Kabanata 5

2 0 0
                                    

"Tandaan mo, kada isang linggo ay magbabalita at mag-uulat sa punong-guro, ha?" paalala sa akin ni Mama.

Isang linggo na ang nakalilipas at marami na ang nangyari. Inilahad na rin sa akin ni Scarlet ang mga pagkakataon na nagtulak sa kaniya para isipin na mayroong balak mag-kompromiso ng kaligtasan ng mga estudyante sa paaralan. Kaya ako pumayag sa sinabi niya.

Pero hindi ko pa rin lubos akalain na mayroong ganitong klaseng lugar na nakatago pa sa Pilipinas. Isang lugar kung saan yumabong ang kapangyarihan at paniniwala natin noon..

Nakain ako sa bahay namin ng tanghalian, nang magawi ang tingin ko sa bintana. Kumunot ang noo ko sa nakita.

Some kid was flying! The other one then created ice to catch him! The hell? Anong nangyayari? Hindi pa nga ako nakaka-move on dun sa ginawa ng principal nung pinalutang niya yung baso! 

"Oh, anong tinitingnan mo diyan?" dumating si Mama. I was just frozen on my seat.

Inuwi ako ni Mama sa bahay niya raw dito. Strangely, I had a room in here, too, kahit na medyo madumi na 'yon sa kung ano mang dahilan. Umalis ba ako ng bahay? Bakit parang matagal akong nawala?

Unang-una, wala akong naaalala na kahit ano sa lugar na ito. Yun ang nakapagtataka dahil sigurado naman ako na hindi ko malilimutan kung lumipat kami ng bahay? Lalo pa sa ganitong lugar? How could I even try to forget about the things I learned here?

Napalunok ako at kinalimutan ang nakita. "Oo nga pala, Ma. May pinuntahan ba akong malayo? Ang dumi kasi nung kwarto ko," tanong ko. Kung umalis man ako.. ni hindi man lang niya nilinis? Itinago ko ang ngisi dahil sa sailing naisip.

Pero nang bumaling ako sa kaniya, namumula ang mata niya.

"Bakit pula mata mo?" taka kong tanong. Nag-iiyak siya? May napanood ba siyang malungkot na pelikula o ano?

"Ah wala," agad niyang pinunasan ang mga mata. "Sa sibuyas lang 'to," dali-dali siyang tumayo at bumalik sa kusina.

The house was new to me. Everything was new, but at the same time, it felt nostalgic. Hindi ko alam pero pamilyar ang mga bagay kahit wala akong memorya ng kahit na ano. Buti na lang din na mag-aaaral ako simula ngayong araw dahil pakiramdam ko mababaliw ako dito sa bahay.

Ngayon daw ang unang araw ng eskwela. Ang wirdo ng daan papunta dito sa university dahil maraming tao. Lumusong kami sa tubig! Takot pa naman ako sa tubig kaya sobra akong kinabahan! Hindi 'yon alam ni Mama kaya pinilit kong hindi ipakita kanina.

Pero yung iba naman, nakita kong nakasakay sa mga bangka.

"Para sa mga bagong salta lang 'yan.." tanging sagot niya bago ako hilahin. I almost had an anxiety attack. Mabuti na lang ay nakahinga ako ng malalim. Muntik na rin akong maubusan ng hininga.

Hindi ko na napansin ang pag-akyat dahil ubo ako ng ubo at sobrang nagtataka pa dahil hindi kami nabasa? Totoo ba talaga ito at hindi panaginip lang?

Kailangan ba akong masanay sa ganito?

"Oh? Parehas kayo ng building ng kuya mo," natatawang sambit ni Mama habang tinitingnan ang schedule ko habang papunta sa principal's office.

Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala! Anong nangyari kay Kuya? Sa sobrang gulantang ko, nalimutan kong itanong kung anong nangyari sa kaniya!

"Oo nga pala, Ma? Nasaan na si Kuya?"

"Tapos na siya sa Trion," she was flustered but still answered the question.

"Nasaan na siya? Wala naman siya sa bahay?" tanong ko ulit.

"Nandito na tayo sa office. Pasok na tayo sa loob," dali-dali niyang binuksan ang pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trion Squad: MaharlikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon