"Baby!"
Narinig ko ang sigaw ni mommy mula sa labas ng pinto kaya agad akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto.
"Bakit po?" Kamot-ulo kong tanong.
"Anong 'bakit po?' Malelate kana sa klase mo. Anong oras na oh."
Nanlaki naman ang mga mata ko at tinignan ang wall clock sa kwarto ko. Umiling naman ako.
"Mommy ano po ba talaga ang sadya nyo't ginising niyo ko ng maaga?" 6:30 palang kasi, tapos 8 pa yung klase namin.
"Ito naman 'di mabiro. May bisita ka sa baba, lalaki. Boyfriend mo ba yung pogi na yun?"
"Mommy ba't 'di niyo agad sinabi!"
Tumakbo agad ako papasok ng banyo para maligo. Kahit 'di sabihin ni mama kung sino yung tinutukoy niyang poging lalaki ay kilala ko na agad sya.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na akong bumaba at tumungo sa sala. Doon ay naabutan ko siyang nakaupo sa sofa. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo.
"Good morning babe" bati niya saakin.
"Good morning rin. Ang aga mo ah?" Ngumiti naman siya.
"Namiss agad kita eh, naistorbo ba kita sa pagtulog mo?" Mabilis akong umiling.
'Ang ganda nga ng gising ko eh hihi.'
"Ehem.. Hindi mo ba ako ipapakilala sa boyfriend mo?" Seryosong tanong ni mommy. Kinabahan tuloy ako sa tono ng boses niya. Huhu, magagalit ba siya?
"Ah--hmm, upo muna tayo?" Aya ko sakanila at agad na umupo sa mahabang sofa.
"Hello po maa'm, it's my pleasure to meet you. I'm Daniel Lopez, Athenna's boyfriend." Nakipagshake hands naman siya kay mommy. Nakita ko ang pasimpleng pagngiti ni mommy. Ibig sabihin 'di siya galit. Kinikilig pa ata to si mommy eh.
"Kailan pa?" Tanong ni mommy saakin.
"Kahapon po." Sagot ko naman habang nakatungo. Narinig ko naman ang pag-iyak kaya napatingin agad ako sakaniya.
"Mommy, may problema po ba?" Nag-aalala kong tanong. Umiling naman siya.
"Eh, ba't po kayo umiiyak?"
"Ano ba Tina! Tears of joy 'to. Masaya lang ako dahil sa wakas may boyfriend na ang babygirl ko." Amp. Napakabipolar naman 'tong si mommy.
"Naku, pagnakilala mo pa itong si Tina sigurado akong mas lalo ka pang maiinlove." Sabi niya kay Dan. Ngumiti naman ito sakaniya.
YOU ARE READING
Diary Ng Tanga
Roman pour AdolescentsKwentong puno ng katatawanan, kalungkutan, kaiinggitan at kaiinisan. Paano kapag ang lalaking nagpatibok ng puso mo, ay ang lalaking wawasak din pala ng tiwala mo. Ang akala mong totoong pag-ibig ay nawala sa dahilang laro lang pala.. Totoo ba talag...