Simula

34 0 0
                                    

"What? Papasok si Trikx sa Trion? As in yung University?" sigaw ni Joshua sa aming lahat.

Nandito kami sa isang local shop dito sa Maharlika. Favorite tambayan ng squad namin 'tong lugar na 'to. Suki na nga kami.

"Oo. Sinabi niya sa'kin kagabi," kwento naman ni Aeious at tumango-tango pa. Ito talaga ang supplier namin ng chismis. Ang lakas ng sagap ng tainga.

"Ang galing talaga ni Trikx, 'no?" pagpupuri ni Xion. Nakasalamin siya habang nakikinig ng mabuti. Pero ang kamay, hawak ang braso ni Xyza.

"Inggit ka na naman, Xion," pang-aasar ni Xyza.

"Hoy Xion, tingnan mo na naman yung kamay mo. Sobra ka talagang possessive kay Xyza, 'no? Kahit sa'min nagseselos ka," puna ni Star sa dalawa pero tama naman siya. Selosa, possessive, at clingy si Xion bilang best friend ni Xyza.

"Aasawahin daw niya kasi," sabat ni Joshua sabay tawa. Itong lalaking 'to talaga, kahit anong ganap tawa lang ng tawa. Kahit pagtayo niyan, tatawa pa rin ng tatawa. Sometimes I don't even know kung totoo ba lagi ang tawa niyan.

"Huy, ayan na si Trikx," si Aeious.

"Hoy totoo ba? Na papasok ka daw sa Trion?" pasigaw na bungad ni Joshua kay Trikx sabay tawa. Napatingin naman sa'min ang mga tao dahil sa pagbanggit niya sa school na 'yon.

"Hoy Owa 'wag ka ngang maingay dyan. Tumitingin sila sa'yo oh," sabay tawa rin ni Aeious sa kanya, calling him by his nickname, 'Owa'. Nakitawa rin naman sila Xion.

"Mama mo tingin," nakasimangot na sagot nito pero sabay tawa pa rin. Normal pa ba 'yan?

Naupo si Trikx sa isang bakanteng upuan. "Boses nyo naman," mahinang sita niya kila Joshua.

"Pero Trikx totoo ba? Ang galing mo talaga kung gan'on," komento ni Xion habang yakap-yakap naman ngayon si Xyza.

"Oo, gusto ni daddy. Pero ayaw ko. Malalayo ako sa inyo at isa pa, masyadong mataas ang standards d'on," paliwanag niya at tumango naman kami.

"It's a prestigious school, but we don't belong there," komento ko. Hindi maganda ang mood ko ngayon dahil sa nanay ko. Pa'no ba naman, kinukumpara na naman ako sa kuya ko dahil--

"E 'di ba yung kuya mo, nakapasok din sa school ng Tryion?" tanong ni Joshua kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Malamang alam ko," bara ko sabay kuha ng phone at yun ang kinalikot.

"Shhh.. ngayon lang nabadtrip 'yan hayaan niyo na," sabi ni Xion. Inirapan ko siya kaya tumikom ang bibig niya. Tss.

Naglaro na lang ako ng kahit ano. Nagscroll ng kung ano-ano pero sa huli, binato ko na lang dahil wala akong napala. If cellphones are made for entertainment and communication, then why can't I be entertained by it? Such a piece of junk.

Nasira at nabasag ang screen n'on. Using my ability to use air, I crushed it until it broke into pieces. I was so upset I even controlled the air pressure until it was gone. I don't know why humans create that kind of shit.

"Woah. Bad trip nga. First time, ah," mahinang bulong ni Xyza pero narinig ko pa rin.

I stood up and left the shop. Fortunately, none of them followed me. I went all the way to the forest and sat on the center of the field surrounded by different kinds of poisonous trees and such.

I decided to eat one.

No, not killing myself. I actually have this rare immunity to poisons, which I don't know why or how. Maybe my mother gave me poisons to eat as a baby and miraculously, I survived and developed immunity.

Trion Squad: MaharlikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon