Author's Note:Pasensya na sa mga readers ko, kung umabot pa ng months bago ako nag-update. Masyado lang talagang busy sa school at na writer's block rin aako hehe.
Diary ng Tanga by:
IamLadylyn***
________________________
Dear Diary,I don't really understand,
Shaira. Hindi ko talaga alam kung anong pinopoint out niya, tss.-TINA TANGA
________________________Uwian na kaya inaya ako ni Daniel na magdate kami. Pumayag naman ako ng walang pag-aalinlangan. Hindi ko na sinabi pa sakaniya ang encounter namin ni Shaira kanina, ayoko kasing masira ang date namin ngayon.
Pagdating namin sa parking lot ng school ay binuksan niya ang pintuan sa passenger seat ng sasakyan kaya agad naman akong sumakay. Ang gentlemen niya kahit kailan. Pagsakay ko ay piniringan niya naman ako.
"Ba't kailangan pa ng blindfold?" Nagtataka kong tanong.
"Secret, just wait" sagot naman niya, kaya tumango na lamang ako.
Sinimulan niya ng paandarin ang sasakyan. Habang nasa byahe ay wala kaming imikan, sobrang boring-_- Kasi naman, wala akong makita na magandang view sa byahe eh nakapiring ako eh. Ano ba 'tong trip ni Daniel?
Naramdaman ko namang tumigil ang sasakyan. Siguro ay nandito na kami. Tama nga ako dahil naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. He guided me para makababa ng maayos at makalakad. Lumpo lang ampeg eh noh?
Maya maya ay huminto na kami sa kung saan.
"Pwede mo ng tanggalin ang blindfold"
As he said, tinanggal ko na nga ang piring sa mata. I blink my eyes many times hanggang sa naging malinaw na ang paningin ko. Tinignan ko naman ang paligid.
Park? May pa piring piring pa siyang nalalaman eh sa park niya lang pala ako dadalhin-,-
Tinignan ko ang kabuuan nito. Kaya naman pala, may mga ilaw na parang christmas lights sa paligid, may mga petals ring nakakalat, tapos konti lang ang tao na mukhang pinaghandaan nga talaga niya. Tapos sa dulo nito ay may mas maliwanag pa, 'di ko alam kung ano.
Ayiehhh! Ang ganda, handang handa eh, masyadong sweet naman 'tong si Daniel ngayon. I wonder kung anong meron dun sa dulo.
"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ni niya.
"Sobra" sagot ko naman.
"Tara punta tayo sa cottage"
Ang tinutukoy niyang cottage ay yung bahay bahayan na nasa dulo ng park na ito.
Pagdating namin dun ay mas lalo pa akong namangha. Kaya pala masyadong maliwanag kasi may mga pa-ilaw effect din palang hinanda si Daniel dito. Grabe, ang effort niyang manligaw.
Maraming nakahaing pagkain sa mesa at may bulaklak din sa gitna nito. Bigla naman akong natakam sa nakikita kong mga pagkain ngayon.
"Please take your sit" pinaghila niya ako ng upuan kaya umupo na ako. Sya naman ay umupo sa harapan ko.
"So, let's eat?" Akmang kukuha na siya ng pagkain nang pigilan ko siya.
"Wait, pray muna tayo" sabi ko. Kahit naman naglalaway na ako sa mga pagkain ay hindi ko pa rin makakalimutan ang magdasal.
"Pray?" Tanong niya. Kaya nagtaka ako.
"Pray, as in magdasal. 'Di mo ba alam 'yon?"
"What I mean is, we don't do that thing" kumunot naman ang noo ko.
"Kailangan nating magdasal magpasalamat, humingi ng tawad, o kung ano ang hihingin mo. Ano ka ba, kailangan natin ng pananampalataya. Kahit nga magpasalamat ka sa mga kamalasan na nangyayari sayo"
"What? Are you insane? Kamalasan na nga ang ibibigay sayo magpapasalamat kapa? The heck?"
"It's only a challenge for us, kaya tayo binibigyan ng ganyan. Get it?" Pagpapalinaw ko.
"Okay, whatever, just pray" bored niyang sagot.
Matapos naming magdasal ay nagsimula na kaming kumain.
"So how was the food?" Tanong niya sa gitna ng pagkain namin.
"Great"
****
"Can we dance?"
"Sure" sagot ko. Pagkatapos naming kumain ay pumitik siya at agad kong narinig ang magandang kanta. Isang love song. Tapos ayun, inaya niya akong sumayaw.
Habang sumasayaw kami ay 'di ko mapigilang ngumiti. Parang nasa fairy tale lang ako, sarap sa pakiramdam na masayaw mo ang taong mahal mo.
Yeah, you read it right.
Mahal ko na siya, at may balak na akong sagutin siya.
Habang nagsasayaw kami ay unti-unti siyang lumuluhod habang hawak ang kamay ko.
Shocks! Magp-propose na ba siya?
Tanga, 'di pa nga kayo, magp-propose agad?
Napakamot batok na lamang ako sa kabaliwan ko.
"Athenna Vivoree Delos Reyes" tawag niya.
"Y-yes?" Utal kong tugon.
"Will you be my girlfriend?"
Naubusan ako ng salita. Kung kanina dada ako ng dada sa isip ko. Ngayon naman ay blanko ako.
Hanggang sa puro negative thoughts na ang pumasok sa isip ko. How can I assure na totoong pag-ibig yung pinapakita niya? Yung pinaparamdam niya? Paano kung sasaktan niya lang pala ako?
"Tina?"
Nabalik naman ako sa reyalidad ng tawagin niya ako. Mahal ko naman siya. Bahala na.
"Yes" nanlaki ang kaniyang mga mata sa naging sagot ko.
"Yes? As in, pumapayag ka na na maging girlfriend ko?!" Tuwang tuwa na tanong niya saakin.
"Oo, yes, ne, yeah at iba pa!"
Tumatalon naman siya at binigyan ako ng yakap.
"I love you babe" ngumiti naman ako.
"I love you too" tugon ko.
"Now, what can you say?" Bulong niya.
"Perfect"
Wala na akong pakealam kung anong mangyayari in the future. Kung masasaktan man ako, hindi ko na yun pagsisihan pa dahil atleast naramdaman ko kung paano magmahal at mahalin.
Kahit naman 'di ko siya sagutin, masasaktan pa rin ako kaya ienjoy ko nalang ito.
___________________
Dear Diary,
This is the best day that happened in my life. I'm so happy na ngayon ay kami na ni Daniel.-TINA TANGA
___________________
YOU ARE READING
Diary Ng Tanga
Teen FictionKwentong puno ng katatawanan, kalungkutan, kaiinggitan at kaiinisan. Paano kapag ang lalaking nagpatibok ng puso mo, ay ang lalaking wawasak din pala ng tiwala mo. Ang akala mong totoong pag-ibig ay nawala sa dahilang laro lang pala.. Totoo ba talag...