WALANG NAGAWA si Miles kundi ang magpahatid kay Sebby sa bahay ng kaniyang yaya Belinda. Tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan habang tinutugpa nito ang daang sinabi."Para! I mean dito na lang ako.." aniya ng matanaw ang bahay ng kanyang dating tagapag alaga.
Nakitang tumingin sa kaniya ang lalaki. May pagdududa sa mata nito. "Ah—eh—dito lang ako kasi doon ako sa bahay na iyon nakatira. Baka kasi magising si ya—inang. Malaman pang umalis ako ng bahay..." medyo pa bulong na wika sa huling sinabi.
Nakitang muling tumitig ang lalaki sa kaniya. 'Shit! Huwag kang tumitig ng ganyan,' aniya sa isipan. Malapit na kasing bumigay ang sistema niya sa lakas ng appeal ng lalaking nasa harap.
"Sige, salamat sa paghatid. No worries, hindi makakarating sa kaibigan kong tumanggi ka." Aniya saka ngumiti ng napakaluwang saka mabilis na umibis sa magarang sasakyan nito. Kumaway pa siya saka tumalikod at tinungo ang bahay ng kaniyang yaya.
Nakitang naroroon pa rin ang sasakyan ng lalaki ng makarating sa kanilang tarangkahan. Mukhang sinisiguradong doon nga siya nakatira kaya pumasok na lamang siya.
Pagkapasok ay agad na nasabunutan ang sarili niya. "Ang tanga-tanga mo talaga Miles. Unang sabak pa lang palpak na! Ahhhhh..nakakainis ka!" Gigil sa sarili.
Napapailing si Sebby ng makitang patingkayad na pumasok ang babae sa loob ng bahay ng mga ito. Maliit na dampa iyon kaya naisip niyang baka nga tinanggap na niya ang trabahong pag-eescort para makaahon sa hirap. Ngunit mas lalo siyang nangiti nang maalala ang tagpo sa kaniyang silid.
Nang makitang doon nga nakatira ang babae ay bumalik na siya sa kanilang bahay. Kailangan niya na ring magpahinga dahil may ani sila bukas sa bukid at kailangang pumunta siya roon. Sa susunod na linggo ay babalik na siya sa ospital sa kanilang bayan at nakapangako na siya sa mamayan sa kanilang hacienda na magsasagawa siya ng libreng check-up sa kanilang mga trabahador.
KINABUKASAN AY yugyog ng kaniyang yaya ang gumambala sa mahimbing na tulog ni Miles. "Ya—," pungas na sambit sa inaantok na boses.
"Anak, sasama ka ba sa bukid ngayon. Kung pagod ka ay dumito ka na muna sa bahay." Ang wika nito.
Agad siyang napamulagat ng mata. "Sasama po." Ang masiglang wika saka bumangon. Hindi niya mapapalampas ang pagkakataong iyon. Alam niyang mas makikilala niya ang pakay sa pamamagitan ng mga trabahador nito.
"Sigurado ka ba? Baka hindi mo kayanin sa bukid anak." May pag-aalalang tinig ng yaya niya.
"Inang," aniya. Unang tawag niya rito noon dahil kailangan niyang sanayin ang sarili lalo pa baka nasa paligid lamang din si Sebby. "Huwag po kayong mag-alala, kaya ko po iyan. Hindi na ako ang dating batang lampa." Natatawang wika rito sabay yakap.
"Oh halla. Gumayak ka na at mag-almusal na muna tayo para may lakas tayo." Anito saka nagpatiuna sa maliit nilang kusina.
Napapangiti siya habang nakatanaw sa likod ng kaniyang yaya. First time niyang makiani. Hindi niya alam kung kakayanin niya pero parang na-excite siya sa ideyang simpleng buhay. Ngayon niya masusubukan kung gaano kahirap maging magsasaka. Mabilis siyang gumayak. Isinuot ang long sleeve checkered saka tinirnuhan ng maong pants at saka nakita sa gilid ang isang buta. "Taray niyo ah parang boots lang." aniya ng maisuot. Natawa pa siya sa suot at paglabas niya ay agad na napalingon ang yaya niya sa kaniya.
Hindi niya alam kung nabigla ba ito o nagulat sa hitsura niya. "Aba anak, sa bukid tayo rarampa hindi sa catwalk." Anito.
"Inang naman eh.." aniya rito.
BINABASA MO ANG
Double Life of Sebastian Artajo(Completed)
De TodoA man of your dreams is about to arrive. Are you ready to be the girl will caught his attention. These man was not the ordinary man you dream. He is beyond what you think. He is Sebby.