1: Trap by Mission

10.5K 265 3
                                    


"Gosh! Bakit sa akin nakaatang ang misyong ito?" Bulalas ni Miles sa kaniyang kasamahan.

"Gaga! Ayaw mo pa, ang yummy-yummy kaya niyan!" Ang batok ng kaibigang si Alexa.

Inirapan niya ito. Ayaw niya lang kasi ang mapunta sa probensya. Ayaw niyang malayo doon lalo pa at naghihintay siya ng resulta sa ginagawang imbestigasyon sa pagkawala ng kaniyang magulang.

"Tanungin mo si Super," wika nito ng makitang naiinis talaga siya.

"Sinong super?" Maang na tanong sabay kunot ng noo.

"Si Superman, I mean ang syperior natin. Sa'yo binigay eh.." anito tukoy sa kanilang boss.

Muli siyang tumingin sa impormasyong nasa harapan at muling tumitig sa mukha ng lalaking nasa papel na hawak. Napansin din yata ni Alexa ang ginawang pagtitig sa lalaki na naroroon kaya muli siyang inasar nito.

"Naku ha! Baka mainlove ka sa target mo. Mahirap iyan, alam mong suspected drug dealer siya," taas kilay pa nito saka napakagat labi sa nakitang kakisigan ng lalaki dahil hubad baro ito at nakasakay sa isang kabayo. Maya-maya ay napabulalas ito. "Goooossshhh...doktor pala siya babae. Sayang talaga.." anito saka napalitan ang kagat labi nito ng iling.

Napangisi rin siya. Iba na talaga ang tao, basta pera ang usapan kahit ano ay ginagawa manatili lamang sa itaas.

Kinuha niya ang kaniyang ballpen saka binilugan ang mukha ng lalaking nasa larawan. "Dahil sa'yo kaya mapupunta ako sa probensiya kaya humanda ka sa akin," bulong niya pero hindi nakaligtas sa matatalas na pandinig ni Alexa.

"Ikaw ang humanda dahil baka mahulog ka sa karisma ni mamang doktor." Tawang pang-aasar pa rin nito.

"David!" Malakas na tawag mula sa pintuhan ng kanilang superior.

"Bosss!!" Malakas na tugon rito.

Sumenyas lang ang kanilang boss at alam niyang tungkol sa bago niyang misyon ang pag-uusapan nila. Mabilis na tumalima at pumasok sa opisina nito.

"Nabasa mo naman na siguro ang misyon mo!" Walang ngiting wika ng kanilang boss ng makaupo siya sa harap ng mesa nito.

"Yes boss."

"Good. You're leaving tomorrow morning. We track down na taga doon ang iyong yaya noong bata ka pa." Seryosong wika nito.

Napalunok siya. Doon niya lang naalala ang kaniyang yaya  Belinda. Limang taon na rin silang hindi nagkikita nito. "Tinawagan na namin siya kahapon at tuwang tuwa ito ng ibalita naming magbabakasyon ka roon." Dugtong pa nito.

Napatingin siya sa kanilang boss. Napansin siguro nito ang pagtitig rito. "You know me. Pulido ako gumawa at inaalam ko ang bawat target. Sa ating propesyon kailangan nating maging maparaan. I'm making things easy for you. Don't fail me David. Isa lang ang gusto ko. Ang malaman ang kinalaman ng mga Artajo sa Marijuana plantation na bulong-bulungan sa kanilang lugar." Matiim na wika nito sa kaniya.

Bumuntong hininga muna siya saka sumagot rito. "Makakaasa ka boss." Aniya saka nagpaalam na rito. Hawak ang impormasyon ay lilisanin na niya ang opisina nito. Pabukas na siya ng pintuhan ng magsalita ito.

"I don't want you to trapped by his charm. Mission is mission. Don't mess around David." Matiim ngunit may babalang tinig nito.

"Yes boss!" Tugon saka tuluyang umalis.

Double Life of Sebastian Artajo(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon