Minulat ko ang mata at pinakiramdaman ang sarili. Anong nangyari?
Sinubukan kong alalahanin. Ah, tama. Nakipaglaban kami sa mga esudyanteng sinubukang pagsamantalahan si Raud, ang kapatid ni Aeious.
Nahirapan akong umupo. Gamit ang air ability ay sinuportahan ko na lang ang sarili para lang makataupo ako ng maayos.
Masakit ang ulo ko. Masakit ang katawan ko. Ang air ability ko, medyo mahirao gamitin. Marahil dahil sa masyadong nagamit ito sa pakikipaglaban. Tiningnan ko ang katawan ang marami akong pasa. May benda pa ang pareho kong kamao at palad na pakiramdam ko ay nagdugo ng matagal.
Hirap na tumingin ako sa paligid. Ospital? Pero hindi ganito kaganda ang ospital sa lugar namin. Ang kama ko, malaki at sobra pa sa'kin. Malambot ito, hindi tulad ng nasa bahay ko. Maganda rin ang disenyo. Break the stereotype of hospitals.
Tumingin ako sa paligid ko at doon lang nakapansin ang mga nakaratay din sa kama, marami ring sugat sa katawan, nakabenda pa ang ilan, ay ang mga kaibigan ko.
Naabutan kong mumulat ang mata ni Trikx.
May benda ang dalawa niyang kamay, kita ko 'yon mula rito. Parehas kami. Lahat naman kami, ng aking tingnan, ay mayroong benda sa kamay. Hindi naman ito masakit kaya sinubukan kong igalaw.
"A-Aray..." reklamo ko sa sarili. Masakit.
"Masakit? 'Wag mo na igalaw," puna sa akin ni Trikx kaya tinanguan ko siya. Hindi naman ako tanga, 'e.
Isa-isang nagising ang mga kasama namin. Ang pinaka-huling bumangon, si Aeious. Mukhang napasobra ang paggamit niya ng ability niya kaya pagod at drained na siya.
Pero sa sitwasyon niya, hindi niya naman 'yun maiiwasan. Subukan ba namang pagsamantalahan ang kapatid mo, kung hindi ka naman magalit. Pagkagising na pagkagising niya, reklamo ng sakit ng katawan ang naging bungad.
Nasaan nga pala 'yung mga ugok na 'yon?
May pumasok sa na dalawang nurse, doon pa lang ako nakapag-isip ng maayos. Nasaan nga ba kami? Ano nga bang lugar ito? Sa pagkakatanda ako kasi, hindi ganito kaganda at kaaliwalas ang ospital sa bayan namin.
"Ayan, gising na pala kayo," magalang na sabi nung isa. Simple lang ang mga suot nila, parang normal na nurses outfit minus the tight skirt plus the baggy pants. And also they don't have yung mga mini caps na if I know sagabal lang naman.
"Tumayo na kayo d'yan, pinapatawag kayo ng principal," mataray na sabi nung katabi niyang nurse sabay irap at lakad palayo.
Hindi naman kami umimik.
"Ah, pagpasensyahan nyo na siya. She doesn't feel good treating patients from outside Trion," pahina ng pahina ang kanyang boses. So we're inside Trion? Damn it.
I sighed and nodded. Pati ba naman nurses dito, judgemental, porke galing kami sa labas, ganyan na ang turing. Sinubukan kong tumayo pero mahina pa ako. Biglang lumapit yung natirang nurse sa'kin at binigyan ako ng-- juice?
"Not hungry," sambit ko sa kanya. Taka siyang tumingin sa'kin ng ilang segundo bago tumango na para bang naintindihan na ang nangyari.
"Ah, oo nga pala. Hindi niyo nga pala alam ang tungkol dito. This is juice is called xlei. Ibinibigay ng Trion para sa mga estudyante lalo na sa mga freshmen students. This is like a medicine for over fatigue, at nire-restore nito ang energy at power mo. Pero once you take too much, it becomes lethal," paliwanag niya kaya tumango ako.
Dahan-dahan kong kinuha ang baso na naglalaman nga nung xlei, hindi sigurado kung totoo ba ang epekto. Pero sa ganito ba namang klase ng mundo, magtataka pa ba ako?
BINABASA MO ANG
Trion Squad: Maharlika
Fantasy8 people separated by anger, guilt, and insecurities have been involved in an accident which led them to come and study at Trion University, the most prestigious school in their world, ang Maharlika. Bounded by pain and misery, can they find their m...