! Smileeeeee!
"Parang tanga." Narinig kong bulong nya. Abaaa! Kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'to ah! Epal masyado! Sarap ingudngud sa ilog Pasig eh! Bwisit.
"Mas tanga ka! Tabi dyan!" Sigaw ko saka naunang maglakad. Ughhh! Panira ng araw eh! Epal err!
Pumila na ako dun sa pilahan ng tricycle. Oh well, may kahabaan ang pila pero okay na 'to. Ayokong makita ang epal na impakto na 'yun. Aaminin ko na gwapo sya..... Honest lang okeh? Pero duhh! Ang sama kaya ng ugali nya, Epal pa!
"Ahh manong, sa Wilford Mansion daw–– ahh este. Dun po hehe." Sabi ko dun sa Manong driver. At yes, WILFORD MANSION lang daw ang sabihin ko at madadala na ako mismo sa tapat ng bahay nila.
Ilang minuto ang nakalipas at biglang huminto yung tricycle. Nagbayad muna ako bago bumaba.
O////////O
OMYGHAD!
ANG LAKI NG BAHAY NILA! NO. SCRATCH IT. MANSION ANG BAHAY NILA! NO. SCRATCH IT AGAIN. PALASYO ANG BAHAY NILA!
*DingDong* *DingDong*
(A/N: Tunog yan ng doorbell so okeh? Isipin nyo nalang. Haha! XD )
Bumukas yung napakalaking gate at tumambad saakin ang isang............
"IKAW NANAMAN?!" Sigaw ko. Ughhh! Yung baklang engkanto na mukhang palaka––– Erase it! Na mukhang..... Mukhang basta! Epal sya, tapos.
"Tsk. Stalker." Nakangisi nyang sabi. Ugh! Ako? Stalker? What the eff? Never 'no!
"Feeling'erong epalerts ka rin eh'no? Baka maghahatid ako ng tinapa dito?" Pagtataray ko then pinakita ko yung supot ng tinapa sakanya. Never akong mang i-stalk kung sya lang naman ang ii-stalk ko 'no!
"Okay." Nagkibit balikat sya saka sumenyas na pumasok ako. At dahil hinihila ako papasok ng palasyo na'to ay hindi na ako nakatanggi.
0,0
"Wow......" Yun lang ang lumabas sa bibig ko nung nakapasok ako. Isang buong bahay na namin 'tong sala. Ipagsama mo yung size ng taas at baba namin ganon kalaki yung sala nila! Owemjiii lang. uwu.
"Tsk. Nasaan na yung tinapa?" Bigla nyang tanong. Inirapan ko nalang sya ng palihim dahil talagang naka emphasis pa yung word na 'tinapa'. Ugh! Akala nya siguro niloloko ko sya. As if naman 'no!
"Oh eto. Bayad mo?" Okay taray mode talaga ako pagdating sakanya. Ewan ko nga e. Ang init ng dugo ko sakanya. Panira kasi ng araw eh!
"Oh." Sabi nya sabay abo't ng 5,000. 150 pesos lang naman yung tinapa at wala akong panukli. Balak ko na sanang sabihin sakanya ng minouth nya yung word na 'keep the change' kaya tumango na lang ako.
Ilang minuto lang ako don. Pagkatapos nagpaalam na akong umuwi.
Pagkauwi ko binigay ko kay Tita at sinabi kong keep the change daw. Binibigyan nya pa nga ako ng 2,000 pero sabi ko wag na. Umakyat na ako sa taas after nun tsaka nagpalamon ng antok hanggang makatulog an ako.
ZzzzzzZzzzZz.......zZzzzZzz.....ZzzZzZ
*******
A/N:
Yey! Nakita na nya yung pito! Huwaaaaaa! Hapeeh! Hapeeh! Oyeah!
YOU ARE READING
Love Affair (BTS FanFic)
FanfictionSa isang napakagarbong mansyon nakatira ang pitong matitipunong magakakapatid. Isang rule ang kanilang pinapatupad. Elysse Leiah Castro. Isang hamak na anak ng dukha na papasok sa buhay ng pitong binata. Maari bang maputol ang kaisa-isang rule na gi...