4: Heated Kiss

5.5K 204 3
                                    



NANG MAKABAWI si Sebby ay humakbang siya papalapit sa babaeng nanlalaki ang mga mata. "Don't stare like that. You're here to join me in my bed right?" Aniya na nakangisi sa babaeng tila ngayon lang nakakita ng hubad na katawan.

'You're here to join me in my bed...' umaalingawngaw na salita ng lalaki. Hindi niya namamalayang nasa harap na pala siya nito at huli na nang namalayang sakop na nito ang kaniyang mga labi. 'Aba, hindi lang drug dealer sex maniac pa!' Inis ng isipan sabay tulak dito.

Hindi napaghandaan ni Sebby ang pagtulak ng babae sa kaniya. Buti na lamang at sa kama siya bumalandra. "Babae talaga," aniya sa inis sa ginawa ng babae. Alam naman niyang ginusto rin nito ang pagpunta roon. Kaya muli siyang tumayo ay tinitigan ang babae. Maganda ito.

Napahakbang patalikod ito at tila nasindak sa kaniya. "My friend paid you to be mine tonight.." aniya saka muling hinawakan ang babae nito.

Napalunok si Miles. Hindi niya inaasahang may hinihintay pala itong babae at akala nito ay siya ang binayaran ng kaibigan nito upang paligayahin siya. 'Shit! Hindi maaari, pero hindi ko pwedeng sabihing hindi ako iyong babae dahil magtataka ito kung bakit ako nasa pamamahay nila.' Hiyaw ng isipan.

Nang muli siyang hahalikan nito ay umiwas siya. "Wait!" Pigil dito. "Hin———." Putol na wika niya at nakitang tila naiinis na ang lalaki sa kaniya. Muli siyang napalunok.

"Dadagdagan ko ang binayad sa'yo.." ani ni Sebby sa babae. Ngayon pa bang nabubuhay ang pagkalalaki niya tapos binibitin pa siya ng babaeng kasama. Muli ay mapangahas na sinibasib ang labi ng babae. Matamis ang labi nito at malambot. Hindi nakakasawang halikan kaya mas marubdob pa ang ginawad na halik.

Halos mapatid ang hininga ni Miles sa halis ng lalaki. Nang ganap na bitawan nito ang labi ay halos mapasinghap siya. At nang yayakapin na siya nito at ihihiga sa kama ay agad siyang tumutol. Ramdam niya ang pagwawala ng isang bagay sa ilalim ng tuwalya. 'Diyos ko. Hindi ko alam na madi-devirginize pa ako sa probensiyang ito ng wala sa oras.' Aniya sa isipan.

"Wait!" Malakas na tutol sa lalaki nang makitang hububarin na nito ang suot na pants.

Tumayo ito at pumangaywang na tila hari.

"Pwedeng maki-CR muna. Naiihi na kasi ako eh.." aniya upang makaiwas muna at makaisip kung ano ang gagawin.

Umiling iling na lamang si Sebby saka hinayaang gamitin ng babae ang banyo niya. Pagpasok nito sa banyo ay saka naman tumunog ang cellphone niya at nakitang pangalan ng kaibigan ang natawag. Napailing pa siya dahil tiyak na tutuksuin siya nit sa babaeng kasama.

"Hello bro——."

"Bro sorry hindi raw makakarating si Sheeren. Bigla daw—." Putol ding wika nito.

"Pero may babae sa room ko ngayon.." sabad niya habang nakatingin sa pintuhan ng banyo niya.

"Ha! Sino? Pero—," naguguluhang wika ng kaibigan.

Maging siya man ay palaisipan kung sino ang babaeng nasa banyo niya kung hindi nakarating ang babaeng sinasabi ni Craig. Kaya ba ayaw nitong pahalik sa kaniya pero sino ito. Hindi naman pwedeng makikiihi lang at sa kuwarto pa niya talaga pumasok upang umiihi.

"Ah baka nagpadala ng proxy si Sheeren." Usal ni Craig sa kabilang linya.

Nais man niyang isiping ganoon pero iba ang feeling niya. Nagpaalam na ang kaibigan pero hindi pa rin nalabas ang babae sa kaniyang banyo.

"NAKAKAINIS ka Miles. Ang tanga-tanga mo talaga.." inis niya sa sarili habang nakaupo sa nakatakip na inidoro hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin niya upang matakasan si Sebastian.

Nakita niya ang cabinet kung saan naroroon ang ilang gamit ng lalaki gaya ng perfume at ilang after shave cream. Naghanap siya ng kakaiba roon pero wala siyang makita.

"Miles isip! Isip!" Inis niya habang sapo ang ulo nang maya-maya ay nakarinig siya ng katok sa pintuhan.

"Lalabas ka ba diyan o diyan ka matutulog?" Baritonong tinig ng lalaki.

"Palabas na.." aniya saka sinabunutan ang sarili. 'Miles kaya mo ito. Palaban ka di ba?' Aniya sa isipan saka tumayo at binuksan ang pintuhan.

Nakitang nakabihis na ang lalaki. Mukhang humupa na ang init ng katawan nito. Nakatingin ito ng matiim sa kaniya.

"Sino ka? Paano ka nakapasok sa aming bahay?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Ah...ako? Ako...ah oo ako iyong pinadala ng kaibigan mo.." aniya nang maalala ang sinabi nito.

"Tumawag ang kaibigan ko at sinabing hindi pakakapunta ang binayaran niya." Madiing saad nito.

Muling napalunok si Miles. 'Peste! Isip Miles.'

"Oo, hindi nga siya nakakapunta pero pinapunta niya ako kasi nahihiya daw siya sa kaibigan mo na nagbayad tapos hindi pala siya pupunta.." aniya sabay ng isang matamis at maluwang na ngiti. Ngunit tila hindi natutuwa ang lalaking nasa harap.

Nang may pagdududa pa rin sa mukha ng lalaki ay lumapit siya sa kama nito. "Ano, itutuloy na ba natin?" Tila panghahamong wika rito.

"No!" Wika nito.

"What! Pero sayang ang binayad ng kaibigan mo?" Arte niya sa lalaki.

"Who are you?" Matiim pa ring wika nito.

"Okay, I'm Miles.." aniya. "Kung ayaw mo sa akin, pwede na siguro akong umuwi. Sabihin ko na lang din sa friend ko na ayaw mo sa akin." Aniya na may halong paghihinampo at siyempre iyon ay drama lang niya.

"Saan ka nakatira at ihahatid na kita." Alok nito.

"Huwag na. Alas nueve pa lang naman, kaya ko ang sarili ko." Tanggi niya saka tinungo ang pintuhan nito.

"Do you think makakalabas ka sa mansiyon ng wala kang kasamang nakatira rito?" Ani ni Sebby.

Lumingon siya rito. "I just wonder kung bakit ka nakapasok ng bahay kung hindi ka dumaan sa guard?" Dagdag pa nito.

Muli ay napalunok si Miles. Mukhang mabubuking pa siya. Agad siyang ngumiti sa lalaki. "Okay, sabi ko nga. Ihatid mo na lang ako.." aniya rito saka muling ngumiti.

Hindi alam ni Sebby kung bakit nalulugod pa siya sa mga ngiti ng babae kahit alam niyang isa itong intruder. Anuman ang pakay nito sa bahay nila, malalaman din niya.

Double Life of Sebastian Artajo(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon