Chapter 14

138 9 4
                                    

Alliyah's POV

Hindi naman naging mahirap saakin magpakilala kaya lang na didistract ako sa mga babaeng napapairap tuwing magsasalita ako, sarap nilang itapon Sa Pluto.






"Now Explain!" tinitigan ko si Dexter Sa paraang hindi ako yung Bestfriend nya noon.






Nandito nga pala kami sa classroom, Lunch time na at kaming tatlo nalang 'yung natitira dito pag mag usap usap.





"It's hard Alliyah, I lost my Father, hindi ko natanggap noon na namatay na si Daddy, sinisi ko ang sarili sa pagkawala niya, then naglayas ako ng bahay, may kumupkop saakin laking pasalamat ko kasi pinag aral niya ako ng mabuti at inalagaan na parang tunay na anak. I'm sorry, hindi ko sinadyang iwan kayo ni Jade" mas lalo akong nagulat nung may pumatak na luha sa mga pisngi niya.









Lahat ng sama ng loob at tampo ko kay Dexter nawala, parang gusto kong yakapin ngayon si Dexter, Hindi biro ang dinanas nya at isa pa nakakagulat na wala na pala si Tito Romuel. Dati naiinggit ako sa daddy ni Dexter, napakabait niyang Daddy, unlike my dad tsk.








"I'm sorry Dext, it's just nagtampo lang talaga ako, siyempre bestfriend mo kami, sana naman sinabihan mo din kami. I'm so sorry hindi ko naman alam na ganyan pala ang pinagdaanan mo" Bigla kong nilapitan si Dex at niyakap.  I missed him so much.






"I'm sorry Alliyah"  tinap ko nalang sa likod si Dext.







"So classmates pala kayo dati then ayon nga? Umalis si Dexter? Puwede na kayo sa MMK" natawa nalang kami kay Syfelle.





"No, Were supposed to be friends" si Dexter na ang sumagot kay Sy.







"Oh well, ako nalang papalit dun sa Jade! Haha!" napailing nalang ako sa kabaliwan ni Sy.





Masaya ako ngayon pero sana mas sasaya pa 'to kung nandito si Jade, sigurado akong sobrang saya niya. Knowing Jade's personality mababaw lang ang kaligayahan niya.







"Guys!  Ano gusto niyo. My treat" sabi ni Dexter pagkatapos naming nakaupo sa bandang gilid.







"Kahit na ano" si Syfelle na ang nagsalita para saakin.






First time kong makapasok dito sa Canteen, Air condition din pala.  Siguro lahat ng nandito puro naka Aircon.






"Matagal mo na bang kakilala si Dexter, You know, bestfriends ba kayo? Or what?"  I ask Syfelle out of the blue.






"Nagsimula siya dito ng Grade 7, tahimik lang siya noon, hindi din siya yung tipong lalaki na palasama sa classmates naming boys. Nakilala ko lang siya kasi magkatabi kami sa likod. Actually gwapo naman si Dext, ewan ko lang sakaniya takot yatang humanap ng babae" napatango nalang ako.







Simula nung naging bestfriend namin siya ni Jade, ganyan na din siya sa ibang babae pero siyempre hindi saamin.




~GUYSSSSS!  FIGHTERSSS ARE HEREEEEEE!!



Biglang naglabas ng mga make ups at kung ano ano pa ang mga babae dito, ang iba naman hindi mapakali kung anong gagawin.
Pffft Soliz Brothers lang naman. Wala akong pakialam.







"Let's eat, Hayaan mo lang yang Mga Fighters. Mas gwapo naman ako sakanila"  umupo na sa tapat ko si Dexter.






Hindi ko pa din maiwasang marindi Sa mga babaeng haliparot,  para silang kakatayin Sa ka O.A-han nila.





The JERKS and IWhere stories live. Discover now