Chapter 9(Warning)

53 4 0
                                    

Diary ng Tanga by:
IamLadylyn

___________________
Dear Diary,

Kahit na ganon ang trato saakin ni Shaira atleast alam ko na kung ano ang dahilan,ngunit hindi ko pa rin mapapangako na magagawa ko ang pinapagawa niya saakin dahil napakahirap itong gawin.Ayokong saktan ang isang taong binigay ang lahat para mapasaya ako.I'm sorry Shaira.

Sa ngayon kailangan kong kausapin si TanTan dahil alam kong may problema talaga siya.Sana mag-open up sya saakin kasi kaibigan ko naman din siya.

-TINA TANGA
__________________

Naghilamos muna ako saglit bago tuluyang lumabas ng Cr.

Kailangan ko na ring makausap si TanTan dahil miss na miss ko na sya,lagi na nya kasi akong iniiwasan.Sana ngayon pumayag na siya makipag-usap saakin,dahil kahit ako nahihirapan na rin sa sitwasyon nag-iisa nalang kasi ako.

Late na ako sa next subject ko kaya napagdesisyunan ko nalang na pumunta ulit sa garden.Naging favourite spot ko na yun,ang sarap kasi sa pakiramdam yung simoy ng hangin dun at fresh din dahil sa mga halamang pure green ang kulay.

Umupo agad ako sa mga ugat ng  puno.At nagmumuni-muni.

"Totoo bang sabi nila na love is blind?"

"Pinaglalaruan niya ba talaga ako?"

Napailing nalang ako sa mga tanong na pumapasok sa utak ko.

"Hindi naman nya yun ata magagawa,mahal niya ako eh"Napabuntong hininga na lamang ako.

"Alam mo,mukha kang timang diyan,kinakausap mo ang sarili mo"

Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ng lalaki ito.Ni hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko.

Napayuko nalang ako.

"Naguguluhan lang kasi ako" sambit ko.

"Tina I'm sorry.I'm sorry kung dahil saakin nagkakaganyan ka,I'm sorry kung wala ako sa tabi mo,ngayong may problema ka" Hinarap ko siya at hinawakan ko ang kamay niya.Yiieh,chansing joke.Hindi ito ang oras para magbiro.

"TanTan,bakit nagkakaganyan ka?"Napatungo siya sa tanong ko.

"Hindi ito ang tamang panahon,para malaman mo Tina,kasi mapapasakin din ulit ang para sakin"

"Huh?anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

Ang manhid mo

May binubulong sya ngunit di ko maintindihan.

"Ano?Manhid ako?Tanga ako?" Naguguluhan kong tanong.

"Huh?Did I say something?"Nakakunot niyang tanong.

" Ang labo mo kausap,alam mo yun?"Natawa lang siya.Hala,nabaliw na ata.

Diary Ng TangaWhere stories live. Discover now