"This will change your life. Kaya naman.." she paused and snapped her fingers. Kasabay non ang pagkawala ng mga ballpen sa harapan namin.
"I'm giving you two days to think about this deal. Make sure to inform your parents. Syempre, hindi niyo rin pwedeng sabihin ang tungkol sa magiging role ninyo sa school na 'to. Sabihin niyo na lang na iniimbitahan kayo ng mismong principal ng school para mag-aral dito."
Tumayo siya at may kinuha sa loob ng drawer. The paper also rolled in itself.
Naglapag siya ng mga puting envelope na may kulay pulang seal.
"These are your admission letters. Two days from now, come to me with the paper signed. Dalhin na ninyo ang mga mahahalagang gamit ninyo. Don't bring all of it, though. Dahil karamihan ng mga gamit ninyo ay provided na sa inyong magiging dormitory," paliwanag niya at suminghap.
Oo nga pala. This is a dorm school. Ayaw kasi nilang bigla na lamang uuwi ang mga estudyante sa kanilang mga bahay o kaya naman ay hindi papasok dahil sa ayaw lamang. It's a way to prevent cutting classes and to ensure that the students can be independent.
"Ah, the dormitory. Lahat kayo ay sama-sama sa iisang dorm. Wala naman sigurong magiging problema doon, boys?" tanong niya sabay baling kay Aeron at Arnis.
Pinigilan ko ang sarili sa pagtawa. They look so offended! Ano bang iniisip ng principal? Na may gagawin silang masama sa'min?
Napailing na lang ako at pinigil ang sarili.
Nakakunot pareho ang noo nila at agad na umiling. Pati sila Xion at Trikx ay natawa na lang rin sa inasal nilang dalawa.
"A warrior will accompany you to the lift, but after that you're on own. Wala naman sigurong magiging problema roon? For sure you already know the way out," paalam niya sa'min.
Napasinghap ako at kinabahan. We're on our own? Ibig sabihin sama-sama kaming aalis? The fuck?
When the elevator door closed, there was an awkward silence. Nasa dulo ako sa pinakasulok. Wary of my surroundings, I just stared on the floor.
Wow, ang kintab.
Natawa na lang ako ng palihim. Hindi ko naman kita dahil madilim.
Agad bumukas ang elevator at bumungad sa'min ang mahabang pasilyo na naiilawan lamang ng mga nakasabit ng mga torch. Tulad lang rin ng nadaanan naming dalawa ni Sima kanina, pagpunta namin rito.
All I can hear was our own footsteps. Dahil medyo masikip ang hallway, tanging dalawang tao lamang ang magkakasya.
Arnis and Trikx were leading the way, followed by Star and Aeron. Kitang-kita ko ang espasyo sa gitna nila, na para bang ayaw talagang magtabi.
Xion and Ylocy were holding hands, though. Even after our friendship faded away, those two remained close to each other. Well, to me it really wasn't a surprise. They were friends even before they met us. Isa pa, malapit lang rin ang bahay nila sa isa't isa.
Ako naman, si Xyza ang katabi at malayo rin ang pagitan sa aming dalawa.
Napabuntong hininga na lang ako. Nang mawala ang pagkakaibigan namin, wala namang naganap na malaking away. I thought it was just us growing individually that made us separate from each other.
Pero nagkamali ako. There wasn't a big fight, pero mayroon kaming sama ng loob sa isa't isa.
Everyone here has their own struggles, problems, and and insecurities with each other. I remember that we slowly parted from each other. Hindi naman kami bigla-bigla na lang nagkagalit at nawala.
BINABASA MO ANG
Trion Squad: Maharlika
Fantasy8 people separated by anger, guilt, and insecurities have been involved in an accident which led them to come and study at Trion University, the most prestigious school in their world, ang Maharlika. Bounded by pain and misery, can they find their m...