"Dude, saan ka pupunta. Nagsisimula pa lamang ng gabi." Habol ng kaibigang si Craig sa kaniya ng makitang paalis na siya sa bar na kinaroroonan nila. Isang high end bar iyon sa kanilang lugar.Mabilis na nilingon ang kaibigan na agad naman nitong kinatahimik. Craig knows when he was upset. Alam naman niyang gusto lang siyang pasayahin nito dahil sa pinagdadaanan niya gawa ng pakikipag-break ni Heather sa kaniya.
"I'm so sorry dude pero wala ako sa mode para mag-party at mas lalong wala ako sa mood makipagkilala sa mga babaeng nais mong ireto. I know that you just want to help me but no thank you dude. I'm going." Anito saka nilisan na ang lugar. Hindi na rin siya sinundan ni Craig dahil kilala siya nito.
Mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya pauwi sa kanilang bahay. Wala siya sa mood magsaya. Habang papasok sa loob ng hacienda nila ay nakita niya ang daan patungo sa batis na lagi niyang tinatambayan noong bata pa siya. Napangiti siya at mabilis na bumaba sa sasakyan at nagsimulang maglakad upang tunguhin iyon. Mabuti na lamang at full moon. Maliwanag ang buong paligid.
Ilang hakbang na lamang niya ay mararating na niya ang batis. Dinig na niya ang lagaslas mula roon kaya mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang tuluyang tumambad ang batis sa kaniyang paningin. Nang-iingganeyo ang malamig nitong tubig kaya walang anu-ano ay hinubad lahat ang saplot saka tila batang nag-dive sa tubig. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Hindi naman siya nasaktan sa pang-iiwan ni Felicity sa kaniya. Nasaktan lamang siya sa mga sinabi nito lalo na tungkol sa kaniyang pinakakatagong sekreto. Maging siya ay naiinis na rin sa sarili. Nang maramdaman ang panginginig ng buong katawan ay mabilis siyang tumayo at tinungo ang mga hinubad na saplot.
Halos hindi niya maisuot ang mga saplot ng tumindi pa ang panginginig niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang hablutin ang tinatagong sigarilyo sa bulsa at agad na nagsindi. Tila tatalsik pa ito habang hinihithit hanggang humupa ang panginginig ng buong katawan nito.
Napaupo siya sa batuhan ng tuluyang humupa ang panginginig ng buong katawan niya. Sinapo ang ulo saka impit na umiyak.
Ang lalaking hinahangaan ng mga kababaihan at kinaiinggitan ng ilang kabaro ay may kahinaan din.
"Shit!" Bulalas sa kawalan saka napatayo at tinayo ang luha sa kaniyang mga mata.
MATAPOS ANG ilang araw na pangungulit ng kaibigan sa kaniya ay napapayag na rin siya nito. Napangiti siya ng mabasa ang huling text ng kaibigan sa kaniya.
"Craig talaga!" Aniya sa kawalan. Katatapos niya lang umikot sa buong hacienda nila. Sa sala ay naroroon ang kaniyang mama at matiyagang inaalagahan ang kaniyang papa.
"Anak, mabuti naman at nandito ka na." Bungad ng ina na nakangiti.
"Bakit 'Ma, may kailangan po ba kayo?" Agad na tanong sa ina dahil halatang masaya ito.
"Wala naman anak, masaya lamang ako dahil sa wakas ay lumabas ka na rin sa kuwarto mo at nagagawa ang dati mong mga ginagawa," anito na nakangiti pa rin.
Ngumiti na rin siya sa ina at inakbayan ito. Tumingin sa amang nasa wheel chair at nakangiti rin ito.
"Sige na anak at magbihis ka muna at mamaya ay kakain na tayo ng kabihan. Huwag ka munang maliligo at galing ka sa bukid at baka ma-pasma ka." Paalala pa ng ina na kinangiti niya.
"Ma, doktor kaya itong anak ninyo.." paaalala rito.
"I know pero minsan kasi kahit doktor ka nagkakasakit ka rin kaya huwag ka nang kokontra sa mama ha." Paglalambing nito kaya muli siyang napangiti rito.
Wala siyang nagawa kundi sundin ang ina. Umakyat lang siya sa silid at nagpalit ng pambahay saka bumaba upang saluhan ang magulang sa pagkain. Hindi niya maiwasang mapatingin sa tuwing pupunasan ng ina ang labi ng kaniyang ama. Naparalyze kasi ang ama gawa ng pangatlong atake rito idagdag pa ang sakit na namana rito. Naisip tuloy niya na sana makahanap siya ng babaeng katulad ng mama niya na tatanggap sa kaniyang lihim na karamdaman.
Matapos ng gabihan nilang pamilya ay pumanhik na siya sa kaniyang silid ng muling makatanggap ng mensahe mula sa kaibigan.
Dude, be nice to her. Promise mag-eenjoy ka! She's on her way.
Basa sa text ng kaibigan. Na nagpailing na lamang sa kaniya. Dalawang linggo na rin silang wala ni Felicity at dalawang buwan na rin siyang tingga kaya kahit papaano ay nanabik siya pero isa sa kabilin-bilinan kay Craig na kung magbibigay ito ng babae ay dapat ay malinis. Craig is a doctor too kaya very precautious din ito.
Nang maibaba ang phone ay agad na pumasok sa kaniyang banyo upang maligo at makapag-ahit na rin. Napapasipol pa siya habang naliligo dahil kahit papaano ay nanabik siyang muling may makasamang babae. Nang matapos mag-imis ay nagtapis na siya ng tuwalya saka lumabas ng saktong papasok naman ang isang babae. Kapwa sila nabigla. Saka niya nabawi ang pagkabigla dahil alam niyang ito ang babaeng tinutukoy ng kaibigan.'Not bad!' Aniya sa isip ng makita ang kabuuhan nito.
BINABASA MO ANG
Double Life of Sebastian Artajo(Completed)
RandomA man of your dreams is about to arrive. Are you ready to be the girl will caught his attention. These man was not the ordinary man you dream. He is beyond what you think. He is Sebby.