1 (Panaginip)

4 0 0
                                    

"Ma! Tara na po! Ayoko pong mahuli ka!" Sigaw ng batang babae na ngayo'y hila-hila ang laylayan ng damit ng kanyang ina.

"Saglit lang Elysse, aayusin ko pa ang mga gami–––"

"Pero Ma! Mapapagalitan po ulit kayo ni sir Mingyu! Ayoko po kayong lumuhod ulit sa asin!" Pagputol ng bata sa ina.

Alam ng batang babae na aalis ang kanyang nanay upang muling magtrabaho sa isang mansyon ngunit ang hindi nya alam ay aalis ang kanyang ina at iiwan na sya nito sa kanyang tiyahin.

"Oo na! Oo na! Ako ba'y iyong ihahatid sa bus terminal?" Nakangiti ngunit bakas sa mata ng ina ang kalungkutan.

"Opo! Gusto ko po kayong bigyan ng goodbye kiss! Ganto po oh!" Tapos umakto ang batang babae na nagpalipad ng halik at sinalo naman ng kanyang ina.

"Osige, halika na?" Bigla namang hinawakan ng kanyang anak ang kanyang pisngi. Hindi nya namalayan na tumulo na pala ang kanina pang nagbabadyang luha sa maiinit na mata nito.

"Mama, wag po kayong mag-alala susundan ko kayo don paglaki ko po!" Niyakap nya ang kanyang nanay ng mahigpit. Animo'y ayaw nya itong paalisin ngunit sa mura nyang edad ay nauunawaan na nya ang pakay ng ina kung bakit ito aalis.

"Promise yan anak ha?" Sabi ng kanyang nanay na nag pinky swear pa na sinundan ng batang babae.

"Pinky swear!"





-------

"Mama!" Bigla akong napabalikwas ng bangon.

"Oh Elysse? Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Tiya Ember. Tumango naman ako  bilang sagot.

'Isang panaginip.'

Panaginip na ayoko ng gumising. Panaginip kung saan kami nagkikita. Panaginip kung saan ayoko ng idilat ang aking mga mata. Dahil doon ko lang nayayakap ang aking.....


'Mama......'


"Ahmmm, Tita pwede pong magtanong?" Tumango naman si Tita Ember na ngayo'y nasa tabi ko na at hinahagod ang likod ko.

"Magtatrabaho po sana ako para makatulong sa gastusin dito sa bahay" Alam kong nabigla si Tita Ember sa sinabi ko pero yun lang ang paraan ko para mahanap ko si mama.

"P-Paano ang pag-aaral mo? Hindi mo pwedeng pabayaan na lang iyon! Wag kang mag-alala kaya na nami––"

"Tita! Hindi po ako hihinto!" Sabi ko at tumawa pa ng bahagya. " Magwo-working student ako!"

"Ganoon ba? Mabuti naman, pero ayokong lubusin mo ang iyong lakas, isipin mo rin ang iyong kalusugan ha?" Paalala pa ni tita. Tumango naman ako.

Nagpapasalamat ako dahil nandyan si Tita Ember. Ipinaparamdam nya saakin na tunay nya akong anak. Na may nanay ako. May pamilya. Na may nagmamahal saakin.

" Sige na, bumalik ka na sa pagtulog, gigisingin kita kung nais mo ng maghanap ng trabaho." Tinapik ni Tita ang ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko, bago tuluyang umalis.

Napabuntong hininga nalang ako,

'Ma, kung nasaan ka man, sana naririnig mo ako ngayon. Alam kong magkikita tayo,hindi man ngayon pero pwedeng bukas o sa susunod. Mama? Hintayin mo ako ah? Diba may promise ako sayo? Tutuparin ko yun.'

Pinilit kong makatulog kahit pa patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mata ko.

Pwede pa kaya kaming magkita ni mama? Hinahanap nya din kaya ako? Nag-aalala din kaya sya saakin?

Mga tanong na hanggang ngayon hindi ko masagot-sagot dahil hanggang ngayon, wala akong kaalam-alam kung nasaan si mama.

'Ma, I miss you.....'

Huling salita na sinabi ko bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, hanggang sa makatulog ako.



ZzzzzzZ.....zzZzzzZzz.....zzzZzzzZzZz..










****

Author's Note:

Sorry po kung lame. >____<
Hindi po talaga ako marunong sa ganito, buahaha! Parang ewan lang eh'no?

Don't forget to like (Lel :° ) and comment po kayo okay lang if bad man yan or what, I need your opinion guys, WAHAHA (feeling fame 'nuh? HAHAHA!)

Dudbyeeee! :*

Love Affair (BTS FanFic)Where stories live. Discover now