Kabanata 2

9 0 0
                                    

Inaasahan ko na, pero manghang-mangha pa rin ako sa ganda at laki ng paaralan. Ni hindi ko nga mailarawan ng maayos.

Paglabas namin sa kagubatan ng Descry, bumungad sa'min ang malawak na field. May isang malaking fountain sa gitna na nakahiwalay, samantalang ang mga gusali naman at nakapalibot rito.

Naglakad kami sa pasilyo sa unang gusali. Ito yata ang main building nila. Dalawang palapag lang ito ngunit kita ko na ang sobrang laki at lawak nito.

Ngunit nagulat ako nang dumiretso lang si Sima sa pader. Hindi ba niya nakikita? Bulag na ba siya?

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan. Dire-diretso siya sa pader.

Warrior ba talaga 'to? Bakit ang tanga yata.

Nanlaki naman ang mata ko ng lumusot lang siya sa pader. Matapos ay nagbago ng anyo ang lahat. Ang nakita kong imahe ng mga gusali at paaralan ay isa lang pala siyang ilusyon.

Dumilim naman nang bigla itong naglaho. I realized that the entire forest is covered with a thin sheet of water, kung saan ko nakita ang imahe ng paaralan kanina. Woah. Nakakamangha naman ang gubat na ito.

Tumingin ako kay Sima ngunit nginisian lang niya ako at saka siya lumampas sa layer ng tubig na 'yon at mukhang hindi siya nabasa.

Napangisi na lang ako at natawa sa sarili. Magugulat pa ba ako? Nandito nga pala ako ngayon sa isa sa pinaka-prestihiyosong paaralan sa mundo. Hindi na dapat ako mamangha sa ganitong bagay.

Pero bakit naman ang daming daraanan bago kami makapasok? Kahit na ang pinuno ng paaralang ito ang nagpatawag sa amin. Napaisip ako roon.

Sinundan ko na lang siya at nilagpasan ito. Bumungad sa'kin ang isang.. ilog? Madilim at mahamog kaya naman hindi ko makita ang dulo at katapusan nito. Papunta na kaya ito sa paaralan?

Naghanap ako ng bangka o kahit anong maari naming masakyan upang makatawid sa ilog ngunit wala akong makita. Bumaling ako kay Sima ngunit nanatili lang siyang seryoso.

Nanatili siyang nakatayo ngunit nag-iba ang ayos niya. Ang tindig niya ay tindig ng isang mandirigma. Pero oo nga naman, dahil isa nga pala siyang mandirigma.

Ano namang magagawa ng pagtayo niyang 'yan? Hindi naman kami maitatawid niyan sa ilog.

Nagulat ako ng naglakad siya hanggang sa marating niya ang tubig at umabot ito hanggang sa tuhod niya. Bumalik ang tingin niya sa'kin at saka siya nag-angat ng kilay.

"Come on. We have to cross this river." Matapos 'yon ay bigla na lang siyang nag-dive at biglang naglaho kung saan.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Lalanguyin namin ang ilog? Ni hindi ko nga makita ang dulo nito!

I just sighed in defeat because I know that I could never turn back. Unti-unti na rin akong lumusong sa tubig hanggang sa umabot na ito sa may baywang ko.

Huminga ako ng malalim dahil alam ko sa sarili kong pagkatapos nito, may malaking pagbabago na mangyayari sa buhay ko.

I swam underwater. Marunong naman ako lumangoy. Namataan ko si Sima na medyo malayo na mula sa akin kaya binilisan ko ang paglangoy para makahabol sa kaniya.

I couldn't see anything too clearly. It was too dark.

Nang mapansin niya ako ay hinawakan niya ang kamay ko. I was running out of breath kaya naman gumawa ako ng air mask para makahinga naman ako kahit papano at makabawi.

Pwede kong gawin 'yon kay Sima pero hindi niya ako pinansin. Okay lang. Alam ko naman na sanay na siyang lumangoy rito kaya siguro naman hindi na niya kailangan nito.

Trion Squad: MaharlikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon