MABILIS niyang iniiwas ang tingin sa lalaki. Hindi niya tuloy kung alam ang gagawin buti na lamang at naroroon si Moises."Ouchh!" Aniya nang makitang nadugo na pala ang kamay dahil aksidenteng nahiwa gawa ng gamit na panggapas ng palay.
"Okay ka lang ba! Sabi ko sa'yo na mag-ingat ka kasi matalas ang hawak mo lalo pa at hindi ka pa sanay," alalang wika ni Moises habang hawak nito ang kamay niya.
Nguniti siya ng matamis sa lalaki. "Ano ka ba? Maliit lang na sugat ito," aniya para hindi na mag-alala. "Nabigla lang ako kaya medyo napahiyaw ako." Turan saka ngumiti at bumaling sa iba. Ngunit tila gustong magsisi sa ginawang pag-iwas sa tingin ni Moises dahil kay Sebby naman siya hindi nakaligtas.
Blangko ang ekspresyon ng mukha. Hindi alam kung ano ang nasa isip nito kung galit ba o naiinis o wala lang pakialam.
"Oh ayan. Tinalian ko na. Pagbalik niyo sa bahay niyo, lagyan mo agad ng betadine para mabilis maghilom." Saad ni Moises.
"Salamat." Ang nahihiyang pasasalamat rito.
"Wala iyon. Maghakot na lang tayo ng palay," anito sa kaniya at hinayaan na ang ilan na maggapas at hahakutin na lang nila ang palay na ginagapas ng mga ito.
Tuluyang pumatak ang alas diyes. Tirik na tirik na rin ang araw. Doon ay naramdaman ni Miles ang pagod. Si Moises ay tinawag ng isang matandang lalaki na magbuhat na rin ng kaban ng palay kaya naiwan siyang maghakot ng palay na kaani kasama ng ilang kababaihan.
"Naku Belinda, mukhang type ni Moises itong dalaga mo ah. Sabagay bagay naman sila ni Moises. Guwapo naman at malapit nang maging enhinyero di ba?" Tinig ng isang ale sa di kalayuan.
"Naku, Sianang. Aba! Mag-ani na lang tayo at mamaya ay magmemeryenda na tayo. May dala akong nilagang saging." Pang-iiba naman ng kaniyang yaya Belinda.
Napatigil siya sa paghahakot at napatanaw sa ilang magsasaka na naroroon. Inikot ang paningin kung gaano kalawak ang lupain na iyon, ang magsasakang walang kapaguran sa pag-aani. Inayos niya ang kaniyang pagkakatayo at sinulyapan ang kaniyang yaya Belinda. Sa hitsura nito ay tila nakita ang kalagayan ng bawat magsasaka.
Hindi siya mahinang tao ngunit sa pagkakataong iyon ay kusang tumulo ang luha niya. Agad na pinahid at suminghot-singhot. "Kaya mo ito Miles. Huh! Ang hirap palang maging mahirap." Aniya sa sarili.
KANINA PA naiinis si Sebby sa nakikitang pagiging malapit ni Moises sa babaeng kasama kagabi. Ilang beses na sinabing huwag na niyang papansinin ang mga ito ngunit hindi niya mapigilang hindi mapalingon at saktong nagtaas din ng tingin ang babae dahilan upang magtama ang kanilang paningin. Nakitang unti-unting napalis ang ngiti sa labi nito saka muling nagbaba ng tingin.
Gayunpaman ay minabuti na lamang niyang tumulong sa ilang kalalakihang nasa makina upang mas mapadali ang nga ito. Habang hawak ang makina ay nagsimulang manginig ang buong katawan niya. Agad siyang napalingon sa kinaroroonan ng babaeng tinitignan. Habang ito naman ay hawak ni Moises ang kamay nito na til may tinatali.
Patindi ng patindi ang panginginig ng kamay niya kaya halos hindi niya makontrol ang makita.
"Senyorito, ayos ka lang ba? Ako na muna diyan?" Ang wika ng isang trabahador. Hindi na siya nakipagtalo at mabilis na nilisan ang makina.
Lumapit siya sa dalawang taong kanina pa ay hindi mapigilang lingunin. Hawak pa rin ng lalaki ang kamay ng babae ngunit biglang bumaling sa kinaroroonan niya ang babae dahilan upang mabilis na itago ang kamay na nanginginig. Nagkatitigan sila. Ngunit mabilis siyang tumalilis patungo sa silong ng punong mangga. Ramdam na niya ang panginginig ng kamay, paa at maging ang buong katawan niya. Sa likod ng malaking punong mangga ay inabot ang kaha ng sigarilyo. Nanginginig man ay pinilit sindihan iyon upang humupa ang panginginig niya.
BINABASA MO ANG
Double Life of Sebastian Artajo(Completed)
RandomA man of your dreams is about to arrive. Are you ready to be the girl will caught his attention. These man was not the ordinary man you dream. He is beyond what you think. He is Sebby.